𝟐𝟓: 𝐒𝐭𝐢𝐥𝐥 𝐇𝐢𝐦

190 15 10
                                    

     "Arriety," she whispered. Hinayaan lang niya itong dumaan sa harap niya kasabay nung mga tao. Hindi siya nito napansin. Nagmamadali din ito. 

     Arriety is hiding and is doing things in a flash and with efficiency. Ni hindi ito lumilingon sa kung saan saan. 

     "Hoy, Luci! Tignan mo anong ginawa mo sa akin," inis na sambit ni Ronin nang makalapit na kay Mathara. Napalingon ang dalaga at nakitang nagno-nosebleed pala ito. Napalakas ata ang pagbato niya nung bola. "Wala ka lang sasabihin? Wala kang gagawin?" dagdag nito. Halos sumigaw na ito, nagpipigil lang dahil maraming tao. Buti nalang at binigyan siya ng tissue nung trabahante ng arcade.

     Tinaasan lang siya ng kila ni Mathara.


     "Kasalanan mo din yan no, bastos ka kasi," sabi nito sabay lakad paalis ng arcade. Hindi sumunod si Ronin dito dahil galit pa siya.

     "Anong bastos? What the--Hindi ka talaga mag-sosorry?" Hindi na siya pinansin ng dalaga. "Bahala ka! Hindi na kita sasamahan. Mag-isa ka na sa buhay mo," dagdag niya. Doon na dumaan si Ronin sa kabilang direksiyon. He is determined to leave her, to teach her a lesson. Abala din siya sa kakapunas nung dugo sa ilong niya.

     Pagdating niya sa underground parking area, nakita niya si Jaxon, naglalakad. 

     Nagkasalubong ang mga mata nila. Hinanap agad ng mga mata ni Jaxon si Mathara pero parang hindi na ito kasama ni Ronin.

     "Nasaan si Luci?" tanong pa niya.

     "Sinusundan mo kami? Kailan ka ba titigil?" Lumapit na si Ronin dito. 


     "Nasaan siya?" Ganun parin ang tanong nito. Lumalapit na din.

     Sobrang tahimik ng parking area. Medyo madilim at nasa daanan sila pareho, sa gitna. Parehong seryoso at bumubuga ng mabibigat na aura. Biglang kwenilyohan ni Jaxon si Ronin. Hindi na nito mapigilan ang nararamdaman, nangangati na siyang patayin ito.

     Lumaban si Ronin, marahas niyang inalis ang mga kamay nito pero pilit binabalik ni Jaxon. Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Jaxon kaya napaatras ito. Nandilim ang paningin nito.

     Bubunot na sana ito ng baril nang bigla silang nasilaw.


     Muntik pa silang mabingi sa lakas ng busina ng sasakyan na yun. Dadaan pala kasi lalabas ng mall. Nang lingunin ulit ni Ronin ang kasamang lalaki, wala na ito. His heart raced in panic. Sigurado siyang hahanapin nito si Luci sa loob. He sprinted as fast as his legs could carry him. Wala na nga siyang pakialam kung may nababangga siya.

     "Luci?" Nilibot na niya lahat ng kalapit ng Arcade. Wala doon ang hinahanap. Tumakbo ulit siya. Jaxon was also in a hurry. Paunahan nalang kung sinong makakahanap kay Mathara.


     Tahimik lang si Mathara sa isang gilid. Napagod na siya sa kakaikot, hindi niya malaman saan ba dapat mag-exit. Nakaupo siya sa isang hagdanan. Her chin rested on her hands as she stared down at the crowd below. 

     Kanina lang ang saya saya niya. Ngayon, parang sinakluban ng langit at lupa. Her expression conveyed a sense of boredom and sadness. Wala namang pumapansin sa kanya. Dinadaanan lang siya ng lahat. Well, she's just a stranger.

     Biglang may naramdaman siyang presensiya sa likuran niya. Umikot ang eyeballs niya.

     "Akala ko ba iiwa--" Natahimik siya pagkalingon. It's not Ronin, it's Jaxon. Napatayo na siya. "Anong kailangan mo?" tanong niya dito.

     "Ikaw. Umuwi na tayo," sabi nito. Napabuntong hininga si Mathara, she's hesitant. Nasanay na siya sa buhay na si Ronin ang kasama. Ayaw niyang magsimula ulit kasama ang iba. Nalulungkot tuloy siya. 


     Sa isip niya, baka iniwan na nga siya ni Ronin. She stared at Jaxon's extended hand, waiting for her to accept the offer. Wala naman siyang ibang mapupuntahan kaya tinanggap na niya. She felt no connection with Jaxon. Wala siyang naramdaman sa hawak na yun. It was just a cold hand holding hers. 

     Kanina nung si Ronin ang nakahawak sa kamay niya, she felt warm. She's happy na para bang laging may electricity na dumadaloy mula sa kamay na yun papunta sa katawan niya. Ngayon, parang balisa lang siya lalo. Ayaw man lang siya suyuin ng gagong Ronin na yun.

     Mas lalo lang siyang naiinis pag inaalala niya. Basta nalang siyang iniwan. Walang awa ang lalaking yun.


     Bumungad sa harap ni Ronin ang magkahawak na si Mathara at Jaxon. Nasa malapit na exit sila nagkasalubong. Parang umaapoy na siya sa galit at selos. He didn't want to see another hand holding hers. Mabilis siyang lumapit para hawakan ang kabilang kamay ni Mathara. Nasa gitna na ang dalaga nang hilain siya nito.

     "Uwi na tayo," sabi niya kay Mathara. Marahas na inalis ng dalaga ang kamay niya.

     "Diba iiwan mo na ako?" Her tone was direct and filled with anger. Napalunok nalang ng laway si Ronin. He didn't mean what he said earlier. Now, he was left pondering how to explain himself. Natahimik siya ng matagal. "See?" Mathara added.

     Hinila na ng dalaga si Jaxon. Nagkatinginan pa ng masama ang dalawang mga binata. Para bang nagpapatayan na sila gamit ang matatalim na mga titig.


     "I'm sorry, okay?" Ronin ate his pride. Women are so difficult. Si Mathara na nga ang may kasalanan, pero siya ang nanghihingi ng tawad. "Bumalik ka na sakin. Diba sabi mo uuwi ka lang sa lalaking yan pag naalala mo na lahat?"

     Napatigil si Mathara. Jaxon felt threatened. Siya na ang humarap kay Ronin.

     "Wala siyang gaanong maaalala if you surround her with unfamiliarity," sabi nito. 

     "Sige, familiar ka diba? Naaalala ka na ba niya?" Ronin crossed his arms. 'Yong mga tao sa paligid niya nakiki-usyoso na. 'Yong iba padaan daan e nakikinig lang naman sa usapan.

     Nilingon ni Jaxon si Mathara. Nakabitiw na sila pareho. "Naaalala mo na ba ako?" tanong niya dito.

     Silence.

     She yearned to confess the truth, that she had already remembered Jaxon. Pero kung ganun, tuluyan na siyang lalayo kay Ronin.

     Umiling siya. She lied just to go back to Ronin's side. Jaxon nodded in defeat. Pinili na naman ni Mathara sa pagmumuka niya si Ronin. It hurt him even more. The pain intensified. He felt like he's nothing to Mathara, that she disregarded him so easily for the second time.


     "Makikita mo rin sino ang kinakalaban mo, Ronin," he stated habang malayo layo na sa dalawa. He looked at them again. "Akin ka parin naman kahit anong gawin mo, Death Devil."


TakahashiKazumi2024

𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟎𝟏: 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐃𝐢𝐫𝐭 (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)Where stories live. Discover now