𝟐𝟑: 𝐓𝐞𝐫𝐫𝐢𝐟𝐲𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭

201 15 3
                                    

     Pawis na pawis at mabigat ang paghinga ni Mathara. She jolted awake, shaken by yet another bloody nightmare. Niyakap niya ang sarili habang nakaupo sa kama.

     Ang panaginip na yun, andoon si Jaxon. He drove her to a mission to kill someone named Henry Timothy. She tapped both of her cheeks while closing her eyes.

     "My brain is just making things up. They're just dreams. Sa kakaisip mo lang iyon sa nangyari kahapon, Luci," she convinced herself.


     To brighten the morning, she returned to the kitchen to prepare breakfast. She whipped up some garlic fried rice and fried chorizos.

     "Breakfast!" Ronin awoke to the sight of Mathara again, wearing that smug expression. He realized he had grown accustomed to this and might miss it once she returned to her family. Biglang lumungkot ang puso ni Ronin.

     Umupo na siya sa upuan.

     "Kung maalala mo na 'oung pamilya mo, alam ko namang uuwi ka sa kanila. Will you ever see me again?" he asked.


     "I will," she answered. Pakiramdam ni Mathara mamimiss din niya itong si Ronin. There's this pain in her, 'yong pakiramdam na ayaw na niya umuwi. She wanted to stay there and make him breakfast everyday.

     Gusto niya 'yong natutunan niya sa maliit na bahay na yun. Doon niya nalaman paano ba ang magluto, maglinis, maglaba at iba pa. Both of them sat in silence while eating. Pinangungunahan na sila ng future, and they aren't happy about separating.


     "Bukas, dayoff ko na naman, may gusto ka bang gawin natin? Or puntahan?" Ronin asked habang inaayos ang suot na uniform, handa na ito umalis.

     Mathara just watching him, pinching the soft back pillows of the couch, thought of things she might want. Kung maghihiwalay din sila ng landas balang araw, mas mabuti nang sulitin na nila gayong magkasama pa sila.

     "Ikaw mao naisip ka ba?" she asked kasi wala pa siyang maisip.

     "We'll just see."


     Jaxon caught sight of Ronin riding his motorcycle, this is his chance. Nandun lang siya malapit sa bahay nito, nagmamasid. Nang hindi na niya makita si Ronin, doon na siya nagkataong bumaba para kumatok sa bahay.

     Mathara just watched the door. At sino na naman kaya itong kumakatok. She had this feeling na baka si Jaxon yun. He's too persistent. Di paba sapat sa kanya na pinili ng dalaga si Ronin sa harap ng pagmumukha niya?

     Well, no. Jaxon is trying his best para maalala siya ni Mathara. He have something to show her pero parang ayaw siya pagbuksan nito.

     "Luci, just give me small chances, may gusto lang akong ipakita sayo," Jaxon plead in a monotonous tone. He is not used to it. Pagagalitan siya ni Mathias kapag naririnig nito ang salitang 'please'.


     Bumukas ang pinto. Bumungad ang masamang tingin ng dalaga sa kanya. "Pagkatapos nun, aalis ka na. Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Diba sinabi ko sayo, ako ang pupunta sayo pag may naalala na ako?" inis na sambit ni Mathara. Naninibago ng kaunti si Jaxon, dati rati hindi nagsasalita ng ganun kahaba si Mathara. Magaan ang kamay nito, pag galit ay nananakit. 

     "Here." Ibinigay niya sa dalaga ang isang brown envelope. Hinablot ito ni Mathara at malakas na sinara ang pinto.

     Napabuntong hinimga si Jaxon habang kaharap ang pinto. Umalis na siya.


     Mabilis na umupo si Mathara sa couch para buksan ang brown envelope. Puno ito ng mga larawan. Ipinatong na nya ang envelope na yun sa tabi at kumuha ng isang larawan. 

