30: Gratitude and Loyalty

23.2K 875 104
                                    

"Hmmm..."

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko dahil sa marahang haplos sa mukha ko.

Isang napakagwapong mukha ang namataan ko na bahagyang nakangiti sa akin.

Right. Nandito siya sa loob ng kwarto ko dahil sinabi ko sa kanya kagabi na gisingin ako nang maaga.

"G-Good morning," mahina kong bati at akmang babangon na nang bigla na lamang akong itulak ni Titus pabalik sa pagkakahiga.

What the hell?

Bigla na lamang siyang sumampa sa kama ko at nakitalukbong sa covers ko.

"Titus, ano ba'ng ginagawa mo?" sinilip ko s'ya sa ilalim ng covers at nagulat na lang ako nang bigla s'yang pumaibabaw sa akin kaya agad kong naitikom ang bibig ko.

"I'm so frustrated right now, you know," anas niya habang nakatitig sa akin.

Bakit naman s'ya frustrated? Ako pa talaga pinagtripan n'ya ngayon.

"I just can't stop it anymore. Whether this is Gregory feeling something for Otillie or just me feeling something for you, I don't care anymore," seryoso niyang sabi in a husky voice kaya napalunok ako.

"T-Titus..."

"Sshh... Don't talk, Nichola. This is my moment," aniya saka dahan-dahang bumaba ang mukha n'ya sa akin.

Tila naman ako napako habang nakatingin sa papalapit niyang mukha. Hindi ako makagalaw. Hanggang sa tuluyang lumapat sa mga labi ko ang mga labi n'ya and we started sharing a sweet passionate kiss.

I could almost hear the fireworks inside my head and the thunderous rumble of my heart in my chest. This kiss was so full of mixed emotions. There was something in it that was so intense and it made me long for more so I wrapped my arms around his neck, and held him closer.

"Nichola..." bulong niya as his kisses crawled to my ears.

Shoot. Nakikiliti ako. I tried to push him a bit pero hindi s'ya natinag. Gumapang pa pababa papunta sa leeg ko ang mainit niyang mga labi kaya napapikit na lang ako uli.

"T-Titus..." tanging nasabi ko na lang.

"Savannah! Savannah!"

Gulat na naitulak ko si Titus at muntik pa siyang mahulog sa kama kaya hindi ko mapigilan ang matawa pati sa lukot niyang mukha.

"That's... That's Yadira," namumula kong sabi sa kanya kaya mas sumimangot pa siya.

"That woman doesn't understand the concept of privacy," he rolled beside me and heaved a deep sigh.

"May usapan kasi kami ngayon na sabay na magwo-workout. Kaya maaga s'yang nandito," nahihiya kong sabi sa kanya.

"So, why did you tell me to wake you early? Siya na lang sana ang ginawa mong alarm clock," aniya na sobrang lukot ang mukha.

Hinalikan ko siya kaya nagulat siya. I moved my lips, and he opened his mouth. He tasted so good. And the way he kissed me, wala siyang pakialam kahit bago akong gising. I probably smelled like dried drool. But he kissed me fervently.

"Ikaw ang gusto kong unang makita pagkagising ko," bulong ko at nakita kong dahan-dahan siyang napangiti.

"Good. Because I feel the same," aniya. Hinalikan n'ya ako sa noo bago tumayo. "Enjoy your training," sabi niya at nagtungo na sa pinto.

"Oh, saan ka pupunta? Don't tell me magpapakita ka kay Yadira," natataranta akong tumayo para harangan s'ya.

"What's your problem?" kunut-noong tanong niya.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon