31: A Bite In the Back

270 12 0
                                    

Tila nasa karera sa bilis ang takbo ng sports cars nina Titus, Nadine at Matteo. Nasa border naghihintay si Lucinda. Hindi kami sigurado kung mag-isa siya o kasama ang mag-asawang Bishop.

One thing was for sure, hindi kami dapat makampante kahit mag-isa siya. She was a witch, a Montgomery witch.

Of course, hindi ko alam kung gaano siya kalakas. Mga rumors at gossips lang ang naririnig ko tungkol sa clan niya. Pero mas mabuting handa kami sa anumang haharapin namin.

Makapal ang alikabok sa daan. Kami ni Titus ang nauna habang sabay na nakasunod sa amin sina Nadine at Faizah, at Matteo at Lorenzo.

"Ano sa tingin mo kailangan n'ya?" tanong ko habang nakakapit sa upuan.

"Who knows. Villains are unstable lunatics," simple na sagot ni Titus na sa daan deretsong nakatingin. Mahigpit ang hawak niya sa manibela at nakikita ko ang kanyang veins sa kanyang mga kamay.

Pilit kong inalala ang mga spells na pinag-aralan na namin ni Faizah. Inisip ko kung anu-ano ang offensive at defensive sa mga 'yun. Hindi pa ako handang makipaglaban kung sakali pero lalaban ako kung kailangan.

"Don't worry. You are not alone. I will not let anything happen to you," saglit akong sinulyapan ng katabi ko.

Tumango ako. Alam ko naman 'yun. I trusted him to protect me. I never doubted that.

Pero mas mapapanatag ako kung kaya kong protektahan ang sarili ko at mga mahal ko sa buhay.

Mga tatlumpung minuto kaming nagbyahe bago namin narating ang border kung saan daw maghihintay si Lucinda.

Huminto si Titus at sa kanan namin ay kotse ni Nadine kung saan sakay si Faizah.

Sa kaliwa naman sina Matteo at Lorenzo.

They reeved their engine. Kumalat ang alikabok sa hangin.

Everything was... brown and dry. Maging ang gubat sa may 'di kalayuan ay kulay brown. We were in the barren side of Hellville.

"Nasaan s'ya?" tanong ko habang panay ang tingin sa paligid.

Hindi sumagot si Titus pero nanliit ang kanyang mga mata. Ibinaba niya ang bintana sa side niya. Nakita kong binaba rin ni Matteo ang bintana sa side ni Lorenzo para magkarinigan sila ni Titus.

"Matt..." that was all he needed to say.

"Right," mabilis na bumaba si Matteo. In an instant, he was gone. He was so fast, vampire speed. Pero kahit na gaano pa siya kabilis na ay nagawa ko nang sundan ang kilos n'ya. He went into the barren forest.

I smirked. My vampire sight.

Nakita kong bumaba sina Nadine at Faizah at umupo sa hood ng kotse.

Naririnig ko ang hangin habang tahimik kaming naghihintay.

"Let's go," sabi ni Titus pagkaraan ng ilang saglit kaya mabilis akong bumaba. Gan'on din ang ginawa ni Lorenzo nang makita kami.

"Okay ka lang?" tanong ng kaibigan ko kaya hinawakan ko ang kamay n'ya. Pinisil n'ya 'yun bago siya tumabi kay Faizah.

Nilingon ko si Titus at nakita kong mataman siyang nakatingin sa akin. "What?"

Mariin siyang umiling saka namaywang at pinag-aralan ang paligid.

Hindi nagtagal ay bumalik si Matteo. He didn't look tired from all that running.

"T, narinig mo ako?"

Tumango si Titus. "So, if she's not here, where is she?"

So, kinausap ni Matteo si Titus sa kanyang isip para sabihing wala si Lucinda? At ginawa n'ya iyun habang wala siya sa paligid?

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon