14: Coffeeshop

24.3K 1K 94
                                    

Moonless Week uli. Mas nakakatakot ngayon dahil kaming tatlo lang ng mga kapatid ko ang nasa bahay. Kinailangang magpunta sa kabilang bayan ang mga Atwood dahil may namatay silang kamag-anak. Dalawang linggo sila doon kaya nasa mga kamay ko ngayon ang kaligtasan naming magkakapatid.

Maraming ibinilin si Grams Octavia upang 'wag kaming mapaano dito habang wala sila. Habang si Lorenzo naman ay ayaw pa sanang sumama sa lola nila pero pinilit ko na at baka kung ano pa ang isipin ng matanda.

Dahil walang magbabantay kay Rianah, salitan kami ni Max sa pagpasok sa school. Ngayong Lunes ay ako ang papasok at bukas naman siya.

Palapit na ako sa classroom namin nang napansin kong may mga estudyanteng nakatambay sa labas. Pasilip-silip pa sila sa pinto kaya alam kong nasa loob na ang tatlong magkakaibigan.

"Excuse me," sabi ko sa mga nakaharang sa pinto at agad naman silang tumabi.

"Uy, excuse me daw."

"Ay sorry, sorry."

"Good morning, Savannah."

Ngumiti ako sa babaeng bumati. Mukhang witch. "Good morning."

Pansin ko na iyung mga tinging takot dati, ngayon ay wala na. Marami na sa mga tagarito ang ngumingiti at bumabati sa akin.

That made me very happy.

Pagkapasok ko ay una kong nakita si Titus na nakaupo sa kanyang silya at nakapikit. Ang aga-aga inaantok na.

Binalingan ko si Nadine na busy sa pagsusulat ng kung ano.

Hindi ko nakita si Matteo kaya nagtaka ako.

Pagkalapit ko sa upuan ko ay agad akong nakakunut-noo. May isang square na chair cushion doon na kulay black.

Napatingin ako sa paligid. May nagkamali bang naglagay nito dito?

"Nadine, kanino 'to?" agaw ko sa atensyon n'ya.

Medyo nagulat pa s'ya nang mag-angat ng tingin sa akin. "Savannah, nandito ka na pala? Hindi man lang kita napansin."

Gan'on? Ano ako invisible?

"Kaninong cushion 'to?" tanong ko na lang. Baka kasi importante ang sinusulat n'ya kaya focused na focused d'on.

Nagkibit-balikat s'ya. "May secret admirer ka yata."

Mas lalo tuloy kumunot ang noo ko.

"Haay naku," narinig kong bulong-bulong ni Titus kaya napatingin ako sa kanya. "Why don't you just fucking sit down on your fucking chair?"

Sumimangot ako. Bakit lage na lang may lumalabas na mura mula sa bibig n'ya?

At bakit ang init nanaman ng dugo n'ya sa akin? Ang aga-aga.

Naupo na lang ako kahit na nagtataka pa rin. 'Pag may kumuha nito mamaya ay ibibigay ko na lang.

Pero in fairness, ang lambot ng cushion. For the first time ay komportable ako sa upuan ko.

"Si Matteo?" nilingon ko si Nadine.

"Busy. May trabaho sila ng Papa n'ya."

Tumango ako. Kawawang Matteo.

Pumasok na ang professor namin at nag-discuss na.

Moonless mamayang gabi kaya inobserbahan ko ang mga kaklase kong bampira. Marami sa kanila ay mukha pa rin namang normal. May iilang medyo napapatitig sa kawalan pero agad din namang nakakabawi.

Siguradong hindi nanaman ako makakatulog ng maayos mamaya.

Nang natapos ang klase ay agad na akong tumayo bitbit ang bag ko. Hinayaan ko munang lumabas ang iba kong kaklase saka ako humakbang ngunit bigla na lang may tumawag sa akin.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon