𝟑𝟎: 𝐓𝐡𝐞 𝐓𝐞𝐬𝐭

155 14 4
                                    

     Maliwanag na naman sa labas. Umaga na't abala na naman ang trabahante ng fast food restaurant.

     "Sigurado ka, sir?" Jaxon is asking for clarifications. Kausap niya si Mathias sa kabilang linya. Maaga na naman ang binata sa pwesto niya sa harap ng restaurant. He's sitting inside his car.

     "When did I give you an order that I wasn't sure about?" Napalunok si Jaxon sa mabigat na boses ng kausap. 

     "Okay, sir."

     "Don't you intervene, Jaxon. You know me. Wala akong pinipiling tao." Nagbabanta ang boses nito. Hindi na nakaimik si Jaxon kaya pinatayan na siya nito. 

     Hinihintay nalang ni Jaxon na dumating ang mga tauhan ng boss niya. He will just watch from there. Kaya pala nagpunta si Logan kahapon ay para tignan ang lugar. 

     Jaxon's uneasiness heightened. Baka hindi na ganun kagaling ang Death Devil na kilala niya. 


     Ronin casually flipped the sign on the glass door, revealing the welcoming glow of the OPEN sign. It's exactly 7:30 AM. Biglang nagsidatingan ang maiitim na vans. 'Yong mga taong kakapasok palang umatras at lumayo na nang makitang nakatabon ng robber mask. Wala naman silang dalang firearms na mahahaba, mga handguns lang na nakatago sa mga suot nilang suits. They don't look like thieves. 

     Napatakbo si Ronin palapit kay Mathara nang magsipasukan ang mga ito.


     Lahat ng mga trabahante ng restaurant hinahayaan lang na tumakbo maliban sa kanilang dalawa. Pinalibutan na sila ng mga lalaking iyon. Napahawak si Mathara sa braso ni Ronin habang nasa likuran parin ng binta.

     Lumapit ang isa sa mga lalaking nakasuit kay Ronin.

     "Alis, kung ayaw mong madamay," pagbabanta nito.

     "Sino kayo? Anong kailangan niyo kay Luci?" tanong niya. Gulong gulo na siya bakit andito ang mga taong yun at halatang si Mathara lang ang pakay.

     "Hindi ka aalis?" Hindi nagsalita si Ronin sa tanong na yun. Andoon parin siya sa harap ng lalaking yun, nagmamatigas. Dahil sa matigas ito, he delivered a powerful kick into Ronin's midsection. Napaluhod si Ronin sabay ubo at halos hindi makahinga dahil sa atakeng yun. 'Yong dalawang kamay nakasapo sa kanyang sikmura habang naglalabasan ang mga ugat sa kanyang noo. His face is slowly flushing a deep shade of red.

     "Ronin!" tawag ni Mathara dito pero hinampas na nung lalaki nung palad niya ang mukha ni Ronin na dahilan bakit ito nawalan ng malay. The man kicked his body, causing it to slide to the side. Ronin's back slammed against the wall.

     A sudden surge of anger coursed through Mathara, causing her body to tremble. Napakuyom ang dalaga sabay baling ng mga tingin sa mga lalaki. Her eyes reverted back into their deadly dark state, as once-fiery death devil, blazing with a hint of bloodlust. She gritted her teeth, breathing heavily.

     It was as if the devil had returned, now exerting control over her body.


     Jaxon caught sight of Death Devil once again, she's back. It was the woman he had fallen for, the ruthless and soulless assassin that gave him butterflies. His heart raced with excitement as he stepped out of his car to observe more closely. Na-miss niya makitang makipaglaban si Mathara.

     Sa biglaang katahimikan, maririnig mo ang malakas na kalabog ng puso ni Mathara. Maamoy sa paligid ang amoy ng nasusunog na fries. All the men remained on their guards, fully aware of their opponent's capability. She had shifted into her most dangerous mode, and they braced themselves for the sudden attack she may do.


     The first strike came like lightning, a rapid blur of fists targeting the head of that man standing before her. Napasinghap ang lalaki sa atake buti nalang at naka-iwas siya. Mabilis din naman ang mga ito, hindi ito ipapadala ni Mathias kung bibigyan lang ng light na labanan ang anak.

     Dodging another fist aimed at his midsection, he swiftly blocked it with his arms crossed and smoothly transitioned his defense into a series of kicks. Napaluhod si Mathara blocking those kicks from her head. She shielded her face with her arms, and a distinct line marked the floor as she was propelled by the force of those relentless kicks. Linya yun ng robber shoes na suot, mauubos ata ang sole nito pag nagpatuloy pa yun.


     The battle's rhythm quickened, creating a loud noise of grunts and thuds. Umatake na din kasi ang iba pang nakasuit na lalaki.

     "Ahhhh!" sigaw ng isa nang matapakan ng dalaga ang binti at nabali ito. Curling to the side, he cried out in pain. Napatingin ang iba pang kasamahan sa lalaki at umatake na ulit.

     It's a woman against a group of ten men. Kung sanay nakikita ito ni Ronin, hindi na nito iisipin pang kailangan siya ng dalaga. 

     Isa pang sigaw ang maririnig nang mahawakan ni Mathara ang kamay ng isa sa mga kalaban. Sinuntok niya ang siko nito kaya nabali ito. She kicked that man to the side. Eight men left at pareho na silang pawisan at hinihingal. Nang umatake ulit ang mga ito, sinipa niya sa mukha ang isa kaya dumeretcho sa semento ang mukha nito. She swing another swift kick to the back, turning her body. Tinamaan ang isa pa sa mukha, napaatras lang ito.


     Tumakbo ulit ito pero tinamaan siya ng suntok ni Mathara sa sikmura. Natumba ito. Napahawak ang dalaga sa kamaong lalapat na sana sa mukha niya. He twisted the man's arm, causing his body to rotate in the air before crashing onto the floor. "Agh!" The impact created an audible sound of a bone cracking.

     Jaxon was really amused from the outside. Hindi pala talaga siya kailangan, napasandal nalang siya sa sasakyan habang pinapakinggan ang sunod sunod na sigaw ng mga kasama.


     Tatlo nalang ang natira. Puro ito may galos sa mukha. May isang nag-nosebleed na, ang isa ay may pasa na sa mata at ang isa putok na ang labi. Nanginig na ang mga tuhod nito. Tumakbo na 'yong may pasa dahil masakit na ang buong katawan niya.

     Sumunod na din ang dalawa. Kaso andun na pala si Logan sa labas.

     "Saan kayo pupunta? Kunin niyo ang mga kasama," he ordered. Bumalik sila at hinila na ang mga katawang nasa sahig.


     Si Mathara nakatayo lang doon. Magulo na ang buhok at napunit na ang may kwelyo ng suot na uniform. 'Yong mga pawis nito nag-uunahang bumaba mula sa noo niya. She is panting. Napatingin siya sa lalaking pumasok. Kilala niya ito, it's Logan.

     Dahan dahan itong lumapit sa kanya. 

     "You passed," he uttered in front of her face. She was left confused. Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito? 

     Ilang saglit pa, biglang umikot ang paningin niya. Her ears whistled, a sign of the intensity, as her knees gave up on her. Malabo ang paningin niya. Kinapa niya ang braso nang bumagsak na siya sa sahig. Pilit niyang tinignan ano 'yong nahawakan niya. May syringe na nakatusok sa braso niya. Bumabagal ang paghinga niya at hindi na niya maigalaw ang katawan. 


     "You will be home--" Parang nag-eecho lang 'yong boses ni Jaxon sa tenga niya. He felt his hand carrying her.

     Blackout.


TakahashiKazumi2024


𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟎𝟏: 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐃𝐢𝐫𝐭 (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)Where stories live. Discover now