𝟑𝟐: 𝐇𝐚𝐥𝐟 𝐅𝐮𝐥𝐥

150 15 9
                                    

      "You shall be, Nebula X," saad ng isang boses. It was her father, Mathias. Arriety was Nebula X all along. They are on the same platform, lined with the other adult trainees. She's 16 years old that time and Arriety is 21.

     Kaharap nila ang mga assassins na, mga seniors nila. Mga serial killers kung tawagin sa news. They are all wearing suits while Mathara chose a slightly different one, something more fitted.

   "And you, my devil." Siya ang katabi ni Arriety kaya siya ang sunod na binigyan ng mask. "You shall be--"

    "Death Devil," she interrupted. Her father just grinned.

     "Death Devil," he repeated. Kinuha na ni Mathara ang mask na nasa kamay ng ama na harap niya. She stared at that shiny mask reflecting her shadows. 

     She felt thrilled that she let out a devilish smirk, knowing she was finally prepared to battle beyond the walls of their mansion—a real fight. She can't wait to wet her hands with blood and bath in it. 


     That feeling of bloodlust brought her back to reality. Hindi na iyon panaginip. Sumakit ang ulo niya sa mga ala-alang iyon kaya napahawak siya sa sentido. Hindi pa ito kompleto ngunit parang natatakot na siya sa susunod na maaaring maalala niya. Napailing nalang siya.

     Pilit niyang hilutin ang ulo ngunit hindi ito nakatulong. Sumisikip din ang dibdib niya. Hindi niya kayang tanggapin na siya si Death Devil. 

     "Come back to me, to us, your real family," Mathias spoke once again. Napatingin siya dito.

     Mathias didn't like what he was witnessing. In Mathara's eyes, he saw something beyond the ruthless exterior he once used to seeing—there was sadness and pain. This was no longer his daughter as the heartless Death Devil; she had transformed into someone else.


      "May kasunduan kami ni Jaxon, hindi ako babalik hangga't hindi buo ang ala-ala ko," sabi ng dalaga.

     Biglang nag-ring ang phone ni Jaxon. Ayaw sana nila itong pansinin pero hindi ito tumitigil. Jaxon was forced to answer it.

     "Nasan ni Luci?" bungad agad ng lalaki sa kabilang linya, it was Ronin.

     "She's with her family," sagot ni Jaxon dito. Dahil doon agad nalaman ni MAthara sino ang kausap nito.

     "Ronin!" tawag ni Mathara dito. 

     "Luci? Luci!" Inilayo ni Jaxon ang cellphone sa tenga dahil bigla nalang sumigaw si Ronin.

     "So siya ang dahilan bakit ka naging mahina. You have become so weak, Death Devil. I am disappointed," saad ng ama niyang nakikinig din. Hindi akalain ni Mathias na dahil sa amnesia na yun ay mawawala sa kanya ang kanyang best killing machine. "Papuntahin mo siya dito, Jaxon," he ordered. Mabilis na umalis si Jaxon.

     "Anong gagawin niyo sa kanya?" Napatayo na si Mathara sa inuupuan.


     "Hello?" Kinabahan na si Ronin gayong wala pa siyang naririnig na sagot.

     "Magkita tayo sa restaurant." Jaxon finally was able to reply pero bago paman makasagot si Ronin pinutol na siya ang tawag.

     Ronin's forehead wrinkled. Nasa isa sa mga upuan siya ng restaurant nakahawak sa tiyan niya. Masakit parin ito pero bukod doon ay wala namang ibang problema sa kanya. Maliit lang din ang galos niya sa siko.

      "Ako lang ang kailangan niyo! Wag niyo siyang idamay!" inis na saad ni Mathara. 

     Nanliit ang mga mata ni Mathias. "At kailan ka pa may pakialam sa ibang tao sa paligid mo?" Tumayo na din ito still wearing an unimpressed expression on his face. Marahas niyang hinawakan ang chin ng anak. Napaawang ang bibig ng anak dahil sa mahigpit ang pagkakapisil sa mga pisngi nung mga daliri ng ama.

     Mathara tried to remove her father's hand but he's too strong. Hindi man lang niya ito matinag. "Bitaw-" 


     "Nasasaktan ka?" His voice is filled with mockery and madness. Nanginginig pa ito sa gigil. Marahas niya itong binitawan kaya nakalingon ng di oras si Mathara. 

     Mathara's rage grew, making her expression turn into one of deadly seriousness as she faced her father. As an act of defiance, she spat on his face. In return, Mathias to responded with a powerful and resounding slap across her cheek. 

     Sa lakas nun ay tumilapon ang dalaga sa upuan. Tumama pa ang gilid niya dito kaya muntik na niyang makalimutang huminga sa sakit. Mabilis na pinunasan ni Mathias ang mukha gamit ang tissue na binigay ni Logan sa kanya. 


     Malakas ang pagmamaneho ni Jaxon. He's with Ronin. Hindi man lang alam nitong kasama saan sila pupunta. Basta't ang sinabi nito ay pupunta sila kay Luci niya.

     "Pwede bang magdahan dahan ka naman!" reklamo nito.

     "This isn't your car. Ako ang masusunod," he coldly replied making Ronin click his tongue in annoyance.


     Nakatingin lang si Mathias sa anak habang iniikot ikot ng puting hand wraps sa kamay para balutin ang mga ito. Clad in a more comfortable suit resembling a judo uniform, he was prepared to break Ronin's bones. 

     Si Mathara naka-upo sa upuan na iyon, nakatalikod at nag-iisip anong dapat niyang gawin.

     Ang room na iyon ay wala man lang bintana, ang butas lang doon ay ang daanan papasok. Dadaanan niya ang kanyang ama at si Logan pag nagpumilit siyang lumabas. Kung makalabas man siya, maraming tauhan ang ama na pipigil sa kanya.

     She massaged the bridge of her nose. Hindi na niya alam anong gagawin. 


     Biglang kinabahan si Ronin nang makita ang napakalaki na bahay ng mga Sanguine. This was his first time here. The place was overly luxurious, making him feel out of place in his fast-food restaurant uniform. Napalunok nalang siya nang madatnan ang nakalinyang mga nakasuit na tauhan ni Mathias na nag-aabang sa labas ng isang room. 

     Pagkapasok doon si Mathara agad ang napansin niya.

     "Luci!" he called for her. Mabilis na napabaling sa kanya ang dalaga.

     He was about to run to her, but a knee blocked his path, striking his mid-section. The pain there doubled as he was hit again. Natumba siya sa sahig.

     Mabilis na tumakbo si Mathara papunta sa binata. He's sweating in pain. "Ronin? Bakit pa ba kasi nagpunta ka dito?" Nanumbat pa sa gitna ng sitwasyon nila.


     "Tumayo ka, lalaki. Labanan mo ako. If you lose, she stays here," Mathias's scary and heavy baritone voice diverted Ronin from wanting to fight. Ano bang laban niya? Sa isang tuhod na yun parang halos mapisa 'yong internal organs niya.

     Tinignan niya si Mathara habang pilit na tumatayo. Pinipigilan siya ng mga kamay ni Mathara. She's pulling him down sabay ang nag-aalalang mga iling.

     "Hindi ka lalaban? Then I'll just take your life instead," bellowed Mathias, threateningly. He pulled back the hammer of the handgun Logan had provided him and aimed it directly at the young man's head from where he stood. "I'll count.."

     "Isa."

     "Dalawa."

     "Tatlo."

     Gunshot.


TakahashiKazumi2024


𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟎𝟏: 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐃𝐢𝐫𝐭 (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)Where stories live. Discover now