𝟐𝟒: 𝐌𝐚𝐲𝐛𝐞 𝐀 𝐃𝐚𝐭𝐞

193 15 12
                                    

     "Let's go?" aya ni Ronin kay Mathara sa umagang yun.

     Napatitig ang dalaga dito. He appeared different today, dressed in a more refined manner. He's wearing a white shirt with minimal print, a sleek leather jacket, black pants, and a pair of new white shoes. His slightly curly hair had been freshly cut, now styled in a blowout haircut.

     Ano kayang nakain nitong si Ronin at bigla nalang nagkaroon ng self care. As Mathara approached, she caught the subtle whiff of his masculine perfume, a scent that lingered in the air. Pinaghandaan talaga ng binata ang lakad na iyon.

     Now, we wonder what it is for.

     Mathara is wearing that simple attire they thrifted the last time they went out. Despite its origin, it looked far from secondhand. She looked stunning in that baggy black shirt with a retro print, paired with wide-leg jeans and black Converse shoes. Ang buhok ay gaya parin nung last time, naka-bobcut.


     "So now, you wear perfume?" Mathara asked. "Parang handang handa ka ah. May date ka?" She crossed her arms while giving him a mocking look. Ronin blushed.

     "Meron, ikaw," he answered. Napakamot pa ng batok.

     "Ha?" 

     Katahimikan.

     "Um, just this one? Can we consider this a date?" Ronin stuttered, breaking the awkward silence. Nakakapanibago, dapat ay matapang itong lalaking to. Ngayon parang may ibang tama na.

     "Mabuti naman at hinihingi mo na ang consent ko, di tulad nung gabing hinalikan mo nalang ako--" Nasapo ni Mathara ang bibig. Why did she even mentioned that? Parang gusto na tuloy niya lamunin siya ng lupa. Nahiya siya dun. Hindi na nga siya makatingin kay Ronin. 


     "S-Sorry." Ronin was stuttering again. Nagkakahiyaan pa talaga sila pero buti naman at napasok yun sa topic. This is their chance to clear things up.

     "Forget it," Mathara suggested, trying to calm herself by faking a cough.

     "Why would I? It's --" Napatingin si Ronin sa mga mata ni Mathara. He think he's ready. His time is ticking. Hindi din magtatagal aalis din ang dalaga sa puder niya. "--something I don't want to forget." Hindi na alam ni Ronin anong sunod na sasabihin. "Lumabas na nga tayo." Hinila na niya ang dalaga.


     Napaawang ang bibig ni Mathara nang makita ang tinatawag nilang mall. Dinala siya ni Ronin sa isa sa pinakamalaking mall sa lugar. Medyo malayo layo yun pero worth it ang mahabang byahe.

     "Papasukin ng langaw yang bibig mo pag di ka pa tumikom diyan," natatawang sabi ni Ronin sa dalaga. Without her consent he grabbed her hand again. Hinila na niya ito papasok. Mathara never had a chance to visit a mall in her past, she's too busy learning how to kill. Tuwang tuwa siya kaya hindi na napansin na magkahawak sina Ronin na naglilibot sa loob.

     Jaxon trailed behind them, gritting his teeth in frustration. It pained himseeing Ronin and Mathara's hands intertwined. Para bang pinapamukha ng mga ito na may relasyon sila. 


     Is Mathara even allowed to have a romantic partner? Ano kayang magiging reaction ni Mathias pag nalaman niya? 

     Jaxon contacted his boss, eager to know about something. Mabilis parin ang paghakbang niya habang sinusundan ang dalawa.

     "Sir? Am I allowed to eliminate someone outside of my mission?" tanong niya agad kahit hindi paman ito nakapagsalita. Mathias could discern the anger and eagerness in Jaxon's voice. Jaxon meant serious outside business.

     "At sino naman itong taong to?" Mathias asked. He is standing in front of his huge mansion window sa pangalawang palapag. Kaharap niya ang tanawin mula sa gate hanggang sa mahabang straight na daanan palabas ng mansion na yun. 

     Napalingon si Logan dito. Rinig niya ang usapan ng dalawa. 


     "He's name is Ronin. Siya ang guardian ni Death Devil dito."

     "At bakit ka galit? He's merely a guardian," Mathias stated, his tone giving off a sense of boredom. 

     "You might not want to believe me, pero parang may kung ano na sa kanila ng lalaking 'yun," Jaxon irritably remarked. Mathias smirked, well aware of what was happening.

     "Ang mission mo ay ang anak ko lang." Napakuyom ang kabilang kamao ni Jaxon sa narinig. "Gusto mo ng challenging missions diba? Enjoy it," dagdag ni Mathias bago ito pinatay. Ronin would serve as Jaxon's motivation to push harder on that mission. Para bilisan pa niya ang kilos at mabawi na si Mathara.


     "Sh*t! Sh*t! Sh*t!" Jaxon cursed silently. Bigla siyang may babaeng nabangga. Hindi niya ito pinansin pero natigilan siya nang marinig ang boses nito.

     "Ay! Sorry?" Mabilis itong naglakad papunta sa kabilang direksiyon. Napalingon si Jaxon, medyo malayo layo na ito. He's not sure kung siya ba 'yong nabangga niya kaya gusto sana niyang kompermahin.

     Ngayon hindi na niya alam sinong uunahin. Si Mathara at Ronin o 'yong babae. Nakatitig parin siya sa likuran ng babae na patuloy lang sa paglalakad. Lumingon ito sa may gilid at huminto. The side-view profile, he recognized it all too well. It was Arriety!

     Pumasok na ito sa may grocery. Lumingon muna sa kabilang side si Jaxon, hindi na mahagip ng mga mata niya sina Mathara. Nang lumingon siya sa kabila, hindi na din niya mahanap si Arriety. 


     Tuwang tuwa si Mathara sa Arcade. Para siyang bata na napapasigaw sa kakatawa. It's her first time to ever try games. Napapatingin na lahat sa kanya, parang nahihiya na nga si Ronin dito.

     She even aced all those shooting games, siya na ata ang highest score sa lahat ng baril barilan doon. Tinalo niya si Ronin hanggang sa racing games. Napapakamot nalang ang binata ng ulo sabay kunot ng noo.

     "Ang weak mo!" Mathara mocked him. Nainis na tuloy siya kaya nakabusangot na nang doon naman sila sa basketball arcade machine. "Pag ito na shoot, bili ka pa ng coins!" she exclaimed, grabbing another ball with enthusiasm. Napacross arms nalang si Ronin sabay harap doon sa machine.


     Binato na ng dalaga ang bola sa ring, hindi ito na-shot bumalik ito at nasapol si Ronin sa mukha. Natumba pa ang binata sa sahig. Nag-panic naman si Mathara kasi hindi na ito gumagalaw. Tinapik niya ang mukha nito.

     "Ronin?" she tried calling for his name. "Hoy!" Ayaw talaga. "Sige pag hindi ka pa bumangon, tatadtarin kita ng halik." Wala sa sariling sambit ni Mathara.

     Awtomatikong napabuka ang mata ni Ronin. "Are you sure?"

     "Anong sure?" Nagtatakang tanong ni Mathara dito. Bumangon na si Ronin sa pagkakahiga at napangisi.

     "So, you wanna do it again, huh?" 

     Tumayo si Mathara, kumuha ng isa pang bola at binato kay Ronin.

     Pagkalabas niya ng arcade, someone really familiar caught her eye. Lumakas ang tibok ng puso niya. She wanted to say her name para lingunin siya nito pero bakit parang mabigat ito para sa kanya.

TakahashiKazumi2024

𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟎𝟏: 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐃𝐢𝐫𝐭 (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon