46: Vacation

20.9K 777 166
                                    

Apat na araw na ang magkakaibigan dito sa Graviville. Ngayong araw ay plano naming magpunta sa isang beach resort. Wala raw kasi ito sa Hellville kaya iga-grab na nila ang chance habang nandito sila.

Alas-diyes daw kami tutulak kaya bandang alas-nuwebe na ako naghanda. Isang red rash guard na long-sleeved at black bikini bottom na may pink na garter line na pinaibabawan ko ng maong shorts ang isinuot ko. Itinali ko rin into a messy bun ang buhok ko.

Okay na siguro itong suot ko.

May narinig akong katok at kasunod n'on ay ang pagbukas ng pinto.

"You ready?" si Faizah iyun. Mukhang handa na rin siya. Confident na confident siya sa suot na white tanktop na rashguard at Daisy Dukes na kulay puti rin.

"Ang ikli ng shorts mo. Remember, may bata tayong kasama," komento ko sa suot n'ya. Halos kita na kasi ang singit.

"Duh. Sa beach ang punta natin. Pagdating doon, magbi-bikini po tayo," natatawa niyang sabi.

"Alam mo, BI ka kay Rianah," naiiling kong sabi saka ko binitbit ang itim kong duffel bag.

Sabay na kaming lumabas ng kwarto ko at dinaanan ko na lang ang mga kapatid ko para sabay na rin kaming magtungo sa labas ng mansyon kung saan naghihintay ang napakalaking motorhome.

"Oh, nandiyan na pala sila," agad akong sinalubong ni Lorenzo at kinuha niya mula sa akin ang bag ko.

"Enjoy, guys," kumaway si Noura na nakatayo sa gitna ng courtyard. Kasama niya si Saide na nakasimangot.

"Hindi talaga kayo sasama?" sigaw ni Yadira.

"May training kami. Next time," ang laki ng ngiti ni Noura. Mukha talagang araw ang isang 'to.

"Kompleto na ba tayo?" nakangiti kong tanong sa mga kasama ko.

"Hindi pa," ani Lorenzo.

"So sorry we're late. Hindi kasi kami nagising agad," napalingon ako sa dalawang papalapit sa amin at agad naman akong napangiwi.

Si Paper Girl ay naka-bikini na ng kulay yellow. May dala pa siyang swimming tube na kulay yellow din. Habang si Titus ay tila inaantok pang nakasunod sa babae. Ayaw ko mang aminin pero wala eh. Ang gwapo-gwapo n'ya sa suot na dark blue na sando, itim na board shorts at itim ding slip on sandals. Magulo pa 'yung buhok n'ya na kasalukuyan niyang kinakamot.

"Bakit naman hindi kayo nagising nang maaga?" nakasimangot na tanong ni Nadine. Inismiran pa nito si Paper Girl na tumawa na tila kinikilig.

"Ah. Napuyat kasi kami ni T kagabi eh," namilipit pa ang babae. Ang sarap tadyakan sa mukha.

Tinapunan ko ng galit na tingin si Titus at ang bruho tinaasan lang ako ng kilay.

Nanggagalaiti na inirapan ko na lang siya at tumalikod na. Pumasok na ako sa motorhome at pumuwesto sa upuan sa tabi ng bintana. May mesa sa harapan ko at doon ipinatong ni Lorenzo ang bag ko.

"Can I sit beside you?"

"Oo naman," nakangiti kong sagot sa kanya. Namataan ko naman na naupo sa may likuran sina Max at Rianah. Sina Yadira, Raye at Faizah ay dumeretso sa bedroom na nandito rin sa loob ng motorhome. Si Matteo naman ay pumuwesto sa manibela at sa tabi n'ya si Nadine.

At ang dalawang kinaiinisan ko? Dito lang naman sila pumuwesto sa harapan namin ni Lorenzo.

Ang galing. Ang sarap magwala.

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Nag-iba na talaga ang temper ko simula n'ong nabuhay ang vampire blood ko. Ang bilis ko nang mairita.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon