Epilogue

29.9K 999 204
                                    

Matteo

Isa-isang lumabas mula sa mga bahay nila ang mga bampira at ibang witches na nagtatago lang all this time.

If I didn't know how cruel and powerful Lucinda and Florence were, I would have said that these people were cowards.

But I knew better. They were just trying to survive.

Buti na lang lumabas ang mga batang witches sa pangunguna ni Dola. Cute din ang isang 'yun. Magaling mamili iyung si Lorenzo. Sana naman sagutin.

Pero marami pa rin ang nagtago. At medyo nakakahiya na walang bampirang lumabas para tumulong.

But I understood their fear.

Kung hindi lang ako isang Brigham, baka mas nauna pa akong magtago. Nakakatakot kaya ang dalawang 'yun. Mas uunahin ko pang iligtas ang gwapo kong mukha kaysa sa bayan 'no.

Tss.

"Hoy! Nakanganga ka d'yan? Tulungan mo na nga kami!" malakas akong binatukan ni Nadine.

Itong babaeng 'to, napakasadista. Kung hindi ko lang to ma...

Napahinga ako nang malalim.

"Hoy! Kumilos ka na nga para matapos na tayo dito. Gusto ko nang sumunod sa Graviville," isa nanamang batok ang natanggap ko at mula naman 'yun kay Loverboy T.

"Kayong dalawa, pareho kayong sadista," nakasimangot kong sabi.

"Tumulong ka na kasi. Mahiya ka sa akin oh. Kababae kong tao nagbubuhat ako nitong mga puno," ani Nadine.

Right. May pasan nga siyang malaking puno. Nililinis namin ngayon ang damages na naging sanhi ng labanan namin.

At 'pag naayos na namin ang bayan ay susunod kami kina Savannah sa Graviville para makadalo sa libing ni Noura Gerhardt.

"Matteo!" napalingon ako sa babaeng tumatakbo palapit sa direksyon ko.

"Ma," sinalubong ko s'ya ng mahigpit na yakap. Nakiyakap na rin sa amin si Papa nang makalapit s'ya.

Buti naman at okay lang silang dalawa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko 'pag may nangyaring masama sa kanila.

"Tutulong na kami," ani Mama kaya hinayaan ko na sila.

Nakita kong dumating din ang ama ni Nadine at saglit silang nag-usap bago tumulong ang lalaki sa paglilinis ng mga kalat dito.

"I have to go home. Napa-anak nang wala sa oras si Brooke," rinig kong sabi niya kay T.

"I will go with you," sagot naman ng kaibigan namin na kanina lang ay ang bilis maglinis para makasunod na kina Savannah.

"Uy, teka! Sama rin ako," mabilis akong sumunod nang humakbang na sila palayo.

"Rocco, ikaw na muna'ng bahala dito," bilin ni T kay Rocco na ngayon ay nagbubuhat din ng mga sanga.

"Okay, T," magalang nitong sagot.

"Si Noelle nga pala?" tanong ko sabay tingin sa paligid, hinanap ang babaeng nakakagulat sa galing makipaglaban.

"They gathered their dead. Iuuwi n'ya sa Macon," sagot ni T, his face dark. Alam kong may guilt siyang nararamdaman.

Ang daming buhay na natapos.

"Tara na," ani Nadine saka kami tuluyang lumabas ng sementeryo.

Sumakay na kami sa kotse na naroon at pinasibad na niya ito papuntang Upstate.

The Horton mansion was packed with people going in and out. Tulad ng Bloodworth at Brigham mansions, nililinis din ito ngayon. But more people were here because they were preparing for Fredrick's funeral.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon