𝟒𝟐: 𝐑𝐚𝐜𝐞 𝐇𝐞𝐫 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭

108 13 0
                                    

     "Sige, sa huling pagkakataon, pagbibigyan kita. Pero, sa isang kondisyon." Binagsak ni Mathias ang hawak na kutsilyo.

     "Spill it," Mathara retorted, her determination still consistent as she sought to attain her peace. 

     Alam niyang imposibleng pagbigyan siya ng ama. This will only be just another game for him. Lalaruin niya.

     "Bakit hindi si Ronin at Jaxon ang magduel? No weapons. If Jaxon wins, sa kanya ka magpapakasal. Pag nanalo si Ronin, pababayaan ko kayo." Mas lalong nainis si Mathara sa narinig.

     Dehadong dehado si Ronin kapag labanan. She's trying to think of something he is good at para naman sana ay maisahan niya ang ama. 

     "What if a race?" she suggested out of the blue.

     Napa-isip si Mathias sa sinabi ng anak. Lumingon siya kay Jaxon, that guys just doesn't look threatened by that suggestion.


     Both parties are ready for the race. Suot na nila pareho ang mga helmet. Ang ruta nila ay ikutin lang ang lupain na yun surrounding the mansion. Jaxon and Ronin are glaring at each other na para bang may kuryenteng dumadaloy sa pagitan ng mga mata nila. 

     "Pagputok ng baril ko, magsisimula ang karera," Mathias announced.

     Both are squeezing their motorcycles' handle grip making the roar of  the engines fill the air. They both grasped the clutch lever tightly, prepared to release it later as they readied themselves to stamp the kickstart.

     And then, the sound of a gunshot echoed through the air.

     Nagsimula na ang karera. A thunderous roar of motorcycles tore across the dusty roads.


     Hindi din maganda ang daanan nila kaya naging challenging ang pagdadrive nila pareho. They are both experienced with this type of race but this one is different. Paunahan ito kung sino ang makakasama ni Mathara sa pang habang buhay. 

     Ronin raced forward feeling the excitement of the pursuit as his heart beat rapidly deftly maneuvering through corners and dangerous hurdles.

     'Mathara is mine!' his head screamed, fueling his determination to keep up the gap.

     

      Pero sa sobrang alikabok ng daan, napuwing si Ronin. His motorcycle veered off track due, to a realization narrowly missing a collision, with a formation. Gritting his teeth he struggled to steer on course. His competitor, Jaxon, gained ground as valuable seconds ticked away.

     Naunahan na siya ni Jaxon.

     Ronin despite giving it his all ended up trailing behind, the distant rumble of engines echoing in his ears like a mocking taunt. Nakita niya pa ang ngisi ni Jaxon kahit halos isang mata nalang ang nakakakita ng maayos sa kanya.

     It triggered his anger even more. 

     Mas nilakasan niya ang loob at inayos ang sarili. Kailangan niyang manalo sa laban na ito. Ito lang ang chansa niya. 


     Magkatabi na sa daan ang dalawa. Nagkakalingunan.

     Jaxon is attempting to divert his attention by nudging him to the side. Medyo malalim pala ang kabilang bahagi.Is Jaxon attempting to be clever by orchestrating his death gamit ang karera na to?

     Hindi siya magpapatalo. Siya naman ang tumulak dito. Nainis si Jaxon doon. Naging mainit ang labanan nilang dalawa. Wala namang rules kaya pwede nilang gawin anuman para manalo.

     Jaxon swiftly drew a gun from his side, revealing his hidden weapon. He aimed it at Ronin. Mabuti nalang at nakabreak si Ronin, kung hindi baka sumabog na ang utak niya. Nauna na si Jaxon ulit. Pilit na humabol ang binata. 

     Nakikita na niya ang hangganan. Nakatayo doon si Mathara, puno nang pag-aalala ang mga mata nito. Maliban doon ay nakikita niyang umaasa ito sa kanya.

     Ronin pushed his motorcycle to the edge giving it everything he had in an effort to speed up. Unfortunately it was all in vain as he realized it was already too late. 

     No, it's not too late. 


    Parang bumagal ang takbo ng oras. Tumayo siya sa motor niya at sinipa ito papunta kay Jaxon. His body flew through the air at bumagsak siya sa paanan mismo ni Mathara.

     Nagkaroon siya ng gasgas sa katawan pero hindi na niya yun alintana. Pawis na pawis siya nang tanggalin ni Mathara ang helmet niya. Hinihingal din ang binata.

     "Nanalo ba ako?" tanong niya habang kinukuskos ang napuwing na mata.

     Napalingon si Mathara. She's trying to check who won. 


     It was a draw.

     "Bumangon ka Ronin, ulitin natin ang karera!" hamon ni Jaxon dito. Nagasgas na din ang mga siko't tuhod nito dahil sa ginawa ni Ronin. Mabilis na tumayo ang binata.

     "Walang nanalo," sabat ni Mathara sabay hila sa braso ni Ronin palayo kay Jaxon.

     Natahimik silang lahat. Pareho silang nag-iisip.


     "Ako ang pipili," pagbasag ulit ni Mathara sa katahimikan. "At obvious naman ang choice ko. Aalis na kami. Wag niyo na kaming guluhin kahit kailan," she added. Mabilis ang bawat paghakbang niya palayo habang hila hila si Ronin.

     Jaxon wanted to chase them pero pinigilan siya ni Mathias.

     "Hayaan mo sila. Babalik at babalik si Mathara sa atin. Malapit na."

     Si Mira, nakatitig lang sa magkasintahan na lumalayo na sa lugar. 

     

     Ayaw na talaga nina Ronin at Mathara nang gulo kaya nag-impake na agad sila pagkauwi. Aalis sila sa bahay na yun. 

     "Saan na tayo pupunta?" she asked.

     "Sa resthouse ng lolo. Malayo din yun mula dito," sagot ni Ronin habang abala sa pagbubuhat nung mga bagahe. 

     Mabilis silang umalis sa lugar nang hindi na lumilingon. Habang nagdadrive naman si Ronin ay panay lingon si Mathara. Baka kasi sundan na naman sila ni Mira.

     No one is tailing them. Nakahinga na siya ng maluwang. 


     Agad na naibagsak nila ang mga katawan sa kama ng resthouse na iyon. Medyo maliit lang yun. Halos lahat ng gamit ay kulay puti. Nasa tabi ito ng dagat. Para bang nasa isang resort sila na private.

     Ang kwarto ay katapat mismo ng dagat at kitang kita ito dahil sa glass ang dalawang doors sa paanan ng kama. 

     It's another peaceful setup. Sana lang ay wala na talagang gumulo sa kanila.

     Napaiyak nalang si Mathara sa nangyari sa kanila. She hugged Ronin tightly, holding him close to her. Hinaplos ni Ronin ang buhok ng dalaga.

     "Nakauwi na tayo. Pakakasalan mo na ako," sabi ng binata.

     "I need that ring first," she demanded, her voice trembling between silent cries.

     "Gusto mo, bukas ko ibigay sayo?" He didn't get any answer. Humihikbi lang si Mathara habang nakapikit.

     She's all tired and worn out. They needed some long rest. Dumudilim na din. Para bang hindi na sila dinalaw ng gutom, di na nila namalayang nakatulog na sila pareho. 

     Ni hindi nakapagbihis ang dalawa. 


TakahashiKazumi2024

𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟎𝟏: 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐃𝐢𝐫𝐭 (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)Where stories live. Discover now