26: Mysterious Yaddie

23.7K 923 198
                                    

Nakangisi lang si Yadira pagkatapos kong sabihin sa kanya na hindi na s'ya pwedeng lumabas ng Hellville, ever.

"Why?" aniya sabay krus ng mga paa na para siyang isang donya habang nakaupo sa couch dito sa conservatory.

Sasabihin ko ba na...?

"I don't think I'm going anywhere after meeting that handsome guy. What's his name?"

Gusto kong sumimangot sa sinabi n'ya. "Titus Thaddeus Bloodworth," sagot ko na lang.

"Ang gwapo ng pangalan. Haay. Now I believe in love-at-first-sight," pinagdaop n'ya pa ang mga palad n'ya.

Bakit ba ako naiinis na interesado s'ya kay Titus? Nababaliw na yata ako. Ano ba'ng pakialam ko kung magustuhan nila ang isa't isa?

"Anyway, Yaddie, focus ka muna sa sasabihin ko, okay? This is a matter of life and death. May something sa bayan na 'to that prohibits you to exit its' borders," geez! Paano ko ba sasabihin 'to sa kanya?

"Why? Is it because of the spell that your grandmother cast?"

Gulat akong napatitig sa kanya. Ano uli 'yung sabi n'ya?

She let out a sexy laugh. "Oh Savannah, I know about the existence of vampires and witches lalung-lalo na ang mga nakatira dito sa Hellville. The founding families of this town are quite popular."

"P-Pero...Pa-Paano?" hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pinagsasasabi n'ya. Akala ko pa naman sekreto ang existence ng mga katulad namin at nina Titus.

"Because Savannah, I'm also a vampire. A Pureblood, specifically," aniya saka ngumiti sa akin nang pagkatamis-tamis.

What the-!

"Seriously?" kung hindi siguro ako nakaupo ngayon ay siguradong nawalan na ako ng balance. Nanghihina yata ang buo kong katawan.

My childhood friend. A vampire? And not just a vampire but a Pureblood.

"Oh c'mon. Don't be so surprised. Ito ang dahilan kaya kinailangan naming umalis five years ago. I had to attend Sentry Academy. It's a military school for Purebloods. My family has been in the business for hundreds of years."

Mulagat akong napatitig sa kanya. Literal na laglag ang panga ko.

"I'm still the same Yadira that you grew up with," aniyang lumambot ang boses.

"This is really...unbelievable. Hindi ko in-expect ito."

"I know. I'm sorry for keeping this from you. Pinagbawalan kasi ako ng mga folks natin dati eh."

"So, alam nina Mommy?"

Tatlong tango ang naging sagot n'ya.

Wow!

My mother really kept a lot of secrets from us. Lahat pa ay hindi maliliit na bagay. Meron pa kaya siyang ibang sekreto? Baka naman may mas nakakagulat pa. Baka mawala na ako sa tamang pag-iisip 'pag nagkataon.

"I haven't finished school yet, but students with high ranks get to fulfill some missions. That's why I'm here right now. I am a student-Sentry and my performance here will be graded," dagdag n'ya pa.

A Sentry. Siya iyung sinasabi nina Magnus.

"Mission? Pwede ko bang malaman?"

"May mga vampire-witch na nandito. Kailangan ko silang bantayan. Besides, ISOP wants to record all their business. Kailangan alam namin ang ginagawa ng mga vampire-witch na ito. Kunu anu-ano ang kaya nilang gawin. At kung threat sila sa supernatural at mortal world."

Nahilot ko ang aking sentido. "This was getting too much."

Tumangu-tango siya uli. "This is my first assignment and I have to do my best to succeed in this mission. My family has been a Sentry family for centuries. Magagaling sila at talagang kinikilala ng lahat. Nakasalalay sa mission na ito ang reputation ng aking pamilya."

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon