𝟐𝟏: 𝐇𝐞𝐫 𝐂𝐡𝐨𝐢𝐜𝐞

200 15 11
                                    

     Sobrang tahimik ng umaga. Kinukuskos pa ni Ronin ng tuwalya ang ulo niya. Mathara stayed in her room after making breakfast, it is as if she is keeping her distance away from him. Ronin couldn't help but sense the strange atmosphere enveloping his surroundings. 

     Inalis na niya ang tuwalya sa ulo niya at inihagis ito sa couch. Mabilis siyang lumapit sa harap ng pintuan. Pipihitin na sana niya ang doorknob kaso parang kinabahan siya bigla. He took a really deep breath trying to calm himself. Napapikit pa siya habang ginagawa ito sabay iling.


     "Ano bang nagyayari sayo, Ronin?" he asked himself whispering.

     Hindi niya maintindihan bakit ganun nalang ang naramdaman niyang hiya sa ala-ala ng gabing yun. It was just a simple kiss, but it seemed it had left an indelible mark on his heart and soul. If he indeed had no feelings for her, then it should be nothing. Para namang first kiss niya yun. 

     Naglakas na siya ng loob. Kinatok na niya ang kwarto.

     "Bakit?" Mathara doesn't know how to react. Yun nalang ang lumabas sa bibig niya. Nasa harap din siya ng pinto, kanina pa niya hinihintay na kibuan siya ni Ronin. She's holding the doorknob.


     "Ayaw mo ba akong sabayan kumain?" he asked from the other side of that door.

     "I--Uhh." Napakagat labi si Mathara. She felt her heart racing again, unsure of the reason behind the sudden fluttering. Maybe his voice sounded different now. Dapat ay nagbabangayan na sila at this time pero parang ang awkward na ngayon. "S-Sige."

     Nahilamos ni Mathara ang mga kamay sa naging sagot niya. Her cheeks flushed with a deep blush. Baka mapagkamalan siyang may sakit nito ni Ronin. Napapakagat siya sa mga daliri.

     "I'll just w-wait at the table." Nataranta na din kaunti si Ronin. Hindi niya mawari anong dapat maging reaction, kakamutin ba niya 'yong ulo o umalis na sa harap ng pinto.


     Umupo na si Mathara kaharap si Ronin sa maliit na kainan nila. Hindi man lang nila matignan ang isa't isa. Ang tahimik. Nakakapanibago. They are just eating some vegetable sandwiches for that morning.

     Natapos nalang silang kumain. Wala paring kumikibo. 

     "Alis na ako." Nagsalita na si Ronin. 

     Mathara faked a smile and turned her back para sana bumalik sa kwarto. Akma na sana siyang hahakbang nang hawakan ni Ronin ang pulso niya. "Iniiwasan mo ba ako, Luci?" Hindi na kinaya ni Ronin. He felt the need to have another conversation with her. Ayaw niya ng ganito sila.

     Mas pipiliin pa nitong makipagbangayan sa dalaga kesa ganito sila araw-araw.


     Hindi makaharap si Mathara, mas lalo lang siyang kinakabahan. Umiling lang ang dalaga.

     "Ano--" Humarap siya kay Ronin at dahan dahang inangat ang mga tingin sa mga mata nito.

     Biglang may kumatok.

     Napalingon sila pareho sa pinto. Si Ronin na ang bumukas. Bumungad sa kanya ang mukha ng isang pamilyar na mukha.

     "Ikaw," sabay nilang sambit pareho. 

     Si Jaxon iyon. Nakangisi na ito, it is confirmed na hindi asawa ng lalaking kaharap ang kasama sa bahay. Of course, he recognized that woman; it was the Death Devil he had admired for years. His preference leaned towards strong women. 

     "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Ronin dito.

     "Babawiin ko na ang babaeng hinahanap ko. She don't belong in this--" Pinasadahan nito ng mga tingin ang maliit na bahay. "--small crib of yours." Nainsulto si Ronin sa sinabi ng lalaki. He clenched his fist.


     "Diba sabi ko sayo, asa--"

     "Hindi mo kilala ang inaangkin mong asawa." Pinutol nito ang sasabihin pa sana ni Ronin. "You wouldn't want to know," he added. Naguluhan naman si Ronin sa narinig. Napalingon siya sa kasamang babae.

     'Yong mata ni Mathara, naguguluhan na din. Hindi niya maisip ano bang ibig sabihin ng mga pinagsasabi nitong lalaki.

     "I won't her entrust to you. Paano ako nakakasigurong safe siya?" Natawa si Jaxon sa narinig sabay hipo ng baril sa likuran ng slacks niya. Napakunot lang ang noo ni Ronin sa inasal nito.

     "Sapilitan pala ang gusto mo?" Tinutok na ni Jaxon ang baril na kinuha pa mula sa likuran niya. Ronin's jaw clenched. The atmosphere grew heavier, laden with an intensified weight.


     Marahas na hinila ni Mathara si Ronin para siya na ang humarap kay Jaxon.

     "Umalis ka na dito," galit na sabi ng dalaga. "Bakit ka ba nanggugulo?"

     Binaba ni Jaxon ang baril. "Hindi ako aalis hangga't hindi ka sumasama sa akin."

     "Why won't you let her choose? Wala pa siyang naaalala, hindi mo siya dapat pinipilit sa mga bagay na ayaw niya." Ronin interfered. Tinulak lang naman siya ni Mathara pabalik sa likuran.

     "I am your family, Luci," sabi ni Jaxon sa dalaga. Binalik na din nito ang baril sa likuran niya.

     Nainis naman si Ronin. Siya lang kasi dapat ang tumatawag sa dalaga ng ganung pangalan. Pero teka, bakit Luci ang tawag ng lalaking ito sa dalaga gayong pamilya daw sila. Hindi ba niya alam ang totoong pangalan nito? Mas lalong hindi mapakali si Ronin sa iniisip. Luci will not be safe with this stranger.

     Biglang may kamay na humawak sa kamay niya. Their hands are intertwined. Napatitig si Ronin sa may-ari ng kamay na iyon. His heart fluttering again.


     "Ako ang pupunta sayo kung may maalala na ako. For now, si Ronin ang pamilya ko." Parang binuhusan ng malamig na tubig si Jaxon sa narinig mula sa bibig ng dalaga.

     Para sa kanya, parang mas pinili ni Mathara ang lalaking yun kesa sa kanya. It pains him. Para bang natalo na naman siya ng isang duel. Sinara pa sa harap ng pagmumukha niya ang pinto.

     "You're mine, Death Devil," Jaxon whispered with a mix of obsession and determination.


     Nakatingin parin si Ronin sa mga kamay nila ni Mathara. Binawi na ito ng dalaga. 

     "Anong nginingiti ngiti mo diyan?" Napacross arms ang dalaga. Ronin opened his mouth, as if stretching he's or exercising his jaws. Nakangiti na pala siya kanina nang di niya namamalayan.

     "Anong ngiti, kita mo nag-eexercise ako," palusot pa nito. Pinanliitan lang siya ng mga mata ng kaharap. "Bakit naman ako ngingiti?" Nainis na siya. 

     "Ewan ko sayo." 

     He watched Mathara walk to her room. "Thank you for choosing me, Luci." 

TakahashiKazumi2024

𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟎𝟏: 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐃𝐢𝐫𝐭 (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)Where stories live. Discover now