35: Amongst Them

21.8K 756 16
                                    

Tahimik lang akong nakaupo katabi si Nadine. Kasama namin dito sa parlor ng Bloodworth mansion ang mag-asawang Bloodworth, sina Titus, Matteo, Orpheus at Yadira.

Sa totoo lang ay gusto ko nang matunaw dahil kanina pa ako inulan ng mura mula kay Magnus. Galit na galit siya sa akin lalo na at walang sinayang na oras si Orpheus Gerhardt. Agad s'yang nagpunta dito upang i-claim ang right ng ISOP na manghimasok sa bayan.

"Alam kong masakit ito sa loob mo, Magnus, ngunit akin ang bayan na 'to hanggang sa mailabas namin si Ms. Fitzgerald," ani Orpheus na kasalukuyang gumagamit ng pipe kaya halos balutin na kami ng usok dito.

"Lift that fucking spell, Ms. Simmons. Or I swear I'm going to make your life a living hell," masama ang tingin na turan ni Magnus sa akin kaya gumapang ang matinding takot sa dibdib ko.

"Magnus," saway ni Rosamund sa asawa.

"And you, Rosamund, your assignment is not yet over," ang babae naman ngayon ang binalingan n'ya kaya agad itong nanahimik.

Assignment n'ya ba kay Alistair?

"As the leader of this town, it's your responsibility to solve these problems, Father," sa wakas ay nagsalita si Titus.

"Problems caused by Ms. Simmons. We didn't have these problems before she came here."

"I can't let her go, alright? She needs to stay here," matigas na sabi ni Titus.

"And why is that, Mr. Bloodworth?" tila amused na tanong ni Orpheus. Mukhang pauyam naman ang pagkakasabi n'ya kaya naiinis ako sa kanya.

Hindi nakasagot si Titus. Ako man ay ayaw na malayo sa kanya. Kapag tatanungin ako kung bakit, alam kong hindi ko rin iyun masasagot.

"Well, well, well, I see what's going on here. You two are in love," ani Orpheus na palipat-lipat ang tingin sa amin ni Titus.

"They are not. It's Otillie's and Gregory's forbidden love manifesting in them now," tiim-bagang na sagot ni Magnus.

Whatever this was, I wouldn't care anymore. I just wanted to be near Titus.

"Mawalang-galang na po 'no, malapit nang sumikat ang araw. Turned vampires will be vulnerable to sunlight so it will be easy to spot them," ani Matteo na nakatingin sa labas.

"Capture and kill them all," malumanay na sabi ni Magnus ngunit tumikhim si Orpheus.

"Hindi ba dapat ako na ang magdedesisyon, Magnus?" nakangiti niyang sabi.

Nakikita ko ang galit at iritasyon sa mukha ni Magnus pero hindi na siya nagsalita pa. Walang paalam na umalis siya kaya napailing si Orpheus.

"Sundin n'yo ang utos ni Magnus. Turned vampires will be hiding in the woods, in the shadows, or they will be wearing thick cloaks. It's easy to spot them," pormal niyang sabi sa amin.

Walang salita na tumayo kami at iniwan sina Rosamund at Orpheus doon at dumeretso kami sa labas kung saan nakaparada ang mga sasakyan nila.

Nagpunta na muna kami sa bahay ng mga Atwood at laking tuwa naman nila nang malamang successful ang plano namin. At nalaman ko na ang tatlong witches na tumulong sa amin kagabi sa paggawa ng circle ay ang tatlong classmates ni Lorenzo na malaki ang pagkakagusto sa kanya. Of course idea ni Faizah na sila ang lapitan dahil siguradong hindi na nila kakailanganin pa ng explanation.

"Thank you," maluha-luha kong sabi kay Lorenzo at ngumiti naman siya. He opened his arms and I went in for an embrace.

"Whatever makes you happy, Savannah," bulong niya sa akin kaya napahagulhol na ako. He remained silent. He was just there, holding me in his arms, as a friend.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon