47: Love Wins

21.5K 774 81
                                    

"No. And for the last time, no!" malakas na sabi ni Titus sa mukha ko saka niya isinara ang pinto ng kwarto n'ya. Kanina ko pa kasi sila kinukulit na sasama ako sa kanila pabalik ng Hellville pero ayaw n'ya talaga. Binagsakan pa ako ng pinto sa mukha.

Ugh! Nakakainis.

Nandito na kami ngayon sa Gerhardt manor at kanya-kanya na sila sa paghahanda kaya heto ako, katok nang katok sa kwarto ni Titus para kumbinsihin siyang pasamahin ako.

'Yung sina Nadine at Matteo kasi ayaw pa akong isama kung hindi approved ng kanilang leader na masungit.

"Wag ka na nga makulit," pairap na sabi ni Noelle sa akin. Palapit ito sa akin at mukhang handa na dahil may hila-hila na siyang yellow na luggage. "Wala nang karapatang mangulit sa ex 'di ba?"

Gulat akong napatingin sa babae.

"Oh. I know everything about you and T, dear. Hindi naman kasi ako bulag. Binitawan mo na kaya 'wag mo nang pulutin. Bigyan mo naman ng dignidad 'yung tao," aniyang mukhang galit.

Teka, iba ang aura n'ya sa maharot na Noelle na nakilala ko.

"Excuse me. Hindi ko s'ya inaagaw sa'yo. At hindi siya sa'yo. Hindi ka pa niya sinasagot hindi ba? I heard na ikaw itong nanliligaw kaya hintay-hintay din ng sagot ha? Baka kasi mabasted ka," ismid ko. Makulit akong kumatok uli sa pinto ni Titus. Gusto ko lang talaga sumama.

"Cheap ka rin 'no? Ayaw ka ngang kausapin. Can't get his message, girl?"

Bahala ka d'yan kausapin ang sarili mo. Mas malakas pa ang katok ko ngayon para mas mainis pa si Paper Girl.

Nakasimangot na muling binuksan ni Titus ang pinto. Ilang beses siyang napahinga ng malalim saka binalingan si Paper Girl.

"Your car is ready. Bumaba ka na. You know what to do," seryoso niyang sabi dito.

Ngumiti naman ng matamis ang babae. I eyed the huge diamond ring on her ring finger.

Engaged ba sila?

"Pupuntahan mo ba ako sa Macon, T?"

Mas lumalim pa yata ang kunot sa noo ni Titus dahil sa sinabi nito.

"When did I ever go to Macon to visit you, Noelle? Just do what you've always done," suplado niyang tanong kaya sumimangot ang babae.

So, totoo nga ang sinabi ni Matteo na hindi pumupunta ng Macon si Titus para kay Noelle.

"Bumaba ka na. And please, tuparin mo ang pangako mo," aniya pagkaraan ng ilang saglit. Mahinahon na ang boses niya kaya walang nagawa si Noelle. Padabog itong lumayo na panay pa ang lingon sa amin nang may masamang tingin.

Lalo na sa akin.

Pangako? Ano ang pangako ni Noelle sa kanya? Bakit mukhang importante?

"Bye," I mouthed at her and waved my hand with a victorious smile on my lips.

Why victorious? Hindi ko alam. Masaya lang ako dahil sa wakas ay wala nang lintang nakadikit kay Titus.

"You! Get inside," muntik pa akong mapatalon nang biglang nagsalita si Titus sa likuran ko.

Kunway nahihiya akong pumasok sa kwarto n'ya. Nakaramdam ako ng sari-saring emosyon ngayon. Saya, takot, hiya, asiwa, lungkot...

Nakakabaliw. Yes, nakakabaliw naman talaga ang isang Titus Bloodworth. Dati pa.

"What are you standing there for?" formal niyang tanong. Nakaupo na pala siya sa may couch na nasa sulok samantalang ako ay nanatiling nakatayo sa tapat ng pinto. Dahan-dahan akong humakbang at tumayo sa harapan n'ya. Mukha siyang hari sa asta niya at ako naman ay kanyang tauhan.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon