𝟑𝟓: 𝐆𝐚𝐦𝐞 𝐉𝐮𝐬𝐭 𝐒𝐭𝐚𝐫𝐭𝐞𝐝

127 14 0
                                    

     "I see how shes playing this," Mathias remarked before relaxing his grip. "What a child," he scoffed.

     "So, wala tayong gagawin?" tanong ni Logan na nasa likuran lang niya. Katabi nito si Jaxon.

     "Unti-unti nang bumabalik kay Mathara ang ala-ala niya." Humarap ito sa dalawa. "Magpapatayan din sila," he added with a grin.


     Mabilis ang pagmamaneho ni Ronin at pareho silang tahimik ni Mathara sa byahe. Hindi alam ng dalaga saan tutungo si Ronin pero hindi na muna niya iniisip yun. She's still wondering why Ronin would keep this car hidden from her. Takot ba itong gamitin niya, in secret? Ang arte naman ata ni Ronin. 

     Malayo din ang tinakbo nila kaya nakatulog si Mathara. Biglang tumigil ang sasakyan kaya naalimpungatan ang dalaga. She gently rubbed her eyes and stretched her arms, feeling a yawn coming on as she realized where they were. Nagising siya nang tuluyan. Hindi na natapos ang hikab na yun.


     Nakaawang ang bibig niya nang isinara ang pinto pagkalabas.

     "Nasaan ba tayo?" tanong niya.

     "Bahay 'to ng lolo ko," Ronin answered. 

     Mala-mansiyon ang bahay sa laki. May napakalaking garden ito sa harap. It looked incredibly elegant, almost resembling an ancestral house in its style. Kulay puti lang ang pintura nito. Most of the flowers grown in its garden are white. 

     Bumaling sa kamay ni Ronin ang atensiyon nang dalaga. Ronin is offering his hand. Tinanggap naman niya ito. Gusto lang pala nito na magkahawak sila habang naglalakad sa gitna ng garden na yun.


     Mathara's mind found a moment of peace watching their hands intertwine. Para bang nawala 'yong pag-aalala at takot niya ng ilang sandali. Napangiti siya habang dahan dahan na naglalakad kasabay ang binata.

     "So your grandfather is wealthy," she said, glancing back at the house.

     "Yes, but my family isn't. Tama lang, hindi din naghihirap," sagot ng binata. "Hindi ko maintindihan dati bakit lahat ng pag-aari niya ay pinamana niya sa akin at hindi kay dad. Yun pala, hindi lang makuha ni dad na abutin ang expectations niya."

     "Then, why are you living like that?" Napatanong tuloy si Mathara. She's referring to Ronin's less than ideal living situation. Ang dugyot kasi ng tinitirhan nito. 

     "Hindi naman sa akin 'to. Hindi ko naman pinaghirapan. My grandpa still own these." He sighed after that stating the truth.

     Hinigpitan ni Mathara ang paghawak sa kamay ng binata.


     "I'm sure pinaghirapan mo din para maging karapat dapat," she spoke.

     "Sana lang hindi tayo mahanap dito." Umabot na sila sa pinto na double doors. May lumapit sa aming mataas at may edad nang lalaki.

     "Hindi ko akalaing babalik ka pa, hijo," sabi nito sabay bukas ng pinto.

     "Wala na akong choice," sagot ni Ronin. Napansin ng lalaking yun ang magkahawak nilang mga kamay. Inayos nito ang eyeglasses sabay ubo ng peke. Mabilis na nagbitawan ang dalawa.


     Sinabi ni Ronin sa tagapamahala ng bahay na yun.

     "Siguro hindi naman kayo mahahanap ng ganun kadali. Sana nga walang nakasunod sa inyo," sabi nito. Nasa malawak silang sala magkaharap sa maliit na center table na may nakapatong na mga basong puno ng orange juice.

𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟎𝟏: 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐃𝐢𝐫𝐭 (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα