43: Family Trouble

19.6K 696 18
                                    

Dalawang buwan ang matulin na lumipas. Marami nang napag-aralan si Max tungkol sa magiging responsibilidad n'ya sa ISOP kung sakali. Si Rianah naman ay muling naging madaldal at masayahin dahil sa ama namin.

Pero ako? Hindi ko pa rin siya napapatawad. Hindi n'ya kasi alam kung gaano ako nahirapan at natakot para sa aming magkakapatid.

Sa ngayon ay dito ako sa greenhouse nakatambay.

Dito rin ako nag-eensayo kung paano maging isang effective witch. So far naman ay marami na akong alam na spells. May iilan din akong na-imbento. Kapag naman gusto kong mag-train ng offensive spells ay sa isang silid na bigay ni Orpheus ako pumupunta.

Sa ngayon ay sinusubukan kong palakihin ang isang gulay. Sa ngayon ay buto pa lang 'yun.

I whispered a chant, my right hand hovering over the seed. Spell casting was not easy. It required physical and mental strength. Usually, madaling nauubos ang lakas ko. Kaya kailangan kong magpalakas.

I was getting there. Not an impossible goal.

"Savannah..."

Napatingin ako sa babaeng kakapasok lang dito sa greenhouse.

"Hey," mahina kong acknowledge kay Yadira. Kahit papaano ay nawawala na ang galit at tampo ko sa kanya.

Isa pa, hindi lang kami magkaibigan. Magpinsan pa.

"Aalis kami ni Ate Noura ngayon para gumala sa mall. Gusto mong sumama?"

Napasimangot naman ako agad. Bakit naman ako sasama sa mga 'yun?

"Di na. Thanks," sagot ko.

"Actually, she is inviting you to come?" aniyang medyo nag-alangan pa.

"Huh? Sino?"

"Si Ate Noura. Wala si Ate Saide ngayon. Bumalik s'yang Macon para sa birthday party ng kaibigan n'ya doon."

"At bakit naman ako iimbitahan ni Noura?"

Nagkibit-balikat si Yadira. "Why don't you come para malaman mo?"

Sumama na nga ako. Ayoko namang maburyo na lang sa napakalaking palasyo na 'to nang mag-isa.

Ang tahimik namin sa loob ng limousine na sinasakyan namin. Nasa tabi ko si Yadira na nakatingin lang sa labas samantalang nasa harapan ko si Noura na nakatingin sa akin nang maiigi.

"What?" taas-kilay kong tanong.

Nagulat na lang ako nang ngumiti siya. It was a genuine smile kaya hindi ako makapaniwala.

Teka, was this the same girl I met two months ago? Maldita siya at maarte.

"We started off on the wrong foot, Savannah. I'm sorry for that," aniyang nakangiti pa rin kaya hindi ako nakasagot.

Binalingan ko si Yadira na nakangiti sa akin.

"Is she for real?" tanong ko sa katabi na itinuro pa si Noura.

"Si Ate Saide naman kasi talaga ang maldita. Itong si Ate Noura ay sumusunod lang. Gaya-gaya lang 'yan."

Muli kong tiningnan si Noura na natawa sa sinabi ni Yadira. Hindi pa rin ako makapaniwala.

"Saide has a reason why she's the way she is. Hindi ko naman siya kayang salungatin kaya pinagbibigyan ko na."

"Pero mas matanda ka sa kanya."

"Which means, the more na kailangan kong magparaya sa mga gusto n'ya. But I really want to let you know that I am not angry at you or your mother. Hindi ko naman masisisi si Dad. He was unhappy with Mom."

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon