17: O 💜 G

26.4K 1.1K 275
                                    

Sa wakas ay nakabalik na ang maglo-lola. May pasalubong pa silang ilang delicacies mula sa bayan na pinaggalingan nila kaya heto ako at kain nang kain mula pa kahapon.

"Uy, kumusta?" tumabi sa akin si Lorenzo dito sa sofa habang kumakain ako nitong parang bilog na matamis na kulay yellow. Hindi ko alam kung ano 'to pero masarap.

"Kain ka?" inalok ko pa s'ya kahit na s'ya naman ang nag-abot n'on sakin kanina.

"No, thanks," nakangiti niyang sabi.

"Okay lang kami dito. Biruin mo 'yun naka-survive kami sa Moonless Week nila kahit na kami lang ang nandito," proud kong sabi.

Ginulo n'ya ang buhok ko sabay ngiti. Ayan nanaman 'yang dimple n'ya. "Good job."

Ngumiti lang ako sa kanya.

"By the way, you wanna come with me?"

"Where?"

"Hunting."

Seryoso ko siyang tiningnan. "Nagiging bampira ka na rin ngayon?"

Tumawa s'ya. "Deer hunting, Savannah. Sa forest."

Naalala ko ang gubat na mukhang wala ng buhay. "May nabubuhay pa bang hayop sa gubat dito? It seems so dry and lifeless."

Napatitig s'ya sa akin. "Nakapunta ka na sa gubat?"

"Ah huh? Ahm... Y-Yeah."

Hindi s'ya nagtanong. 'Yan ang gusto ko kay Lorenzo. Hindi pakialamero. Tumango lang siya. "So, sama ka?"

I imagined myself holding a hunting rifle. I think I would look cool.

"Sure," na-excite naman ako bigla.

"Great," aniya na mukhang excited din.

"Uy, Savannah, bakit may gwapong bampira sa labas ng gate natin?" malakas na sabi ni Faizah na nakasilip sa bintana.

Agad naman akong napatingin d'on. Tumayo na rin ako at iniwan si Lorenzo nang walang paalam saka sumilip na rin.

Nasa labas ang kotse ni Titus at nakasandal siya d'on. He was wearing a simple red shirt and blue jeans. Kahit gaano pa kasimple ang suotin n'ya ay hindi iyun nakakabawas sa kagwapuhan n'ya. Kahit siguro magsuot siya ng dahon ng saging ay bagay pa rin 'yun sa kanya. Gwapo pa rin.

"What is he doing here?" tanong ni Lorenzo.

"Halos araw-araw s'yang pumupunta dito n'ong wala kayo. Close na yata sila ni Ate eh," si Max ang sumagot na nasa may dining table kasama si Rianah. Pareho silang kumakain n'ong bilog na kinakain ko kanina.

"Close? Kayo ni T Bloodworth?" gulat akong tiningnan ni Faizah.

"H-Hindi kami close uy. Konting usapan lang," sagot ko. Naghugas na ako ng mga kamay at lumabas ng bahay.

"Nakauwi na sila?" agad n'yang bungad nang makalabas ako ng gate.

Tumango ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na pumupunta dito ang lalaking 'to. Pagkatapos n'ong niyakap n'ya ako ay parang nagkaroon kami ng kakaibang koneksyon. Hindi ko alam kung ano 'yun basta nararamdaman ko lang na parang matagal na kaming magkakilala.

"Sina Nadine at Matteo?"

"Nadz is grounded. She had a fight with Brooke and their Mom didn't allow her to go out. Matteo has a meeting with the other guarding vampires."

Naalala ko nanaman sina Alistair Bishop. Totoo kaya 'yung sinabi niyang bloody war?

"I wanna sniff your neck," biglang sabi ni Titus kaya napatitig ako sa kanya.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon