𝟏𝟖: 𝐍𝐞𝐛𝐮𝐥𝐚 𝐗

221 17 11
                                    

     Maingay na ang mga tandang sa kabilang bahay, medyo malayo pero dinig na dinig parin ito. 

     Napakunot ang noo ni Mathara nang may maliit na liwanag na dumapo sa kanyang kaliwang mata. Hindi pala niya nasara ng maayos ang bintana.

     Bumangon siya at nag-unat. She fixed her messy hair as she was yawning.


     Mathara finds it strange that Nebula never appears in her dreams. This realization brings her a sense of relief, allowing her to breathe calmly in the morning. Hindi na niya mas lalong maiisip na siya si Death Devil. 

     "Dahil lang talaga sa kakaisip ko yun," sabi niya sa sarili habang inaayos ang pinaghigaan.

     Nang lumabas sa pinto, tahimik na ang labas. Wala na si Ronin. May pagkain na din sa mesa. Binuksan niya ang nakatakip dito, it's some scrambled egg and some tocino. 



     ATM Machine beeping.

     Nasa isang banko si Ronin. Nagwiwithdraw ng pera. He actually had an amount of savings para sa investigation. His parents left him a huge amount of money. Galing pa daw ito sa kanyang bilyonaryong lolo. His grandfather hated his father but he adored him.

     Ronin exited the bank, walking down the busy streets of that city. Maraming sasakyan. Napakausok, napakaalikabok. Habang binabaybay ang pabalik sa fast food restaurant, nadaanan ni Ronin ang isang maglolo na nagtatawanan.

     "Wag mo sabihin sa mama mo, magagalit yun," bulong ng lolo sa bata. May binigay itong pera na idinikit sa balikat ng bata. It's an act to hide their scheme. As if tinatapik lang ng lolo ang balikat ng apo. 


     Ronin suddenly remembered a face. His grandfather. Napakurap siya.

     "Granddad, I toped the school again," masayang bungad ng batang si Ronin sa kanyang lolo. Bumisita ito sa kanilang bahay, para sa kanya. Nasa bukana pa ito dahil kakabukas palang ng pinto. 

     Bago paman makayakap si Ronin sa kanyang lolo, pinigilan na siya ng ina. Kahit sabik na sabik si Ronin dito ay pinigilan niya ang sarili. He only had his smiles from ear to ear while watching that tough man standing there with his bodyguards.

     Karga karga ng ina ni Ronin ang kanyang bunsong kapatid na si Aya. Ronin wasn't bothered by the rough expression on his grandfather's face, even though it made Aya cry and hug her mother.

     "Kukunin ko na si Ronin." The old man spoke. Nawala ang ngiti ni Ronin dahil bigla niyang naramdaman ang tensiyon sa paligid.


     "Your son won't allow," sagot ng ina ni Ronin. Napahawak si Ronin sa kamay nito. Hindi pa niya naiintindihan anong nangyayari pero parang may dahilan ang lolo niya.

     "What's going on?" tanong ni Ronin pero tinutulak lang siya ng ina sa likuran nito.

     "Si Ronin lang ang pwedeng sumunod ng aking negosyo. He's smart unlike your husband," sagot naman ng matanda.


     Sakto namang dumating ang ama ni Ronin. "Dad?" Napalingon ang matanda sa anak na kakababa lang ng maliit na sasakyan. "Anong ginagawa mo dito?" Mabilis itong lumapit sa mag-ina niya at siya nang tumayo sa harap nito.

     "You know why I am here, I need an heir," matigas na sabi ng matanda.

     Napakurap si Ronin.


     Napailing si Ronin sa ala-alang bigla nalang pumasok sa isip niya. 

     Habang naglalakad, may nadaanan siyang nagtitinda ng mangga sa gilid ng daan. Ang mga mangga nitong nasa basket pa ay binabalot ng mga lumang dyaryo. A familiar name caught his eye—Nebula X. He haulted and took that piece of mango.

     "Bibilhin mo sir?" tanong ng babaeng may-ari ng paninda. Abala ito sa pag-arrange ng mga manggang yun sa maliit na mesa.

     Ronin took out a hundred-dollar bill to pay for the piece and left without uttering a word. He needed it for that newspaper. 


     Mathara could hear her heart racing.

     She is feeling weird that she had to get herself a distraction. Kinuha niya ang mga articles at news na may kinalaman kay Nebula sa board.

     Isa isa niya itong binasa. 

     ---nahukay ang mga hindi pa kilalang mga katawan sa isang construction sight sa San Matteo.

     Lahat ito may markang X sa mga bahagi ng katawan---

     'So hindi sinusunog ni Nebula ang mga biktima niya,' she thought, taking the news and written notes about the fire incident Ronin wanted to solve.


     Ngayon lang ito nabasa ni Mathara kaya ngayon lang din niya nalaman na Foster ang mga apilyedo ng mga ito. Naalala niya ulit ang mga puntod na nakita malapit sa ilog. 

     Their bodies had no marks as she looked at their gory pictures, their burnt bodies. O baka hindi na makita dahil sa nasunog na ang mga katawan nila. She saw another article stating that Nebula must be dead.


     Biglang may sumagi sa utak niyang isang pamilyar na babae. 

     "You shall be, Nebula X," saad ng isang boses. At may maskarang binigay doon. "And you, my devil..." 

     Mariin na ipinikit ni Mathara ang mga mata at napailing para alisin ang ala-alang nagpapasakit ng ulo niya. 'Yong babae, parang kilalang kilala niya. Nanayo na ang mga balahibo niya. Hindi nga lang niya makita ang mukha nito dahil sa malabo ang ala-alang iyon. 

     Mas malinaw pa ang mga nakikita niya sa panaginip niya.

     Napaisip tuloy si Mathara na baka kasapi siya ng grupo ni Nebula.

     Sa kakaisip ng mga bagay bagay, natulak ni Mathara ang basong nasa gilid ng braso niyang nakapatong sa mesa. Nahulog ito.


     Gumawa ng ingay ang pagtapon ni Ronin nung buto ng mangga sa basurahan. Wala pa palang laman ang basurahan na yun. Napalingon pa siya sa pinto baka may kumatok sa kanya. Wala naman.

     He's inside the comfort room, locking the door so he could freely stretch that crumpled paper. Binasa niya ito ng tahimik.

     Wala siyang nakuha. Itatapon na sana niya ito nang mabasa ang huling linya ng paragraph ng news na iyon tungkol kay Nebula.

     Nebula had her first mission after that year his family was burnt.

     Gabi na.

     Mabilis na napatakbo sa pinto si Mathara para buksan ito. Mabilis ding bumaba sa motor si Ronin para pumasok agad at sabihin kay Mathara ang nalaman niya. 

     They are both rushing to tell each other something that they blurted it out in unison,"Hindi si Nebula ang pumatay sa pamilya--"


     They stared at each other. 

TakahashiKazumi2024

𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟎𝟏: 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐃𝐢𝐫𝐭 (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon