𝟐𝟕: 𝐆𝐨𝐫𝐠 𝐉𝐚𝐧𝐢𝐭𝐫𝐞𝐬𝐬

164 15 4
                                    

     "Ronin, pwede ba akong magtrabaho sa pinagtatrabahuan mo?" tanong ni Mathara habang binubuntutan si Ronin sa loob ng maliit nilang bahay. Inaayos ni Ronin 'yong tools niya sa lalagyan. Nasa labas sila sa may maliit na parking area ng motor. Nasa right side ng bahay.

      Tumayo na si Ronin.

     "Ano namang pwede mong maging trabaho? Wala ka ngang papeles," kunot noong sabi nito sabay balik sa loob ng bahay. Lumapit ito sa lababo para buksan ang gripo at maghugas ng kamay. Nakabuntot parin si Mathara.

     "Hindi mo ba ako tutulungan? Nakakabored na kasi sa bahay, e," sabi ni Mathara sabay sad face.

     Humarap na si Ronin dito matapos magpunas ng kamay.



     "Ayan, ikaw ang janitress. Maglinis ka na," sabi ni Ronin sabay bigay ng mop kay Mathara. Maaga pa't close pa ang fast food restaurant. Abala din ang mga trabahante sa paghahanda ng mga dapat handain. Lahat ng kalalakihan nakatingin kay Mathara. Nandilim ang paningin ni Ronin, binalikan niya ang dalaga.

     Abala sana si Mathara sa pagmomop nang biglang ginulo ni Ronin ang buhok niya.

     "Ano ba," reklamo nito sabay ayos nung buhok.

     "Janitress ka, dapat hindi ka masyadong nagpaganda," mahinang sabi ng gigil na si Ronin. Napakunot ang noo ni Mathara sa tinuran ng lalaking kaharap. Ano na naman kayang nakain nito't parang sinaltik na naman sa utak.


     Napaisip si Mathara, anong nagpapaganda? E, nagsuklay lang naman siya ng buhok pagkatapos maligo. Ni wala itong makeup. She's also wearing a janitress uniform, si Ronin ang nagbigay sa kanya nun. Pag-aari daw nung last na janitress na three days lang nagtrabaho umatras na agad. Ang uniform na yun ay kulay gray, isang polo at baggy pants.

     "Ano bang pinagsasabi mo? Na maganda talaga ako?" Tumaas ang kilay ng dalaga habang sinasabi ito. Napansin ni Ronin na kahit 'yong mga dumadaan na nakakakita sa dalaga ay napapalingon ng matagal. Mas lalong nainis si Ronin, parang gusto na tuloy nito lagyan ng sako ang mukha ni Mathara.


     He hated seeing other eyes looking at her, para siyang sasabog. Since he couldn't control the surroundings, he forced himself to leave Mathara for the meantime to attend to what he needed to do.

     Biglang bumukas ang glass door ng restaurant. It was Loraine. Mathara stopped combing her hair with her hands to look who's there. Their eyes met. 

     "Hi, bago ka dito? Walang announcement ah na may papasok na bago," sabi ni Loraine kay Mathara. The woman wore a uniform identical to Ronin's.

     "Kami din wala din kaming alam," sabat ng isa sa mga kasama niya. 'Yong guard nagkibit balikat nang tignan ni Loraine.

     "Ako talaga 'yong nagpilit kay Ronin," sabi ni Mathara.

     "And nakapasok ka agad this day, weird," Loraine commented before walking to the counter.


     "Ang ganda niya no?" komento ng babaeng katabi ni Loraine sa counter na yun. Hindi naging maganda ang pakiramdam nito dahil sa sinabi ng katabi. Napatingin siya ulit kay Mathara na abala sa pagmo-mop. She's indeed gorgeous even with the simplicity. Hindi bagay dito ang maging janitress, siguro model mas bagay.

     She suddenly felt weird, kinda jealous. Maganda din naman itong si Loraine pero kahit ganun hindi man lang niya makuha ang atensiyon ni Ronin.


𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟎𝟏: 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐃𝐢𝐫𝐭 (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon