32: ISOP

243 12 0
                                    

One week nang binabantayan ng mga tauhan nina Matteo ang witches na nakilagkita kay Lucinda. Wala naman dawng ginagawang labag sa batas ang mga ito. Hindi na rin nakipagkitang muli ang mga ito sa babae.

Last week, tinanong ko sina Magnus Bloodworth kung nasaan ang kayamanan ng mga Simmons. Turned out, nasa Bank of Hellville lang pala ito. May iilan ding accounts sa Graviville.

Milyones ang kayamanan na minana namin ng mga kapatid ko.

Hindi ako makapaniwala na nakapag-accumulate ng ganito kalaking halaga ang pamilya ko habang naghihirap ang halos lahat ng witches sa bayan.

They deserved better.

Kaya kailangan kong pag-isipang muli kung ano ang mas makakabuti sa kanila. Maging si Grams Octavia ay excited sa mga darating pang pagbabago.

"Lower," Titus my knee forward, and tested the strength of my fist. "Hit harder."

Napabuga ako ng hangin. Dalawang oras na kaming nagti-training kung paano makipaglaban. And when I thought he was scary before, now, it's tripled. Grabe, sobrang istrikto.

Nandito kami sa likuran ng Simmons manor. Nalinis na ang bahaging 'yun at sakto ang laki para sa mga trainings na ginagawa namin.

"You're a vampire. You should be able to break this brick with just a flick of your fingers," aniya na itinuro ang solid at makapal na brick sa harapan namin. He made me punch that a while ago and I almost broke my wrist.

"Ikaw siguro. Hindi ako sanay manuntok, okay? Give me a break," reklamo saka siya binigyan ng nakamamatay na tingin.

And of course, he ignored my glare.

"I gave you a break. Two hours, precisely. So, now, try to break the brick again."

"Nakakainis ka talaga!"

He chuckled.

I ignored his smile. Lumapit ako sa brick at tinitigan iyun.

"First, focus your strength here," he touched my fist. But he didn't stop there. Pinagapang n'ya ang kanyang kamay sa aking palapulsuhan, sa aking braso, at sa aking balikat saka ako minasahe doon.

I moaned in pleasure.

"Oh, that feels good," anas ko na napapikit pa.

Napasandal ako sa matigas niyang dibdib at bumaba sa aking mga braso ang kanyang mga kamay na ekspertong pumipisil d'on.

Bakit ganito ang nararamdaman ko kay Titus? Bakit gustung-gusto ko na malapit siya.

Just six months ago, takot na takot ako sa kanya. Kailan ako nagsimulang makaramdam ng ganito? Na parang siya na ang hangin na hinihinga ko?

"I was under the impression that you were here to train."

Gulat kaming napalayo ni Titus sa isa't isa nang marinig ang matigas na boses na 'yun.

It was Yadira. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling pero papalapit na siya sa amin ngayon. Blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Ms. Kirkpatrick, if you're here to harass me again, I will tell you again that I am not interested to date you," matigas din ang boses ni Titus.

Pagak na natawa si Yadira. "Don't worry, T Bloodworth, hindi ako kailanman naging interesado sa'yo. I'm done playing games. I am here to take Savannah Kirkpatrick, a vampire-witch, to Graviville to face the Senate."

Napaatras ako lalo na nang makitang ang Yadira na kaharap namin ngayon ay hindi ang kaibigan ko kundi isang Sentry ng ISOP.

"You are not taking here anywhere," Titus stepped in front of me.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon