2: The Strange City

30.8K 1.1K 118
                                    

Napahawak ako sa braso ni Faizah nang mapansin kong pinagtitinginan kami ng mga tao dito sa loob ng Fresh Market.

"Hindi lang sila sanay na may bago dito sa bayan," bulong niya. "Mrs. Deliah, kumusta ho?" bati niya sa matandang babaeng nakasalubong namin.

"Faizah, may kasama ka," sa halip ay sabi nito na mataman akong tinitingnan. Mukha siyang na-excite bigla habang nakatingin sa akin.

Mukhang hindi nga talaga sila sanay na may nakikita silang bagong mukha.

"Ah ito po pala si Savannah, apo ni Elder Caridad Simmons," ani Faizah sa malakas na boses at nakita kong napasinghap ang mga nakarinig sa sinabi n'ya.

"S-Simmons?" napahakbang paatras si Mrs. Deliah.

"Opo. Anak po s'ya ni Ariana Simmons."

"Gan'on ba? S-Sige at may bibilhin pa pala ako," nagmamadaling umalis sa harapan namin si Mrs. Deliah at ang iba naman ay nakatingin lang sa amin.

"Ano'ng meron sa Simmons?" bulong ko sa kanya pero agad niyang tinakpan ang bibig ko.

"Feared family," aniya saka humalakhak.

Ano?

"Ano'ng feared uy?" usisa ko pa pero umiling lang si Faizah na parang enjoy na enjoy sa kalituhan ko.

Nagmamadali naming kinuha lahat ng nasa listahan at inilagay sa kinuha naming cart na mukhang luma na rin. Everything in this town seemed old and shabby.

Nang natapos kami sa pamimili ay tuloy pa rin ang mga weird na tingin na natatanggap ko. I was uncomfortable the whole time.

Nang makauwi kami ay agad na naming inilagay sa refrigerator ang mga karne na nabili namin. Ang iba naman naming mga pinamili tulad ng noodles, toyo, mantika at iba pa ay sa cupboard namin inilagay.

Pero may napansin ako sa isang cupboard na nabuksan ko. Puno iyun ng mga ugat ng halaman at kung anu-anong mga dahon. May mga nakita rin akong mga kristal doon na katulad ng sa kristal na nakasabit sa posteng nasa gitna ng living room.

"Ano 'tong mga 'to?" tanong ko kay Faizah na busy pa rin sa paglalagay ng mga groceries sa isa pang cupboard.

"Mga herbs at some ritual items," balewalang sagot niya.

Ritual items?

Dahan-dahan kong isinara ang cupboard saka ko siya tiningnan. Faizah looked like a typical teenager. Though their house seemed to be a house of...

I shook my head. No, they couldn't be what I thought they'd be.

"Savannah, I know you're confused right now but honestly, coming here was a mistake," seryosong sabi ni Faizah na binalingan ako.

"Aalis din naman kami agad..." hindi ko natuloy pa ang sasabihin nang makita ko siyang umiling.

"You can't leave anymore. Once pumasok ang isang tulad mo sa teritoryo ng Hellville, hindi ka na makakaalis pa."

"Tulad ko? What do you mean?"

"Tulad mong may dugo ng pure human," walang kurap niyang sagot.

"Hindi pa rin kita maintindihan, Faizah. Kayo din naman hindi ba?"

Umiling siya. "Tingnan mo ang bakuran namin. Ano ang napapansin mo?"

Tumingin ako sa labas ng bintana. Nakita ko mula rito ang mga puno na may masaganang prutas, may iba't ibang kulay ng mga bulaklak. Napansin ko na ang kaibahang ito kahapon pa pero hindi ko binigyang pansin.

"Ang bakuran n'yo ay puno ng mga buhay na puno, halaman at bulaklak. Wala akong nakitang ganito sa labas ng gate. Lahat ng mga halaman at puno sa labas ay puro brown at tuyo."

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon