8: Upstate Party

25.2K 1K 152
                                    

Nasa bakuran kami ngayon ng Bloodworth mansion. May kung anong ginagawa sina Lorenzo at Faizah sa mga puno na nandito. Iyun yata ang ginagawa nila upang alagaan ang mga puno dito.

Kasama ko namang nakaupo lang sa well-trimmed grass si Rianah. Magkasama ngayon sina Raye at Max sa school nila dahil enrollment na nila. Sana lang hindi mag-away ang mga 'yun. Ayaw kasi ni Max sa pagiging snob ni Raye. Sinabi ko naman sa kanya na iba ang snob sa introvert.

"Hindi ka ba naiinitan?" tanong ko kay Rianah na busy sa kanyang laruan.

Umiling lang siya.

Tahimik lang kami nang bigla na lamang may tatlong kotseng pumasok sa gate at parang nagkakarera. Kotse iyun nina Nadine at Matteo na hinahabol ang kay Ambrosia na siyang nasa unahan.

Ano nanaman kaya ang ginagawa ng mga 'to? May drama nanaman yatang mangyayari.

Medyo malapit lang kami sa mansyon kaya kitang-kita ko na nagmamadaling bumaba si Ambrosia at pumasok sa loob habang tinatawag siya nina Nadine at Matteo.

"Ano nanaman kayang gulo ito?" ani Faizah na may hawak na dahon.

Umayos ako ng upo sa bermuda grass. Sayang wala akong popcorn.

Mukhang nagkakagulo nga sila sa loob dahil nakarinig ako ng sigawan. Hindi ko maintindihan 'yun ngunit alam kong galit na galit ang mga tao doon.

Pilit kong pinakinggan ang mga sigawan. Bakit ba hindi ko masyadong marinig?

Tsk.

Gulat kaming napatingin sa nabasag na bintana sa third floor at mula doon ay may isang tao na tumilapon kaya bigla akong napatayo.

"What the!?" sambit ko.

"Mukhang seryoso ah," komento ni Lorenzo.

Parang walang nangyari na tumayo ang taong nahulog na walang iba kundi si Matteo at muli siyang tumakbo papasok.

Ano ba'ng nangyayari sa kanila?

Ilang sigaw pa ang narinig ko bago tumahimik. Wala na kaming narinig uli kaya nagkibit-balikat ang magkapatid at bumalik sa ginagawa nila.

Gan'on lang 'yun?

Ang anti-climactic naman. Muli akong umupo.

Ilang sandali ang nakalipas ay nakita kong lumabas si Ambrosia at sumakay sa kanyang kotse na parang bigong-bigo. Pinasibad n'ya 'yun.

Si Matteo naman ay marahang humahakbang palapit sa amin. Nasa mukha niya ang isang mapaglarong ngiti na para bang hindi s'ya tumilapon kanina sa bintana.

"Kumusta?" bati niya sa akin sabay upo sa tabi ko.

Patingin-tingin lang ang magkapatid na Atwood sa amin pero hindi sila umimik.

"Ikaw ang kumusta?" sagot ko.

"Bakit naman?"

"Nakita kaya kitang nahulog kanina. D'on sa bintana. Tumilapon ka na parang tinapay."

Natawa s'ya. "Ah 'yun ba? Wala 'yun. Si Brooke kasi sinipa ako."

Napailing ako. Normal lang sa kanila na nahuhulog sa bintana?

"Ang gulu-gulo nila," pabuntung-hiningang sabi n'ya.

"Tingin ko nga rin. Akala ko ba galit si T kay Ambrosia. Bakit nagpupunta pa s'ya rito?"

"Good question. 'Yan din ang tanong namin sa kanya. After three months ay ngayon lang siya bumalik dito sa mansion para manggulo."

"Ano ba kasi ang kailangan n'ya dito?" naging curious na rin ako.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon