𝟐𝟖: 𝐇𝐢𝐬 𝐏𝐨𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧

160 15 5
                                    

     Tahimik ang buong bahay. Nakatingin lang si Ronin sa puting kesame. The dim light from the outside casted a glow, outlining the silhouette of the window. Maliwanag ang buwan ngayong gabi. He lay on the couch, attempting to get some sleep, but he simply can't.

     Napabangon na siya. Sumandal lang siya dito.

    The calling card lay on the center table. Mathara had left it there when they returned home. Hindi alam ng dalaga para ano ba yun. It took his attention. Gusto niyang maliwanagan anong ibig sabihin ni Jaxon sa sinabi kagabi.

     Are he and Mathara really a couple?


     He casually picked up the card and used his phone's flashlight to vividly see the number. He proceeded to save it on his phone. Gusto niya itong tawagan for clarity. He turned the flashlight off and stared at his phone's screen. Should he press call?

     Binaba niya muna ang cellphone at nag-isip ulit. Gusto ba niyang malaman ang totoo? O huwag nalang?


     Nasa banyo si Jaxon, kaharap ang salamin half naked. Hindi pa siya nakakatulog. Nakatulala siya ng ilang oras doon nang biglang nag-ring ang phone niya. Mabilis siyang napatakbo pabalik sa kwarto para pulutin ito na nasa kama nakapatong.

     "Hello? Luci?" Nakangiti pa siya nang sagutin ito.

     "You really thought may cellphone ang babaeng yun?" Nawala ang ngiti niya nang magsalita ang nasa kabilang linya. It was Ronin.

     "Anong kailangan mo?" cold na tanong ni Jaxon dito. Napaupo na siya sa kama niya.

     "May gusto lang akong malaman. Ano ba talaga kayo ni Luci?" Finally Ronin was able to drop the question that's been bugging him.

     "You really wanna know?" Hindi siya nakatanggap ng reaction kaya nagpatuloy nalang siya. "She's my wife. We we're married when we're just 18 and 20. Ngayon, alam mo na bakit ginagawa ko ang lahat maibalik lang siya sa akin." 


     Katahimikan. Hindi alam ni Ronin ano ba dapat ang dapat maramdaman sa mga oras na yun. He hung up.  

     Ito na naman ang paninikip ng dibdib niya. He was in pain, feeling a mix of jealousy, confusion, sadness, anger, and desperation. Parang natanto niya na pagkakamali ang halik na yun. Nahilamos nalang niya ang sariling mga palad. He wanted to scream out his emotions, but with midnight approaching, he couldn't afford to disturb anyone in the neighborhood. Lalong lalo na si Mathara sa kwarto.


     It was another day sa restaurant. Busy na naman ang lahat. Nasa may gilid si Mathara sinisilip si Ronin. She felt confused as to why he was ignoring her. Kanina pa siya nitong hindi kinikibo. Napabusangot nalang siya sabay ayos ng tayo at siksik nung sarili sa gilid nung daan papunta sa cr.

     As usual, men are staring at her. Tumalikod na siya.

     "Ano kayang problema nung Ronin na yun?" tanong niya sa sarili sabay ikot ikot nung mop sa lalagyan.


     Andun ulit si Jaxon. He's curious about the two kaya nandun siya para tignan ano nang update sa buhay ng mga yun. Parang normal na araw lang naman yun. He can't take it, he entered the restaurant. Nag-order pa siya sa counter at umupo ulit sa upuang malapit sa cr, malapit kay Mathara.

     "You again," Mathara whispered between her tensed breath. Parang pakiramdam niya may kinalaman si Jaxon sa kakaibang kinikilos ni Ronin. She turned her head to check if Ronin was looking at them, but he seemed preoccupied in a conversation with Loraine.

     Nainis siya lalo kaya lumapit siya kay Jaxon.

     "May ginawa ka ba?" tanong niya dito.

     "Like what?" pa-inosenteng tanong din nito.


     "Ikaw lang naman ang may alam. Paano ko malalaman e hindi ako kinikibuan ng lalaking yun," mabilis na sabi ng dalaga halatang iritang irita na. She crossed her arms, breathing aggressively, displaying her frustration. Para bang umuusok na 'yong mga ilong.

     Jaxon is a bit entertained. Mabilis lang pala palayuin ni Ronin kay Mathara.

     That was too easy. Naniwala agad ito sa sinabi niya. It's a half lie.

     "I told him about, us," he grinned. 

     "Anong us? Walang us," she retorted with sharp stares, expressing how she doesn't want a thing with this guy.

     Jaxon slid a photo across his small table. Napasulyap si Mathara doon habang papalapit ito sa kanya. It is a photo of her and Jaxon. They were engaged, not yet married. This fact made what he had told Ronin a half lie.

     "Paanong--?" Napakurap si Mathara.


    "So, wala kang problema sa arrangement?" tanong ni Mathias sa anak. He is trying to tie her daughter with the strongest male assassin. A perfect combo para sa susunod na mamamahala ng organization.

     "I don't care. Hangga't tingin mong ito ang tama, I won't refuse," saad ni Mathara. She was serious. No emotions were involved, just a pure business arrangement.    

     Jaxon was happy, but he made an effort not to display any reaction. However, his eyes betrayed him, whritten there are hints of his true feelings. Sobrang lakas pa ng pintig ng puso niya na para bang halos marinig na ng katabing si Logan.

     Nasa headquarter sila. Nasa upuan si Mathias nakaupo kaharap ang nakatayong si Mathara. Jaxon and Logan are standing behind him.


     "It's final, then--"

     "Pero, may last duel kami. If I win, sosolohin ko ang organisasyon," dagdag ng dalaga na nagpangisi sa ama.

     Sa kakakurap niya biglang naging klaro sa kanya ang mukha ng kaharap. His father's face came back to her. 

     "Actually, you need an heir. We can't afford to hand over the organization to just anyone. Gusto ko 'yong kagaya mo, my devil--"

     Umalingawngaw ang huling sinabi ng ama sa utak ni Mathara. Napakurap siya. 


     Bumalik sa realidad ang dalaga. Kaharap niya si Jaxon na nakatitig sa kanya habang tulala siya kanina. Napailing siya sabay tapik nung mukha niya.

     "I still have the ring," Jaxon said, displaying the plain black ring on his finger. Kumisplap ito nang tamaan ng liwanag. 'Yong kay Mathara, hindi na niya alam kung nasaan.

     "Pwede akong umatras." Mathara raised both of her brows.

     "Susuway ka sa ama mo?" He leaned closer. "Hindi mo pa ba siya maalala? Kung gaano siya ka demonyo? Kagaya mo?"

     Nainis si Mathara sa ginamit na term ng lalaki. She gave him deathly stares. "Hindi ako demonyo. Ikaw yun." Tumalikod na siya kaso nahuli ni Jaxon ang braso niya.

     "Trust me, Luci. Sasaktan mo lang si Ronin."


     Wala pang ginagawa si Mathara pero labis na ang sakit na dinudulot niya kay Ronin. Medyo mahaba ang usapan nila ni Jaxon kaya parang nag-iiba na ang isip ng binata. He's hurt about the truth and it's killing him.

     Tumalikod na siya at hinila si Loraine.


TakahashiKazumi2024

𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟎𝟏: 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐃𝐢𝐫𝐭 (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon