45: Pain and Regret

19.6K 764 125
                                    

Hindi ako mapakali sa upuan ko ngayon dahil palapit sa direksyon namin sina Titus at Noelle. He looked so serious and scary while she was so giggly.

Kilig na kilig ka yata, Te?

"You have to start eating," mahinang sabi ng lalaking nasa kanan ko. It was Lorenzo.

"Ah o-oo," sagot ko naman saka ko dahan-dahang hiniwa ang steak na nasa pinggan ko na may kasamang green beans at mashed potato.

"In fairness, ang sarap. Ano bang marinade ang gamit nila para magaya ko naman," magiliw na sabi ni Faizah.

Nagtaka ako. She cooked?

Then I realized that Grams Octavia was not there anymore to cook for them. Napilitan siguro si Faizah na matuto dahil kailangan.

I blinked. Hindi lang ako ang may problema. Buti nga ako love life lang ang iniisip. Problema sa love life na ako mismo ang dahilan.

Nagi-guilty ako na pilit nilang pinapagaan ang atmosphere dito. Unfair sa mga kaibigan ko dahil mayroon din naman silang problema.

Pero hindi ko kayang i-invalidate ang nararamdaman ko lalo na nang tuluyan nang nakatayo sa tabi ng mesa sina Titus.

Sa harapan ko pa.

"Oh T, dito kayo?" kaswal na tanong ni Matteo.

"Yeah. You have two vacant seats. Might as well," my heart was beating so fast nang marinig ko ang boses n'ya. Kahit monotone iyun ay napakasarap pa rin sa pandinig ko.

How I missed his voice.

How I missed him.

Hindi ko sila tinitingnan kahit na n'ong naupo na sila sa harapan ko. Tuloy lang ako sa paghiwa at pagkain ng steak ko na hindi ko naman masyadong malasahan.

"Hi. I'm Noelle nga pala."

Walang sumagot sa kanya pero pakiramdam ko ay nakatingin sa akin ang lahat kaya nag-angat ako ng tingin. Sa akin pala siya nakatingin.

"Hi," yun lang ang sagot ko saka ako bumalik sa pagkain ko.

Bahala s'ya sa buhay n'ya. Naiinis ako!

Naiiyak ako!

"I'm Yadira Gerhardt Kirkpatrick," narinig kong sabi ng pinsan ko.

"Oh. Apo ni President?" ani Noelle, her pitch elevated.

"Gerhardt ka pala, Yaddie?" ani Faizah.

"Yes. And that's my cousin, Savannah Gerhardt," turo n'ya naman sa akin.

"Simmons na Gerhardt pa?" narinig ko ang pagka-amaze sa boses ni Noelle kaya tiningnan ko siyang muli.

Maganda talaga siya. Mas maganda kaysa sa akin. Mahaba ang itim niyang buhok at lila ang kanyang mga mata.

"Yeah," 'yun lang ang sagot ko.

"It's so nice having Gerhardt friends. But no matter. I might become a Bloodworth one day," Noelle giggled.

Gulat akong napatingin sa kanya. Natigilan naman ang iba naming mga kasama. Ang tahimik bigla ng aming mesa. Ni walang ingay ng kutsilyo o tinidor.

Hindi sinasadyang napatingin ako kay Titus at nakita kong balewala sa kanya ang sinabi ni Noelle dahil uminom siya ng tubig habang nakatingin sa kung saan.

"We should hangout sometimes, Yadira, Savannah," patuloy pa niya. "How about we go shopping tomorrow? Sorry, Nadz, and Faizah, ang mga Gerhardt lang muna ang isasama ko."

Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko. Si Matteo naman ay namumula ang mukha, hindi dahil nagagalit siya kundi dahil nagpipigil siya ng tawa.

"I'm a daughter of the vampire leader of Macon, while they are the granddaughters of the ISOP President. It's fitting that we should be friends, hindi ba?"

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon