𝟑𝟑: 𝐒𝐭𝐚𝐲 𝐨𝐫 𝐋𝐞𝐚𝐯𝐞

140 15 7
                                    

     "Isa."

     "Dalawa."

     "Tatlo."

     Gunshot.

     Mathara gasped, causing her to tremble slightly. Napapikit si Ronin na nakahawak sa ulo niya. Akala niya talaga tatamaan ng ama ang binata. Hindi pala. Hindi pa.

     Biglang dumilat si Ronin at tumayo. He may not be a fighter, but he will fight for his Luci. Nakatingala parin si Mathara sa kanya patuloy na umiiling. Marahas niyang inalis ang mga kamay ng dalaga na nakahawak sa slacks niya.

     Agad siyang humarap kay Mathias sabay kuyom ng mga kamay sa mga gilid niya.


     Binaba ni Mathias ang hand gun at kinuha naman agad yun ni Logan. Mathara stood behind Ronin, clutching unto his crumpled polo uniform. Umiiling iling parin ito. Mathias is fond of games, and his victims never wins.

     "Paano ako nakakasiguro na susunod ka sa sinasabi mo?" matapang na tanong ni Ronin.

     Mathias chuckled in amusement. "You have my word. I win she stays, you win she leaves."


     They all went to the training platform for the duel. Malaki ang space doon. Kitang kita ng lahat ng mga nanunuod. Mahigpit na nakahawak si Mathara sa kamay ni Ronin. Parang ayaw na niya itong bitawan. Ayaw niya itong umakyat sa paltform na iyon. It will mean his death.

     "Ronin, hindi ka na sana nagpunta. Hinayaan mo nalang sana ako," bulong ng dalaga habang nakasubsob sa likuran ng binata ang ulo nito. Silbi nakatalikod si Ronin sa kanya.

     "I need to save you," sagot nito.

     "I can save myself," she argued. So mag-aaway pa pala sila kahit sa ganitong sitwasyon.

     "Paano mo naman gagawin yun?" Hindi makaimik si Mathara. 

     How would she tell him? Na kaya niya kasi siya si Death Devil? Will she be selfish to hide this truth? Para hindi siya layuan ng binata? O hahayaan niya itong suungin mag-isa ang kamatayan?

     "You don't deserve me," she whispered but he didn't hear it kasi humakbang na ito.


     Nabitawan na ng dalaga ang kamay ng binata. 

     Habang lumalayo sa paningin niya si Ronin, mas lalong sumisikip ang dibdib niya.

     She pursed her lips.

     Nakatayo ng tuwid si Mathias sa gitna, hinihintay ang paglapit ni Ronin. He is almost sneering. Hindi na siya makapaghintay na lumapat ang mga atake sa binata. Binaba na niya bahagya ang mukha para bigyan ng masasamang tingin ang papalapit na si Ronin.

     The wind carried a cold breeze as Ronin came to a halt. Hindi na niya alam kung dapat ba siyang matakot o tatagan nalang ang sarili. Ni walang hudyat na magsisimula na, Mathias already attacked. Atat na atat na ito. No one dared to complain as he was the boss. This is a huge disadvantage to Ronin.

     He narrowly avoided a punch by moving out of the way.


     Ronin failed to realize that Mathias' knee was swinging in the air striking his spine. Natulak siya sa kabilang side. Mathias jumped, lowering one foot while delivering another high kick directly to his opponent's chest. Nahirapang huminga ang binata ng kaunti. Tatlong atake palang iyon pero parang ang bilis. Hindi man lang niya makita ang susunod na atake.

     Napakuyom siya habang pilit na tumatayo galing sa paglalaluhod. The force that propelled him while he was kneeling ripped his trousers. Nagkagasgas din ang tuhod niya. Mathias is indeed really strong. 

     Kahit iniisip ng binata na wala siyang laban pilit parin niyang pinapakalma ang sarili. He gaslit himself into believing that he was also strong. 


     "Ahhh!" he shouted as he launched his attack. 'Yong kamao niya sinalo lang ng isang kamay ng kaharap. 

     "You're weak! You don't deserve my daughter!" Mathias declared, his voice dripping with scorn. Humawak pa ang isang kamay sa kamao na yun at inikot ang binata sa ere bago ito pinabagsak sa semento ng platform na iyon. 

     "Tama na!" sigaw ng anak na si Mathara. Hinarangan lang naman siya nina Logan at Jaxon.

     Habang nakatingin si Mathias sa anak nilapitan niya ang katawan ng inuubong si Ronin. He watched as pain filled his daughter's eyes every time he landed a kick on this man, Ronin.


     Namilog ang mga mata ni Mathara nang makitang umuubo na ng dugo ang binata. She went berserk, dragging Logan and Jaxon's shoulders. Their suits tore from the force of her sharp nails. Pipigilan sana nila ito pero isa isa na silang tinamaan ng mga siko nito. Tinamaan si Logan sa mukha habang si Jaxon naman sa sikmura.

     Nang tignan nila ulit ang dalaga nakaakyat na ito. Pumagitna na sa ama at kay Ronin.

    "Ako, ako ang kalabanin mo!" she offered, stepping forward boldly. She is shaking in anger, gritting her teeth. It's like she found another source of power within her more powerful than once Death Devil.

     "May usapan kami, Mathara," mabigat ang boses ng ama. It didn't shake her a bit.


     Napalingon si Ronin sa narinig. So her name is Mathara. Pati sina Jaxon at Logan napaawang ang bibig. Her real name is no longer a secret. Sa galit ng ama ay isiniwalat niya ito.

     "He is defeated, then I'll stay," she replied with the same weight in her tone. It was clear that she took after her father displaying a likeness, in their behavior. 

     "Fine," he reluctantly agreed for the only reason of taking his daughter again into their home. "Get rid of him!" he instructed his men, ordering them to dispose of the man.

     "Luci!" Hindi na nilingon ni Mathara ang tumatawag sa kanyang si Ronin habang hinihila na ito palabas nina Jaxon at Logan. She doesn't want to hurt herself even more. Ayaw niyang makita si Ronin na nahihirapan sa sitwasyon nila.


     Nasaktan si Ronin sa tinuran ng babaeng gusto niya. Alam niyang gusto siya nitong protektahan pero hindi man lang siya nito sinulyapan sa huling pagkakataon. Parang nilukumos ng buo ang puso niya. 

     The door was shut in front of his face. Hinihila kasi siya ng dalawa by both arms habang nakaharap parin siya sa pinanggalingan.

     Bumagsak sa lupa ang likuran niya nang bitawan siya ng dalawang nakahawak sa kanya. 

     "Mathara," he spoke of her name. Well at least he knew her name.


     Nagtitigan parin ang mag-ama. "Don't you try betray me, Mathara. I will hunt you," banta nito.

     "You like games, don't you? Then why don't you play my game now?" Mathara said with a smile causing her father to clench his teeth in response.

     What is she trying to do now?


TakahashiKazumi2024

𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟎𝟏: 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐃𝐢𝐫𝐭 (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)Where stories live. Discover now