9: First Day of School

24.8K 991 114
                                    

Dilat na dilat pa rin ang mga mata ko habang magkalapat pa rin ang mga labi namin ni Titus Bloodworth. His lips tasted like mint with a hint of dry grapes. Was it the champagne he was drinking a while ago?

He was kissing me in the dark!

Alam kong ito ang tulong na hinihingi niya pero nagulat pa rin ako.

I was helping him, 'yun ang paulit-ulit kong sinabi sa utak ko. This was charity.

Gumalaw ang kanyang mga labi kaya nagulat ako. Muntik ko pa nga siyang makagat buti na lang napigilan ko ang sarili ko.

And even though I knew it was all an act, I still felt tingles all over my body.

"T-T..."

Gulat akong napaatras nang may marinig na boses mula sa pinto. Balewalang binalingan ito ni Titus at nakita ko ang galit sa kanyang mga mata.

It was Ambrosia. Nanginginig ang kanyang mga labi habang palipat-lipat ng tingin sa aming dalawa. Naiiyak na rin siya kaya napaiwas ako ng tingin.

Sinabi ko sa sarili ko na umiwas sa drama nila only to find myself in the middle of it. In the eye of the storm.

I braced myself for screaming and crying pero walang dumating. Tahimik lang si Ambrosia na nanginginig.

"What do you want, Brooke?" kalmado ang boses na tanong ni Titus. Gusto kong pumalakpak nang makitang wala na akong makitang galit mula sa kanyang mga mata. As a matter of fact, it was devoid of any emotions.

"I...I want to talk t-to you," pati boses ni Ambrosia ay nanginginig.

"I told you, we have nothing to talk about. Just leave," ani Titus saka humakbang na papasok sa kabahayan.

Naiwan kami dito ni Ambrosia na tahimik lang.

Dahan-dahan akong nakaramdam ng pagkairita. Pagkatapos ko siyang tulungan ay mang-iiwan lang siya nang ganito.

He discarded me just like that. Sana pala ay hindi ko siya tinulungan.

"H-He's just using you. He still loves me," biglang tumigas ang boses ng babae habang nakatingin sa akin.

Wala akong planong ma-involve sa kanila. Bakit ako nandito sa sitwasyon na 'to?

"Stay away from my man, witch," aniya saka ako iniwan.

Nanghihinang napasandal ako sa handrail.

Anong nangyari? Parang blurry ang lahat. Ni hindi ko maramdaman na nangyari nga 'yun.

Napahawak ako sa coat ng kumag na halimaw na walang modo. Nakapatong pa rin 'yun sa balikat ko.

Alam kong ginamit n'ya lang ako. Hindi ko kailangang maging genius upang ma-realize 'yun.

Pero wala siyang karapatang gamitin at iwanan ako ng ganun-ganon na lang. Gusto kong umiyak dahil sa frustration na nararamdaman ko.

That heartless bastard.

Bumukas ang pinto ng terrace at pumasok doon ang nag-aalalang magkapatid na Atwood.

"Okay ka lang?" agad na tiningnan ni Lorenzo ang leeg ko.

"I-I'm fine," nanginginig ang boses na sagot ko kaya napatitig sa akin si Lorenzo.

"My god. Isinayaw ka ni T Bloodworth," tila kinikilig na sabi ni Faizah. "Alam mo bang wala pa siyang naisayaw na witch dati?"

Eh nahalikan na witch?

Napakurap ako sa naisip.

"Uuwi na tayo," biglang sabi ni Lorenzo.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon