49: For the Ultimate Power

20.3K 696 67
                                    

"What happened?" niyakap ako ni Titus habang patuloy sa panginginig ang katawan ko. Ni hindi ako makasagot.

"Savannah, may nakita ka bang vision?" usisa ni Matteo kaya isa-isa ko silang tiningnan bago tumango.

"What did you see?" seryoso akong tiningnan ni Titus sa mata kaya napalunok ako.

"Just... Just how Fredrick and the other Purebloods were killed. I-I have to find the others. Tama ka, your parents are probably still alive," itinulak ko nang bahagya si Titus and focused.

Pumikit ako at una kong nakita ang sementeryo. I moved forward.

And I saw it. I saw them. I didn't need details. I knew where they're being kept.

I opened my eyes. Nakakahilo itong ginagawa ko. Clairvoyance after clairvoyance. Nakaka-exhaust. But they needed to know. ASAP.

"Your... Your parents. They're being tortured right now by Lucinda and Florence," nanginginig kong sagot kaya napasinghap sina Nadine at Matteo samantalang napatiim-bagang naman si Titus.

"Nakita mo ba kung saan?" aniya.

Kumunot ang noo ko. Nakatali ang mga kamay at paa nina Rosamund Bloodworth, Mrs. Clementine at Mrs. Penelope habang nakasubsob sila sa lapag. Sina Mr. Horton, Mr. Brigham at Ambrosia naman ay nakatali rin ang mga kamay sa kadena na konektado sa bubong kaya tila nakasabit sila at sapat lang na nakaapak sila ng konti sa sahig.

Lahat sila ay duguan at may mga natuyong dugo na nga sa katawan nila at kahit na hindi ko naging kaibigan si Ambrosia ay naaawa pa rin ako sa kanya. Mukhang hirap na hirap na siya idagdag pa ang napakalaki na niyang tiyan.

"Savannah, please alalahanin mo kung saan," naiiyak nang sabi ni Nadine.

"Don't force her, Nadz," mahinang sabi ni Titus

"Alam kong nasa sementeryo sila. Inalala ko lang kung saan exactly. Sa mausoleum ng founding families. Nandoon sila."

"Tayo na," anxious na yaya ni Nadine. She was still shaken by Fredrick's death.

"Hey, calm down. Hindi tayo pwedeng padalos-dalos," hinawakan ni Matteo ang kamay n'ya kaya huminga siya nang malalim.

"Savannah, how are they?" baling ni Nadine sa akin.

"Ah... They're not okay," I said honestly. Mas mabuti nang alam nila ang nangyayari sa mga pamilya nila.

"But they're alive, right?" ani Matteo.

Tumango naman ako. "Barely. We have to hurry."

"Okay. It's just gonna be the four of us against Lucinda and her people. Be careful," sabi ni Titus saka ako hinawakan sa kamay. "Rocco, find some Purebloods who can be our backup."

"Okay, T," mabilis na sagot ni Roco saka nauna nang lumabas.

Sumunod kami agad sa labas. Sa isang kotse na naroon kami sumakay. Si Titus ang nagmaneho n'on at agad na naming tinalunton ang daan papuntang sementeryo.

Kabado ako buong byahe kaya hindi ko binibitawan ang kanang kamay ni Titus habang ang kaliwa naman ang nakahawak sa manibela.

"Malilintikan talaga sa akin ang Lucinda na 'yun," nanggagalaiting sabi ni Nadine at naiintindihan ko kung bakit.

"Let's just be alert and reasonable when we get there. Hawak nila ang mga pamilya natin. We can't risk it by being reckless," ani Matteo at sumang-ayon naman kami lahat.

Malayo pa lang ay kita na namin na pinapalibutan ng mga Turned ang sementeryo. Kung nasaan ang mga witches na sakop ni Lucinda ay hindi ko alam. But for sure, they were just lurking around here somewhere.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon