𝟒𝟖: 𝐓𝐡𝐞 𝐄𝐝𝐠𝐞

94 12 0
                                    

     "Go on, anak. End this. Paputukin mo na. Patayin mo na ako."

     "Ngayon mo pa talaga naisipang tawagin akong anak. You, user!" she yelled. Tumigil si Mathara nang makalapit na siya sa inuupuan nito. Ilang sentimetro lang layo ng bunganga ng baril at ang noo nito.

     "Minahal ko kayo ng totoo," he said filled with sincerity. Parang nanayo ang balahibo ni Mathara sa tinuran ng ama. He's never like this. 

     Kilala ito ng dalaga na matigas at walang emosyon.


     "Mahal? The demon knew that word, huh?" she replied with scorn and scoffed.

     "Minahal ko kayo. Ikaw, si Arriety at ang mama niyo. Kung ayaw mo akong paniwalaan, wala na akong magagawa." Halos hindi kumukurap si Mathias habang nakatitig sa anak.

     "Ginamit mo lang ako, kami!" Mathara's voice started to tremble, on the verge of bursting into tears.

     "I just want you both to be strong. Ayaw ko kayong nakikita na inaapi. Bilin ng mama niyo na protektahan ko kayo at yun lang ang alam kong pagprotekta sa inyo." Halos pasigaw na din ang ama niya.

     Pareho silang nagpipigil. Pareho silang hindi sanay na ipakita sa isa't isa ang mga vulnerable side nila. This is never part of his lessons before. 

     The goal is to be heartless.


     "Pero bakit? Bakit mo pinapapatay si Arriety?" she asked, shaking. 

     Hindi nakasagot agad si Mathias. Huminga muna ito ng malalim.

     "Hindi ko pwedeng sabihin sayo ang dahilan." Sumagot na nga ito pero hindi naman yun ang gustong marinig ng dalaga. Hindi naman yun sagot sa tanong niya. "She--No. Hindi ko sasabihin sayo. She needed it." 

     Ano kayang pinagsasabi nitong she needed it? Need mamatay? Mathias is confusing.

     "Ayaw ko nang maniwala sayo. Tawagan mo 'yong hitman mo. Sabihin mo sa kanya na wag nang ituloy ang mission. Ngayon na," she demanded.

     "Just shoot me already--"

     "Sabi nang tawagan mo!" singhal ng dalaga. This is the ever fisrt time she had the couarage to do so. Dati rati ay uhaw siya sa approval nito. Ngayon, kinamumuhian na niya.

     Ayaw sana gawin yun ni Mathias but he has no choice. 


     He took his phone. Wala naman talaga siyang number ni Lucas. Si Mira nalang ang tinawagan niya. Sumagot naman ito.

     "Lucas," bungad niya dito. 

     "Si Mira to, boss," Mira corrected him.

     "Cancel your mission, Lucas," he ordered. Binawi ni Mathara ang phone. Walang nakaregister na pangalan nang tignan niya ang screen.

     Mabilis itong inalis ni Mathias.

     "Hello? Lucas?" Walang sumagot. Binaba na nito ang tawag. 

     Nainis si Mathara kaya hinagis nito ang phone. Binalik niya ang atensiyon sa ama. "Papatayin mo na ako?" Mathias asked. "Kaya mo ba, Mathara?"

     Nanigas ang kamay ng dalaga. Kung papatayin niya ang ama ngayon, wala na silang pinagkaiba. 

     At bakit naman niya iisipin yun gayong pinatay na niya lahat ng kasapi ng organisasyon nito. She wanted to shoot him pero parang may pumipigil sa kanya. 

𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟎𝟏: 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐃𝐢𝐫𝐭 (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon