𝐄𝐏𝐈𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄

116 12 2
                                    

     Parang mababaliw na si Ronin sa kakahanap kay Mathara. Ni hindi niya alam saan ito hahanapin. Ni walang nakakakilala sa kanya. There are no dots to connect. She disappeared in a flash. 

     Isang linggo na ang lumipas at hindi parin nito matanggap na hiwalay na sila. Masakit. Hindi parin nawawala. Parang mas lalo lang itong lumala ngayong mag-isa nalang siyang inaalala ang masasayang mga araw nila.

     Those happy memories are just killing him.

     Bakit ganun? Iniwan siya ni Mathara nang di man lang niya alam ang dahilan. She left him hanging. Marahas na inalis ni Ronin ang mga luhang nag-uunahan na naman sa pisngi niya. Nasa sala siya ng resthouse mag-isa, umiinom. 

     Ilang bote na ba ng beer ang naubos niya? Hindi na mabilang.

     Gusto lang niyang maglasing araw araw. Gusto niyang malunod nalang sa kalasingan.


     "Mathara, bakit? Bakit mo ako iniwan? Diba pakakasalan mo pa ako?" he screamed, even in his drunken state, tears streaming down his face. He attempted to stand up, but everything was spinning uncontrollably. Napaluray siya at bumagsak sa kalat niya sa sahig.

     Ang bahay na yun ay parang ang dati niyang space. Cluttered and messy just like his life. 

     Ni hindi na nito inaalagaan ang sarili. Hindi naliligo, hindi nagbabalbas at hindi nagpagupit ng buhok. What's the point? There's no one to flaunt it to. 

     "Mathara, bumalik ka please?" he uttered closing his eyes.


     Kinaumagahan, nagising si Ronin sa sinag ng araw na tumama sa muka niya. Hindi pala niya sinara ang dalawang glass doors. Matamlay siyang bumangon at umupo. Sinandal lang niya nag likuran sa couch. 

     Something took his attention. A piece of paper on his small center table. Kinuha niya yun.

     Sulat yun mula kay Mathara. Parang nabuhay ang lahat ng senses niya sa katawan.

     Wala na siyang pakialam paano yun napunta doon. He just needed to read it. Nanginig na siya sa kaba. Hindi niya alam ano bang i-expect.


Ronin,

     Alam kong nasaktan kita. Patawarin mo ako, ito lang ang alam kong paraan para hindi ka mas lalong saktan sa hinaharap. Pakiusap, kalimutan mo na ako. Wag mo na akong hanapin. Hindi kita pipigilang maging masaya sa piling ng iba. You deserve real happiness. Hindi nga lang sa akin nababagay yun. Hindi ako ang kailangan mo, Ronin. 

     Wag mo sanang isipin na hindi kita minahal. Mahal parin kita pero hindi pala tayo pwede. Wag mong pahirapan ang sarili mo nang dahil sa akin. Nahanap ko na kung saan ako magiging mapayapa at masaya. Sana ikaw rin.

     Pagkatapos mo itong basahin, pakiusap sunugin mo ito. Wag mo itong itago dahil ayaw kong alalahanin mo pa ang ginawa ko sayo. I want to tell you why but it will ruin you. It will ruin us. Ito lang talaga ang alam kong gawin para sumaya ka ng totoo. 'Yong wala sa kapahamakan. Malayo sa magulo kong mundo. 

     Find your hapiness for me.

Mathara


     Tumulo na naman ang mga luha ni Ronin. He has never cried this way before. Siguro 'yong huli ay ang pagkawala ng pamilya niya. 

     Sa parehong pagkakataon, tumulo din ang mga luha ni Arriety sa sulat na natanggap. Sabay tingin kay Mira. Mapait ang mga ngiti ni Mira, tanggap na nila ang katotohanang sila lang ang napagiwanan. Mga katotohanang itatago nila hanggang sa hukay.

     Isang buwan. Isang taon. Walang nagbago. Si Mathara parin ang laman ng puso't isip niya. Hindi niya sinunod ang gusto ng dalaga. Bumalik siya sa maliit na bahay kung saan nagsimula ang lahat. Kahit papano ay napapangiti siya ng bahay na yun dahil sa dami ng ala-alang naiwan ni Mathara doon.


     Umaasa parin siya na babalikan siya ng dalaga. He was expecting to see Jaxon or Logan, but no one came. 

     Nililinisan niya ang kanyang motor sa mga oras na yun. Maayos na ang itsura ng binata. Nagpagupit na ito at naliligo na. Nakatulong sa kanya ng kaunti ang pagbalik sa bahay na yun. But the pain didn't go away. He still wanted her. He would still accept her back if ever she returns. 

     He doesn't care. He just wanted her back in that house, in his arms and in his side. Gusto niyang si Mathara ang magluto sa kanya nung paborito niyang adobo. Ang magiging ina ng mga anak niya. Ang isasama niya sa pagtanda.


     Natapos na niya ang ginagawa kaya napaharap siya sa daan. He enhaled some fresh air.

     Babalik na sana siya sa loob ng bahay nang biglang may pamilyar na sasakyan siyang nakita. Hinarang niya ito kaya napatigil ito bigla bigla. It is just few inches away from him. He is too reckless.

     Bumaba ang babaeng driver nito.


     "Magpapakamatay ka b-- Ronin?" She recognized him. "Bumalik ka dito?"

     Nakatitig lang si Ronin sa kanya. Hindi niya kasi i-expect na makikita pa niya ang babaeng ito. "Ayaw mo ba akong tulungan?" tanong niya dito.

     "Sa alin?" tanong nito. But then she realized what he is talking about. It's been a year and he's still the same. He was real with his feelings after all. Gusto pa nga niyang pakasalan si Mathara. He really wanted that family with her.

     "Let her go, Ronin. Wala na si Mathara." Bumalik na si Mira sa sasakyan. Pinigilan ni Ronin na sumara nag pinto. Hinarang nito ang braso.

     "Please?" 

     "I can't help you. Move on. Iniwan na niya tayong lahat. She is happy now." Inalis ni Mira ang braso nito at sinara na ang pinto ng sasakyan.

     Pinanuod ni Ronin ang sasakyan na yun na lumalayo sa paningin niya. His heart sunk once again. He is sad again.


     Hanggang kailan matatapos ang delusions ni Ronin? 

     Kailan ba niya pakakawalan sa puso't isip niya ang dalaga?

     Hanggang saan niya lolokohin ang sarili niyang babalikan pa siya nito?

     Mathara left him na hindi man lang nito alam ang katotohanang siya ang babaeng makamaskara. Ang babaeng nag-massacre sa buong pamilya nito. Ang serial killer na matagal na niyang hinahanap. 

     In the end, he will never know the truth.

     He will never know that his family was indeed murdered.

     He will never know he just loved a criminal.

     He will never know he is crying for a devil.

     And most of all he will never know that Mathara is the Death Devil.


THE END

TakahashiKazumi2024

All Rights Reserved

🎉 Tapos mo nang basahin ang 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟎𝟏: 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐃𝐢𝐫𝐭 (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃) 🎉
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟎𝟏: 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐃𝐢𝐫𝐭 (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon