𝟒𝟓: 𝐀 𝐅𝐚𝐫𝐞𝐰𝐞𝐥𝐥?

89 12 0
                                    

     Isang Linggo na ang lumipas. Walang improvement si Mathara. The only difference there is that she is stuck in silence. Nakatulala at palaging malayo ang tingin. 

     Wala na ngang gulong pumasok sa buhay nila pero nag-iba naman ang dalaga. She pondered the meaning of life deeply still unsure if it held any value worth embracing. Naiipit siya sa desisyong iwan si Ronin o manatili sa katahimikan at kasinungalingan. She cared deeply for Ronin. That she was hesitant to cause him pain even though the situation would inevitably be painful, for her.

     Will she just choose him for his happiness or will she choose herself for her peace?


     Tumulo na naman ang luha ni Mathara. Nasa labas siya ng resthouse, nakaupo sa isa sa mga upuan doon. Kaharap niya ang dagat. Malamig ang simoy ng hangin at malapit nang lumubog ang araw.

     May tuwalyang nakapatong sa balikat niya. Yun ang ginamit niya para alisin ang mga luhang naguunahan sa pisngi niya. Si Ronin nasa loob ng bahay abala sa paghahanda ng hapunan nila. Lumingon siya sa nakabukas na glass window sa likuran niya. Nginitian lang siya ng binata.

     She can't even smile back. 

     Binalik niya ang atensiyon sa dagat. Araw-araw nandoon lang siya sa balcony na iyon. She was there to get lost in thought.

     Hindi niya mapigilan.

     She suddenly felt angry. Remembering how she grew made her want to destroy the place of her evil origin, ang organisasyon. Ayaw na niyang may matulad sa kanya. 

     Napalitan ng poot ang kalungkutang bumalot sa kanya ng isang linggo. Napatayo siya sa pagkakaupo.


     Pumasok siya sa loob at nagtama ang mga mata nila ni Ronin. Nanlumo ulit siya. Ronin is her weakness. "Ronin," she finally spoke.

     "May gusto ka bang gawin ko? May gusto kang puntahan?" Mabilis na lumapit sa kanya ang binata.

      Napaawang ang bibig ni Mathara. Parang pinipigilan siya ng sarili niyang mga labi, ayaw nito bigkasin ang susunod na mga salitang gusto niyang sabihin.


     Nanginig ang mga labi ng dalaga kaya kinagat niya ito. Her tears are slowly pouring from her eyes again. Niyakap agad siya ni Ronin sabay haplos ng likuran nito. "Andito ako. I'll listen. Maghihintay ako kung kailan komportable ka nang sabihin ang problema mo," he whispered.

     Mathara's hands are trembling that she can't even hug him back properly. "Mahal kita, Ronin. Mahal na mahal." Garalgal ang boses ng dalaga. 

     Kumawala si Ronin para hawakan ang mga kamay nito. "Mahal na mahal din kita," he responded.

     "Pero-" Mas lalong napaiyak ang dalaga. Nahihirapan siyang sabihin iyon.

     Ronin's heart strarted pounding really fast. Ano ba talaga ang problema? Is it him? May ginawa ba siyang mali? 


    "May nagawa ba ako? May dapat ba akong baguhin? Tell me--"

     "No." Umiling ang dalaga. "You are perfect, Ronin. Sana tandaan mo palagi yun."

      Mas lalong kinabahan si Ronin. Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ng dalaga.He waited for the next words she would say, gulping with bated breath. Their eyes are locked. 

      "I will cherish every single second na naging tayo," she continued taking off one of her hand to hold him on his cheek. 

      Nanakit ang lalamunan ni Ronin. Bigla kasing sumikip ng husto ang dibdib niya. Parang nanlulumo na din ang mga tuhod niya. Mathara sounded like she's leaving.

     Pero ayaw isipin ni Ronin yun. He's trying to believe that she's just expressing her feelings. Maybe this is how she does it.


     "Let's break up, Ronin."


     Parang nabingi si Ronin. Nastatwa siya sa kinatatayuan. Is this real? Is she really breaking up with him? 

     Tumulo ang mga luha ng binata habang nakatingin parin sa babaeng tangi niyang minahal. Love trully hurts. 

     Sa isip ni Mathara, sa ganitong paraan na lang niya sasaktan si Ronin kaysa malaman nito ang katotohanan sa pagkatao niya. It will be more painful than this breakup. Ayaw din ng dalaga na dumating ang araw na magpatayan sila.

     "I'm sorry," she added. Lumuwag ang pagkakahawak ni Ronin sa kamay ni Mathara kaya nabitawan niya ito. Mathara dropped that towel on her shoulder and turned her back.


     Hindi mapigilan ng binata ang sarili. He can't just stand there and watch her leave.

     Niyakap niya ito mula sa likuran ng napakahigpit. Nag-iiyakan silang dalawa. "Ayoko," he finally spoke. "Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang dahilan." 

     Ang pisngi ni Ronin nakapatong sa ulo ng dalaga. Mathara is trying to get his arms off her but she can't. Hindi naman siya tumitigil.

     As his hand slid away, he coped by pulling her into another hug.

     "Please, Ronin ayaw kitang saktan pa lalo. Kailangan mo akong pakawalan. You don't deserve me. Sasaktan at sasaktan lang kita," hiyaw ng dalaga na halos wala namang boses.

     "Hindi mo ba ako sinasaktan sa ginagawa mong ito?" he asked, refusing to let her go.

     With no other choice, Mathara needed to use what she have learned in combat. 

     She ducked her head and twisted her body. Lumuwang kaunti ang yaka na iyon kaya nagkataon siyang itulak si Ronin gamit ang mga siko. She quickly stepped to the side, slipping out from his grasp. Without hesitation, she spun around to face him.


      "You have to let me go. Hindi ako nababagay sayo. Sana maintindihan mo." She pursed her lips as she began to cry even more.

     Nakatayo lang doon ang binata. Nakatulala habang nawawala sa paningin niya si Mathara. She's walking really fast. Wala man lang itong dala. 

     Hindi man lang nakasunod ang binata. Binagsak nalang nito ang katawan sa couch. Now all he's plans are ruined. Lahat ng plano niya na kasama sana si Mathara. That family he wanted, that peace and happiness. Nawala nalang ng parang bola.

     Nawala ng ganun ganun nalang. He never saw the signs. It just happened. And it's ruining him.


     Ni hindi nakapagsuklay si Mathara. Naglakad lang siya sa daan. Nang may motor na dumaan ay in-ambush niya ito para kunin ang sasakyan nito. "I'll just borrow it," she told the guy. 

     Nasa kilid na ng daan ang lalaking yun, namimilipit sa sakit ng likuran.

     She raced the roads again like she always do. It felt as though the true devil had returned, and she was spiraling into madness. Wala man lang siyang pakialam sa lubak lubak na daan.

     Bumukas ang pinto ng mansion at iniluwa si Mathara. She's only wearing a white loose shirt and a pajama. Napakahaggard din. 'Yong buhok niya napakagulo at naka-ipit ang kabilang bahagi sa tenga niya. Nakapaa lang din ito.

     Her eyes were as sharp as a new blade, cutting through the air with their intensity. Her gaze met with her father's, sparking a silent but intense reunion between them. Para bang bumalik ang tunay na anak ni Mathias.

     "Welcome back, Death Devil."


 TakahashiKazumi2024

𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟎𝟏: 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐃𝐢𝐫𝐭 (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)Where stories live. Discover now