38: Grand Plan

21.7K 721 28
                                    

Tahimik lang si Yadira habang pasulyap-sulyap sa rearview mirror. Kita n'ya doon si Lucinda na kampanteng nakaupo habang nakatingin sa labas.

Nagising na lang sila kanina nang may sinabi nanaman si Lucinda na kung ano. Muntik na nga niya itong saksakin buti na lang napigilan ko.

"Sigurado ka ba dito?" tanong niya sa akin kaya tumango na lang ako.

Ano pa nga ba ang choice namin? Mukhang determinado si Lucinda. Baka gamitan n'ya uli kami ng spells n'ya.

Marahas na bumuga ng hangin ang katabi ko.

Napakatahimik ng kabayanan nang napadaan kami doon. Halos ayaw nang lumabas ng mga mamamayan kahit ang mga bampira.

Nang tinatahak na namin ang daanan papuntang Upstate ay hapon na. Ilang oras na lang at magsisimula nanamang magiging aktibo ang mga Turned.

Nilingon ko si Lucinda at nakita kong seryoso pa rin siyang nakatingin sa labas.

Agad na bumukas ang gate nina Titus nang makarating kami. Napansin kong busy ang lahat nang makapasok kami sa bulwagan ng mansyon. Naglilinis ang mga maids, may mga nagkakabit din ng mga magagarang drapes, at may nag-a-arrange ng mga decorations sa isang mahabang buffet table.

"Anong meron?"

"May pa-party si President bukas. All leaders from other vampire towns are coming tomorrow night to announce the takeover of ISOP of this town formally," balewalang sagot ni Yadira saka humakbang papunta sa conservatory.

Natigilan ako. Paniguradong galit na galit sa akin ang mga bampira ng bayan.

At bakit masyado naman yatang nagmamadali si Orpheus Gerhardt na i-annouce ang pagbabago?

"Pag-isipan mo ang sinabi ko sa'yo kanina," bulong ni Lucinda sa akin saka sumunod na kay Yadira.

Napabuga na lang ako ng hangin.

Nadatnan naming kampanteng nakaupo si Orpheus sa isang couch habang nakaharap sa malalagong dahon ng isang purple na halaman.

"Ms. Fitzgerald," aniya nang bumaling sa amin ngunit agad din siyang napakunut-noo nang makita ang kasama namin ni Yadira. "Lucinda Montgomery," pormal niyang sambit.

"Orpheus Gerhardt," sagot naman ng babae.

So, magkakilala na sila.

"I assume Ms. Fitzgerald brought you here," ani Orpheus saka tumayo at humarap sa amin.

"Yes. Mukhang kakailanganin n'yo ang tulong ko," ani Lucinda saka umupo na parang reyna sa isa pang couch.

Mukhang hindi siya natatakot kay Orpheus kahit na halos lahat, kung hindi man lahat, ay nanginginig na sa takot dito.

"And tell me why would that be," tila amused na sabi naman ng lalaki.

"I will give you Alistair Bishop, and Ms. Simmons here," inilahad pa ni Lucinda ang kamay sa direksyon ko kaya naman tumaas ang kilay ko.

Hindi ko maalalang pumayag na ako sa deal na ginawa n'ya.

"How could you make that possible?" may ngisi na sa mukha ni Orpheus. Mukhang aliw na aliw nga siya.

"I just can," confident na sagot ni Lucinda.

"Very well then. Come tomorrow and attend my party. The Bloodworths are not very happy about it but I'm sure they will be thrilled to know that you can be of help to us."

Tumayo na si Lucinda nang may ngiti sa mga labi na tila ba nanalo siya sa isang malaking competition.

"I will see all of you tomorrow then," aniya saka humakbang na palabas kaya nasundan ko na lang siya ng tingin.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon