25: A Long Lost Friend

24.9K 855 134
                                    

"What is the meaning of this?"

"I can't believe this."

"Am I really seeing this?"

"My oh-so-innocent-eyes."

What the hell was all this fuss? Gusto ko pang matulog. Niyakap ko na lang ang malambot kong unan.

Napakakomportable ko ngayon. Ang tagal na mula n'ong nakatulog ako sa ganito kalambot na kama.

"I will give you five seconds to leave this room," that voice. Mahina lang 'yun pero nakakatakot.

Ang sunod kong narinig ay mga yapak na mabilis na lumalayo kasunod ng pagsara ng pinto.

Ano 'yun?

Well, I will just enjoy my very comfortable sleep here.

Teka... Bakit hindi ako makagalaw? Parang may mabigat na nakadagan sa beywang at mga paa ko.

But I was too sleepy to care. Nilamon na naman ako ng antok.

Nagising na lang ako dahil sa isang masarap na amoy. Sausage? Omelette? Both? And coffee?

Ang sarap sa ilong.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at ang una kong nakita ay ang itim na kurtina na mula pa sa ceiling sa laki.

Teka. Hindi ko 'to kwarto ah.

Nagtataka akong napabangon. Oo nga pala. Nandito ako sa Bloodworth mansion. Inilibot ko ang paningin ko sa buong silid. Mag-isa lang ako dito.

Naalala ko kagabi, magkatabi kaming natulog ni Titus sa kama na 'to. Tanging ilang unan lang ang nakapagitan sa amin.

Pero wala na ang mga unan sa pwesto nila. Naglikot ba ako?

Napatingin ako sa isang tray sa ibabaw ng coffee table. Nandoon nga ang masasarap na pagkain na naamoy ko kanina. May ilang fresh fruits toasts pa doon.

Tumayo na ako at nagsimulang kumain.

Nasaan na kaya 'yung pasyente ko? Baka naman maagang nagising. Tsk. Obviously.

Itinuloy ko na lang ang pagkain at naligo na rin ako pagkatapos. Isang maong shorts at itim na crop top ang isinuot ko saka sneakers na s'yang suot ko kahapon. Sana ay nag-empake naman ng komportableng mga damit ni Faizah.

"Ms. Savannah, magandang umaga," bati ng isang maid na nadatnan kong nagliligpit ng mga pinagkainan ko. S'ya din 'yung naghatid ng bag ko kagabi.

"Ah...g-good morning. Hindi ka na sana nag-abala. Kaya ko namang dalhin ang mga 'yan sa kitchen," nahihiya kong sabi.

"Ay hindi po. Ito po ang naka-assign sa aking trabaho. Ang alagaan kayo habang nandito kayo sa mansyon."

Alagaan? Bakit? Wala naman akong sakit ah.

"T-Teka...nasaan nga pala si Titus?"

"Ah nasa founding families library po kasama sina Ms. Nadine at Mr. Matteo."

"Salamat," lumabas na ako ng kwarto at patakbong bumaba sa hagdanan upang magpunta sa library. Malapit na ako nang marinig ko ang mga boses nila mula sa loob. Hindi pala nila naisara nang maayos ang pinto. Hahawakan ko na sana ang doorknob nang magsalita si Matteo.

"A Sentry? Sigurado ka?"

"Bakit naman magpapadala ng Sentry dito sa Hellville?" boses naman iyun ni Nadine.

Ano naman 'yung sentry?

"May naamoy ka ba, T?"

"No, Nadz, but I don't like this. Wait..." natahimik sila sa loob. Nagulat na lang ako nang bigla na lamang bumukas ang pinto at tumambad sa paningin ko si Titus na seryosong nakadungaw sa akin.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon