𝟏𝟕: 𝐓𝐡𝐞 𝐒𝐨𝐟𝐭 𝐒𝐢𝐝𝐞

231 17 17
                                    

     Mabilis din magpatakbo ang binata.

     Hindi na muna ginulo ni Ronin si Mathara. He suddenly felt guilty for what he just did. Parang binigyan lang niya ng bigat na loob si Mathara. Siya na muna ang nagdadrive pauwi.

     "I'm sorry," sabi niya sa dalaga. Mathara acted as if she didn't hear him, but she actually did. Hindi lang niya alam paano mag-react.

     Naisipan nalang bisitahin ni Ronin ang kalapit na orphanage gayong madadaanan lang naman nila ito. Nag-park lang siya sa labas ng gates nito at nag doorbell.


     When the kids saw him, they ran to the gates with joy.

     "Kuya Ronin!" magiliw na sigaw ng mga ito. Agad namang binuksan ng taga-alaga ng mga bata ang gates. She's Fe. She grew old there, serving the orphanage. 

     "Ronin! Mabuti at nakabalik ka. Matagal na rin nung huli kang dumalaw," sabi ng ginang. Nginitian din nito si Mathara. She then freaked out, hindi pa siya nakasalamuha ng ibang tao. Si Ronin lang lagi niyang kaharap araw-araw. She forced herself to smile.

     She's now hoping na hindi ibahin ng Ginang ang pagkakaintindi dito.

     "Pasok kayo!" Pinapasok sila ni Ginang Fe.


     Nag-agawan pa ang mga bata kung sino ang mauunang yumakap kay Ronin. Mathara saw how the kids missed this man. They seem to know each other for a long time.

     "Sino po itong kasama niyo, kuya?" tanong ng isa sa mga bata.

     "Asawa niyo po? She's pretty," sabi naman nung isa. Na awkward tuloy si Mathara. She's blushing. In her life, this is the first genuine complement she have ever received.

     "Hindi ko yan kilala, nangangagat yan," biro ni Ronin na kinainis ni Mathara. She even tried kicking his heel pero parang wala namang naramdaman si Ronin. 

     "Wag kayo maniwala diyan, hindi ako nangangagat," pagkontra ni Mathara dito. 



     Tawang tawa si Mathara.

     That heavy emotion they had a while ago disappeared. Sobrang tuwa ni Mathara sa mga bata. She never had a childhood, ito siguro ang dahilan bakit parang naninibago siya sa sayang dala ng mga laro ng mga ito.

     Maliit lang ang orphanage na yun. Wala itong pangalawang palapag ngunit malaki laki naman ang space nito. Para itong apat na mga bahay na pinagtatapat at sa gitna ay parang basketball court ng mga bata. Two of those houses are their bunk beds, one is for their studies, and the other is for food storage. Doon na din nakalagay sa food storage ang kusina't dining area nila.


     Ronin, laughing with the kids as they were playing with Scrabble, suddenly noticed a different Mathara. Napako doon ang atensiyon niya. She was laughing, and she looked really happy, like a kid bawling on the floor as she laughed so hard. Naglalaro ito ng huli hulihan sa mga bata in a different group.

     'Yong parang nagslommo ang lahat sa paningin ni Ronin. Mathara looked even more beautiful with those genuine smiles and laughter. Napangiti si Ronin habang minamasdan ang dalaga. A small finger poked his cheek. Bumalik siya sa realidad dahil dun.


     "Kuya Ronin?" That small voice took his attention. 

     "S-Sorry. Ako na ba?" Bumalik siya sa laro.

     Habang busy si Ronin sa kaka-isip anong word ang ilalagay niya sa board, pinagtitinginan siya nung mga bata sa grupo niya. "What?" he asked them.

     "Namumula ka kuya, may sakit ka po?" inosenteng tanong nung isa. 

     "W-Wala. Naiinitan lang," palusot niya.

     "Girlfriend mo ata si ate Luci e. Bakit ba ayaw niyo aminin?" nagsalita pa 'yong isa na mas nakakatanda sa mga bata sa grupo na yun.

     "Ayeeeiiii." The kids started teasing him. Ganun na din ang kabilang grupo. Na gets ata ng mga bata para saan yun.


     Natigilan si Mathara at sinalubong ang mga mata ni Ronin. Bigla siyang kinabahan. Parang may kung anong naramdaman siya sa tiyan. She doesn't even realize she's experiencing butterflies. She has never felt this way before, never been teased to a guy. Parang may effect din pala si Ronin sa kanya kahit papano.


     Gabi na nang makauwi ang dalawa.

     Ronin is still the driver as they headed home, both enveloped in silence. A warm and indescribable feeling lingered within Ronin as he drove, unsure of its nature. Mathara, too, found Ronin's presence peculiar. While uncertain if she liked him, she definitely valued his softer side. 

     Pasulyap sulyap sa katabi, binasag na ni Ronin ang katahimikan. "I said I'm sorry," he spoke. Nakapasok na sila sa bahay. Kakasarado lang ng pinto. Nakatalikod si Mathara kay Ronin, she's ready to open that door to her room.


     Hinarap niya ang binata. "Don't worry, I heard you," sabi nito. "Sorry din, nadala na din ako ng emosyon ko," dagdag ng dalaga at binitawan ang doorknob para tuluyan nang iharap ang buong katawan sa kausap.

     "No, you should tell me what you feel. Kailangan din kita maintindihan." For the first time, they are talking with lowered voices. Hindi tulad nung bangayan nilang dalawa na halos marinig na ng buong barangay.

     "I--" Gustong gusto ni Mathara na sabihin ang mga masasamang panaginip niya pero natakot siya bigla. She felt like it's not the right time. "Nabasa ko lang talaga yun, promise," she lied.


     "No, it's okay. No need to explain." Lumapit si Ronin dito at tumingin sa board. "What about we investigate the second suspect? Are you still on it?" he offered.

     "Why not?" The two started rereading the news and articles of the second suspect. As usual, nilatag nila ito sa mesa sa kaninan nila. They only have one bulb turned on, dun lang sa kusina. They don't mind hurting their eyes makatipid lang sa kuryente. Kumain lang sila ng de lata for the dinner with rice.


     Nebula X.     

     Matagal nang hindi nagpaparamdam ang serial killer na ito. Her last victim was last 3 years na. Simula nun ay wala nang nakakita sa kanya. She might be blending in with the urban surroundings. That woman also is hiding her face with a mask but almost entirely covering it, with only her lips visible. 

     Additionally, she marks each of her victims with an X, whether on their face, back, or limbs.

     Mathara is intrigued by the mysterious woman, finding her oddly familiar. As she prepares for sleep, she wonders if they have encountered each other before and contemplates the possibility of dreaming about her.

     "See you, Nebula," she uttered as she close her eyes to sleep.


TakahashiKazumi2024

𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟎𝟏: 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐃𝐢𝐫𝐭 (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon