𝟐𝟗: 𝐏𝐚𝐢𝐧 𝐟𝐨𝐫 𝐏𝐚𝐢𝐧

161 15 12
                                    

     "Ano bang kailangan mo?" tanong ni Loraine kay Ronin sabay hila nung kamay niya. Dinala siya ng binata sa may kitchen.

     "Uy, lovers' quarrel?" reaction naman nung isa sa tagafry ng chicken.

     "Shut it!" sabay na sita ni Loraine at Ronin dito.

     The fryer pouted and murmured. "Damay damay pala to." Bumalik na ito sa ginagawa.


     Magkaharap sila. Pilit pang pinapakalma ni Ronin ang sarili. 'Yong mga kasamahan nila nang-uusisa. Nang umayos na ang paghinga niya, tinignan na niya si Loraine.

     "Gusto mo ba ng sideline?" tanong nito.

     Tumaas ang kilay ng dalaga."Ano namang sideline yun?" Nagtataka tuloy siya. Akala kasi niya kung ano tapos yun lang pala pag-uusapan nila. Ni wala siyang natanggap na sagot nung umamin siya. Siya na nga 'yong babae.

     "Be my girlfriend."

     Natameme si Loraine. Is Ronin seriously asking her to be her girlfriend? Sa gitna ng trabaho nila? Sa harap gn kasamahan nila?

     "Wait." Itinaas niya 'yong dalawang mga kamay, sabay harap nung dalawang palad kay Ronin. "Are you serious? Like magiging tayo na?" She eagerly sought clarification.


     "Tss. I'll pay you. Just be my fake girlfriend." Nawala ang saya sa mukha ni Loraine nang marinig ang sinabi ng binata. It hurts. Ronin would never see her as anything other than a coworker. Naluluha na tuloy siya habang binababa 'yong mga kamay.

     "No. Wala tayo sa teleserye para sa mga ganyan. Just ignore me like before. Mas maghihilom pa 'yong nararamdaman kong sakit." She forced herself to speak thus making her eyes began to feel watery. Mabilis siyang umalis sa harap ni Ronin nang tumulo na nga ang mga luha niya.

     Napabuntong hininga si Ronin. May tao tuloy siyang sinaktan. He's such an idiot.


     Biglang may isa pang pamilyar na mukha ang pumasok sa restaurant. He's looking too formal para sa lugar na yun. Di tulad ni Jaxon na nagsuot ng damit na babagay doon. Napahubad tuloy si Logan ng coat nang mapansin na pinagtitinginan siya.

     Lumapit siya sa nabibiglang si Jaxon. "Anong ginagawa mo dito?" pabulong na tanong ni Jaxon sa kasama.

     "Gusto ko ding makilala ang bagong Death Devil," pabulong na sagot din nito.

     Jaxon clucked his tongue sliding his eyeballs to somewhere else. He is annoyed. Sa isip niya baka pinadala ito ni Mathias para bantayan siya.

     Saktong nasa malapit lang si Mathara nililinis ang ilalim ng isang mesa.

     "Luci?" panimula ni Logan. Napatingala si Mathara sa lalaking nagsalita. Tumayo na siya. He seemed really familiar.

     "Kilala mo ako?" Napasulyap siya kay Jaxon, he only gave her a shrug.

     'Yong mukha ni Logan, pamilyar na pamilyar. Saan ba niya nakita ang poging ito na mukhang half Arabic?

     "Don't force yourself," sabi nito.


     Umatras kaunti si Mathara, nang bigla siyang ma-slide sa medyo basang sahig na galing pang mop. She slipped but Logan caught her. Saktong lumabas si Ronin at nakita ang dalawa. He burned with fury. Logan had Mathara in his arms, and he could no longer stand lookingat it. Mabilis siyang naglakad at hinablot ang kamay ng dalaga.

     Marahas ang paghila niya sa pulso ng dalaga kaya halos patakbo na ang lakad nito.

     Hindi man lang makapaumiglas si Mathara or else masusubsob siya sa lupa.


     Nang makarating sa parking lot, she finally had her hand back. "Saan ba tayo pupunta?" tanong niya kay Ronin habang hinihimas ang pulso. Medyo namumula yun dahil sa ginawa ni Ronin.

     "Uuwi na tayo. Hindi ka na babalik dito." Mabilis na sinuot ni Ronin ang helmet sa dalaga at sumakay na sa motor para paandarin ito. Sinuot na din niya ang helmet niya. They were in the city; getting caught was not an option.

     "Bakit naman?"

     "Sumakay ka na," halos masigaw 'yong pagkakasabi nito ni Ronin na kinabigla ni Mathara. Galit na naman ito. Lagi nalang.

     "Alam mo?" Inalis ng dalaga ang helmet. "Hindi na kita maintindihan!" she blurted out giving him the helmet back. "Lagi ka nalang galit! Ano bang nangyayari sayo? Ano bang problema mo, ha?"

     Hinubad ni Ronin ang helmet at hinayaan itong mahulog sa semento. Marahas niyang pinatay ang makina ng motor at umalis sa pagkakasakay dito.


     "Ikaw! Ikaw 'yong problema ko! Bakit ba ang landi landi mo?" sigaw ng binata sa mukha ni Mathara.

     "Anong ako? Ikaw nga tong may Loraine!" she also shouted. Natahimik muna sila sandali. Humihinga para hindi na masyadong lumaki 'yong mga boses, sinisilip na kasi sila ng guard na nasa exit.

     "Hindi ko na kaya. Ayaw kong nakikita kang may ibang lalaking lumalapit," medyo kalmado na ang tono ni Ronin pero halatang gigil parin.

     "Ano namang problema dun? Lapit lang naman pala. Wala naman silang ginagawa." Napakuros na ang mga braso ng dalaga. Hawak parin niya ang helmet.

     "Wala pa. Wala pa sa ngayon. Gusto ko lang naman na safe ka, e."


     "So, tingin mo, hindi ko kayang protektahan ang sarili ko?"

     "Panu kung oo?" Napaawang ang bibig ni Mathara sa sagot ng binata. Excuse him? He was talking to someone with superior fighting skills compared to him. Anyways, Mathara doesn't know a thing about her capabilities at the moment. She's still on the stage of denying the truth.

     "Hindi ko naman ramdam na threat sila. Our instinct are strong," she argued. He voice is forcefully lowered down.

     "Hindi mo ako naiintindihan." Ronin's shoulders dropped, suddenly feeling as if his energy had been drained to its limits. Mathara is somehow dense. Well, he's dense too but Mathara is worse.

     "Edi paintindihin mo ako, Ronin!" Now she's frustrated. Wala talaga siyang naiintindihan.


     Katahimikan.

     Biglang kinabahan si Ronin. Aaminin na ba niya? Is this even the right time?

     "Luci--" he started. 'Yong bibig niya bumubuka pero wala pang lumalabas na kadugtong. He is confused how to tell her what he's been feeling. "Nagiging ganito ako kasi--" He gulped. Slowly looking into her eyes, he drowned. Her eyes are almost empty.

     "Kasi?" Parang naiinis na ulit lalo si Mathara kasi pinapatagal ng binata ang gusto niyang sabihin. She's being impatient.


     "Nagseselos ako!" he finally blurted it out. He felt a little lighter, but there was still something within him that hadn't been fully released. May iba pa siyang gustong sabihin pero hindi pa niya kayang aminin.


TakahashiKazumi2024

𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟎𝟏: 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐃𝐢𝐫𝐭 (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)Where stories live. Discover now