     The photograph showed a blank face of a familiar girl. That face triggered a sense of recognition, as if there existed a deeper connection between them before. Lumakas ang tibok ng puso ni Mathara.


      "Mathara!" May tumawag sa kanya. Nang lingunin nya malabo pa ang mukha nito. When she ran to her, her face became as vivid as of that photo. Yes, kilala niya ito.

     "Anong kailangan mo, Arriety?" bored na tanong ni Mathara dito. 

     "Hinahanap ka ni ama."


     Nag-echo sa malawak na mansion na yun ang mga yapak ng magkakapatid na papasok sa headquarters. Naglalakad sila pareho, palapit sa amang si Mathias. Mathias sat on his throne-like chair, nakatalikod sa exit. Nasa maluwag itong office. Ang makikita mo lang ay ang broad shoulders nito at ang binubugang usok mula sa tobacco. 

     "I guess, may bago akong mission?" tanong ni Mathara dito. Her father turned that luxurious swivel chair to face them. Pero 'yong mukha niya, malabo.

     Nag-sign si Mathias sa katabi, to his assistants. Mabilis naman itong naintindihan ng dalawang nasa gilid. Binaba na ni Logan na nasa kaliwang side ni Mathias ang isang larawan. Logan's face is a bit hazy too. Hindi ito masaydong nakikita ni Mathara, it's all blurry. Pilit niyang kumurap ng ilang beses.

     "I'll join you," sabi naman ng nasa kabilang gilid na si Jaxon. His face is very clear to her. 'Yong singkit na mga mata nito, 'yong itim na itim na buhok na laging naka taper haircut style, at ang itim na suit na laging suot nito. He looked like a korean actor. Napakurap siya ulit.


     Hanggang bumalik siya sa realidad. Nanginig ang kamay niya at naitapon sa gilid ang litrato. 

     "May kapatid ako? A-At Mathara ang pangalan ko?" Hindi siya makapaniwala sa natanto. May pamilya nga talaga siya. Pero bakit ganun? Bakit may mission? That's what terrified her.

     Kinabahan na siya lalo dahil sa dumi na ng kanyang iniisip. Hindi niya ito kayang tanggapin. Baka nga ay siya ang pumatay sa mga taong pinipatay sa mga panaginip niya. Napailing nalang ang dalaga dahil sa gulo ng iniisip. Ayaw na niyang tignan ang ibang litrato. Natatakot siya sa mga memoryang maaaring pumasok sa isip niya.

     Baka hindi niya ito magustuhan. Nakakatakot ang katotohanan. Lalo na't gising na gising siya para maalala ang mga bagay bagay. Hindi na iyon panaginip.

     "Nasaan na kaya si Arriety? Hinahanap ba niya ako?" Out of the blue, she asked a sudden question. Wala namang makakasagot sa kanya. 


     Hinablot niya ang envelope na yun at isinilid pabalik ang litrato ni Arriety. Hindi pa siya handang malaman ang buong katotohanan. Ayaw niya. Masisira ang lahat nang pagbabagong natamo niya. Hindi pa siya handa.

     It was her chance to live a normal life but her past is just crawling back to her, creeping back into her present. It's like she has this dirt in that past and it's scent is lingering to her, trying to spread into her surroundings.


     Naisipan pa niya itong sunugin, pero nang sisindian na sana niya ito, mas lalong nanginig ang mga kamay niya. A conflicting desire made things difficult within her—a part yearning to solve the puzzle of her mysterious past, while another side is terrified at the prospect of confronting the truth. Sa huli ay pinatay niya ang lighter na hawak.

     Itatago nalang niya ito. Paikot ikot siya sa sala, wala siyang mahanap kaya pumasok siya sa kwarto. Wala siyang ibang mapaglagyan nito kundi ang ilalim ng kama. 

     Sana lang ay hindi ito makita ni Ronin.


TakahashiKazumi2024

𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟎𝟏: 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐃𝐢𝐫𝐭 (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)Where stories live. Discover now