19: Pleas and Intruder

25.4K 944 93
                                    

Sumama ako kay Grams nang magpunta sila ni Lorenzo sa bahay ng isang kaibigan nilang healer witch. May tatlong vampires daw na dinala doon dahil inatake ng mga Turned vampires sa border. Nagdala kami ng mga dahon na hindi ko alam kung ano o kung para saan.

"I'm happy you're here," nakangiting sabi ni Lorenzo habang naglalakad kami papasok sa bahay ng healer witch.

"I'm happy to be here," nakangiti ko ring sagot.

"Why don't you wear your amulet anymore?" napalitan ng pag-aalala ang expression ng mukha n'ya.

"Ah... Ano... Ang sabi kasi ni Titus mas mabuti nang masanay ang mga bampira na maamoy ang dugo namin," nag-aalangan kong sagot.

Tumangu-tango siya. "I agree. Mas magiging kampante ka nga 'pag gan'on. Kapag nasanay ka sa amulet mo, you will always have fear. You will always be scared 'pag nawala mo ang kwentas mo."

Buti naman at agree s'ya sa idea ni Titus.

Dalawang matatandang babaeng witches ang sumalubong sa amin. Bahagya pa nila akong tiningnan.

"Good evening po," bati ko sa kanya at ngumiti siya.

"Ms. Simmons, gusto ko palang magpasalamat sa'yo. Dahil sa'yo ay nagkaroon ng negosyo ang anak ko. Na-aprubahan ng Council and loan niya para masimulan ang pangarap niyang Day Care Center."

Ang laki ng ngiti ko at tila hinahaplos ang puso ko habang nakatingin sa matanda na kay sayang tingnan.

"Ginagawa ko lang po ang sa tingin ko ay tama. Deserve nating magkaroon ng equal opportunities sa mga bampira."

"Ibang-iba ka sa mga Simmons na nauna sa'yo kahit na sa labas ka lumaki," aniya saka pumasok na sa isang silid kaya sumilip naman ako kung anong nandoon sa loob.

Napasinghap ako nang makita ang tatlong bampira na nakahiga sa sahig na nalalatagan lang ng itim na sheet. Mukhang naghihingalo sila kahit na wala na naman silang mga sugat. Mukha pa rin silang nanghihina.

"Why are they weak?" bulong ko kay Lorenzo na nakasilip din.

"Nasa system pa kasi nila ang poison mula sa mga Turned vampires," sagot naman niya kumunot agad ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

Hindi agad nakasagot si Lorenzo dahil sa muntikan ko nang pagtalon. Nakita ko kasi na hiniwa ng matandang healer ang dibdib ng isang bampira gamit ang isang matulis na kutsilyo na ininit n'ya lang sa katabing lampara.

The vampire groaned in pain at bumukas ang mga mata nito kaya nahintakutan ako nang makitang pula ang mga 'yun.

Napalunok ako nang bumulwak ang dugo mula sa dibdib nito at naamoy ko ang nasunog nitong balat dahil sa mainit na kutsilyo. Amoy barbecue iyun at hindi ko mapigilang panindigan ng balahibo.

Agad na tinapalan ng dahon ang sugat nito at may binanggit na tila spell ang matanda.

"Let's go out," hinila na ako ni Lorenzo palabas ng bahay. Napansin n'ya siguro ang pagngiwi ko sa nakikita.

That was intense. Mukhang nasaktan 'yung bampira.

Siempre nasaktan 'yun. Ikaw ba naman ang sugatan ng gan'on.

Naupo ako sa isang bench na gawa sa kahoy nang makalabas kami. Maliwanag ang langit dahil sa full moon at may maraming bituin doon.

"Why do they have to do that?" tanong ko habang nilalaro ng mga paa ko ang alikabok sa paanan ko.

"A Pureblood's bite is fatal to a Turned vampire. But a turned vampire's bite doesn't affect a Pureblood. Kaya naman gumawa ang mga Turned ng weapons na kayang pumatay ng Pureblood. They use a poisonous herb called Foxglove. Lahat ng weapons nila like knives, arrows and others are all laced with this poison which is lethal for everyone.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon