𝟑𝟒: 𝐓𝐡𝐞𝐫𝐞'𝐬 𝐄𝐬𝐜𝐚𝐩𝐞

140 14 1
                                    

     Mathara stood once again in her old room. It looked just as she remembered it, but now covered in a layer of dust. Parang buong bahay na yun ni Ronin. Ang tanging domenanteng kulay ay itim, gray at puti. It is high ceiling too.

     Her bed was black with a white cover. Ang mga armas niya ay nakapalamuti sa buong paligid, adorning the walls. May isang puti at malaking frame sa ulohan ng kama na yun na nasa center ng buong space. The white frame had a minimal design in its middle, resembling a gun formed by a blood-like color. Malaki din ang bintana sa bawat gilid ng kama kaharap siya. May mahabang floor lamp sa right side. 

     Nakatayo parin si Mathara sa bukana ng pinto. Si Ronin parin ang iniisip niya.


     Bakit ganun? Hindi naman siya dati nag-aalala sa isang tao. Bakit ngayon parang ganito nalang ang mararamdaman niya para kay Ronin? Ganito ba ang pakiramdam ng isang pamilya or more than that?

     Well, probably more than a family, she's just in denial. 


      Sinara na niya ang pinto at sumilip sa isa sa mga bintana ng kwarto. His father's men are all over the place, roaming with guns. May isa ding nagbabantay sa labas ng pinto niya. She sat on the couch at the side, patiently waiting for midnight.

     Midnight came. Her father's men are still active. Napabuntong hininga siya matapos silipin ang bintana. She went to her closet. Wala naman siyang mapiling damit. Napaubo pa siya dahil sa alikabok. Ni hindi man lang pinalinis 'yong kwarto bago siya pinabalik.

     She shut it.

     Napaharap siya sa pinto palabas ng kwarto. She was determined to escape. Binuksan na niya ang pinto. She broke the guard's neck and pulled him inside her room. Mabilis niya itong hinubaran. She wore his suit, though it was quite loose. She managed to make it fit better by adjusting the belt. Kumuha na din siya ng handgun sa mga nakasabit sa walls ng kwarto. She hid her hair under the Fedora hat and put on some glasses as a disguise.


     Naglakad na siya palabas. Dahil sa pare pareho naman sila ng suot lahat doon ay hindi na siya pinansin ng ibang mga tauhan sa unahan ng kwarto. Doon talaga siya dumadaan sa medyo madilim na bahagi para hindi siya masyadong halata.

     "Luke? Anong ginagawa mo dito?" Biglang may nagtanong sa may likuran niya. She jolted all of the sudden and felt a rush of sweat, on her skin. Bumigat ang paghinga ng dalaga.  

     The sound of the mans footsteps drawing near caught her attention. She stood frozen next to the pillar of the mansion. Her body was partially illuminated by the lights. Her face remained hidden in the shadows cast by the pillar.


     "Nagpapahangin lang." May sumagot mula sa kabilang side. She was so caught up in her nerves that she completely missed the man passing by. Letting out a breath of relief, she carried on with her walk.

     'Yong mga mata niya mabilis na nagbaiba-iba ng direksyon. She's studying her surroundings. Nang makarating sa likod na bahagi, may iba pang nakabantay doon. Wala siyang choice kundi patulugin ang isa sa mga ito by gripping on his neck.

     Nakita siya ng kasama nitong nasa unahan. Mabilis itong tumakbo palapit sa kanya. Before the man could even pull the trigger of his handgun, she swiftly caught his hand. With a forceful push, she directed his arm towards his face, causing the gun to hit him on the face.


     That was way easy. Nakatulog agad ang mga lalaking yun. Ngayon, aakyat na siya sa walls ng gates. She didn't know how, but she trusted her instincts. Her body still remembered how to climb walls. Para bang ang gaan lang ng katawan niya at alam na alam ng paa niya saan siya aapak.

     Mabilis siyang tumakbo palayo sa mansion nang makatapak na sa lupa. Wala na siyang oras para isipin pa paano siya nakaakyat doon.

     She rushed towards a nearby mall with a parking lot, choosing a motorcycle. She quickly pulled its wires and started the engine using two of it. Mabilis ang pagpapatakbo niya. Alam niyang mabilis malalaman ng ama na wala na siya. Well, may iniwan din siyang message doon.


     Using the dust on her windows and mirror, she wrote 'FIND ME.'

     The game has started.


     Tulala si Ronin habang kaharap ang tv niya. Masakit parin ang katawan nito. Ni hindi nakikinig sa sinasabi ng mga nasa screen. He's lost in thought. Ganun lang siya hanggang sa mga oras nang yun nang biglang kumalabog ang pinto ng bahay. Muntik nang mawala sa kanya ang kaluluwa niya.

     "Ronin?" It was Mathara's voice. Mabilis niya itong binuksan.

     Ang pinakaunang ginawa nila ay ang yakapin ng napakahigpit ang isa't isa. It was a warm hug filled with care and concern. 

     "Umalis na tayo dito," Mathara spoke nang kumawala na sila sa isa't isa. "Wala na tayong oras. Mahahanap agad tayo dito," she added.

     "Paano pag mahanap parin niya tayo kahit saan tayo magpunta? He will kill us both. Ayokong nang dahil sa akin ay madamay ka." Magkahawak parin sila sa mga braso. Nagtitinginan sila, both with worried expression on their faces.


     "Ayaw mo na ba akong kasama?" tanong ni Mathara.

     "It's not that." He paused for a bit, sabay lunok. "Bakit mo ito ginagawa, Mathara?" He is finally calling her by her real name.

     Hindi alam ni Mathara anong isasagot kaya nakaawang lang ang bibig niya. How will she explain herself?

     Isa lang ang ginawa niya para iparamdam kay Ronin ang lahat. It was the only language she could use at that moment. She kissed him—it was the only way she could express what she truly felt.

     Ronin closed his eyes in response, holding her cheek gently. The kiss intensified, causing them to press their bodies together. Gentle bites on each lips, devouring each other.

     Pareho silang hiningal sa halik na yun. Their foreheads touched. It was enough for Ronin to confirm they felt the same.

     Wala na silang oras para sa isa pang conversation at mabilis na naghiwalay muna.


     Mabilis na kinuha ni Ronin ang helmet niya na nasa maliit na mesa sa kusina at napansin ang rules na dinikit nila sa ref. He took and tore it. 

     No more rules.

     Ibinaba na din niya ulit ang helmet. May iba lang siyang gagamitin.

     Kinuha din ni Mathara ang mga litratong nasa ilalim ng kama niya at sinindian ito't inihagis sa bintana. She doesn't want to do anything with her past anymore. Handa na siyang kalimutan iyon at mamuhay ng panibago.


     Biglang may narinig siyang ibang tunog ng engine sa labas. She ran outside and saw a black car. Kakabahan na sana siya nang biglang bumaba ang windshield nito at iniluwa sa driver's seat si Ronin.

     "May sasakyan ka?" she asked very confused. Nakita din niyang may underground na parking pala ang bahay ni Ronin. Nasa gilid lang pala ang entrance nun, 'yong part na tinatabunan lagi ng parang plastic tent.

     "I'll explain later," he answered. The door automatically opened for Mathara.


     Ni wala silang dala nang umalis. Tanging sila lang dalawa.

     Meanwhile, nakita na ni Mathias ang nakasulat sa salamin ng kwarto ni Mathara.

     Napakuyom siya.


TakahashiKazumi2024

𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟎𝟏: 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐃𝐢𝐫𝐭 (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora