53- Death and New Beginnings

255 13 0
                                    

T!" mabilis na nawala sa tabi ko si Matteo at nang sundan ko s'ya ng tingin ay husto namang pagtulak n'ya kay Titus na tatamaan na sana ng isang matulis na sanga ng kahoy right to his heart.

"Matt," gulat na tinapik ni Titus ang pisngi ni Matteo.

"Ahhh! Kanina n'yo pa ako ginagalit," sigaw ni Noura na duguan ang damit.

Tinanggal ni Titus ang sanga mula sa likod ni Matteo at sabay na tumayo ang dalawang lalaki.

Tiningnan ako ni Titus kaya nginitian ko s'ya pero nakakunut-noo lamang siya habang titig na titig sa akin.

"Argh!"

"Ate Noura!" sigaw ni Yadira nang mahawakan ni Florence si Noura sa leeg.

"Goodbye, Noura," nakangising sabi ng babae. Ang paraan ng pagkakasabi niya sa pangalan ng kapatid ko ay tila nang-uuyam.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Mabilis akong kumilos nang itaas ni Florence ang kanyang kanang kamay upang pugutan na ng ulo ang kapatid ko.

Nagpumiglas si Noura pero napakalakas talaga ni Florence. Pero sa isang iglap lang ay nakalapit na ako sa kanila at nahawakan ko ang leeg ni Florence.

"Not so fast, bitch," sabi ko habang hawak nang mahigpit ang leeg n'ya.

Nakita ko ang pagngiwi n'ya kaya mas diniinan ko pa kaya halos mabitawan na niya ang kapatid ko.

Akala mo ha.

"Bitawan mo ang kapatid ko," mariin kong sabi saka mas diniinan ko pa ang pagkakasakal kay Florence. Narinig kong may nabaling kung anong buto sa leeg niya.

Sa halip na gawin ang sinabi ko ay itinaas niya ang kabilang kamay na may hawak na wooden stake. Umilag ako nang iniumang niya sa akin 'yun nang hindi siya binibitawan.

Nag-cast ako ng mabilis na spell dahilan ng pagdugo ng kanyang utak.

"Ugh!" nagpumiglas si Florence kaya nabitawan niya si Noura na agad gumulong palayo.

"Bitawan mo s'ya!" narinig kong sigaw ni Lucinda. Nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Florence na nangingisay.

Mahigpit pa rin ang hawak ko sa kanyang leeg.

"Lucinda," malumanay kong sabi habang pahigpit nang pahigpit ang pagsakal ko kay Florence. "Nakita kita."

Nagtataka siyang napatingin sa akin.

"Kasama mo si Caridad Simmons. You were friends with my grandmother."

Ang pag-aalala sa kanyang mukha ay napalitan ng gait. No, hindi galit kundi pagkamuhi. She snarled. "Friends? Friends? Nagpapatawa ka ba? Your grandmother was pathetic. A weak witch who couldn't even make her own spells. All she did was copy."

Kumunot ang noo ko. Pinagsasasabi n'ya?

"Both of us were trained by Davina Montgomery, my great grandmother. At kahit ilang taon ang tanda ni Caridad sa akin ay hindi n'ya pa rin ako natalo. Sabi ko nga, weak witch. Like you!"

Hindi ako naniniwala. Takot ang mga taga-Hellville sa Grams ko. Isa siyang Simmons. Meron siyang ibang kapangyarihan maliban sa spell casting.

"We created this spell. At alam mo ba na si Caridad mismo ang kumuha ng dugo mula sa mga miyembro ng founding families? Oo, ninakaw n'ya noon ang dugo nina Magnus Bloodworth, Orson Brigham at Levi Horton."

"Ano'ng pinagsasabi mo?"

"Your grandmother and I created this spell. Itong spell na siyang dahilan kaya malakas tayo ngayon. At nang malapit na kaming magtagumpay, ninakaw niya ang dugo at ang spell. She betrayed me. She wanted the power all to herself."

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon