𝟑𝟕: 𝐇𝐞𝐫 𝐌𝐢𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧

116 14 0
                                    

     "Anong ginawaga niyo dito?" 'Yong tanong ni Mathara, bumalik sa kanya. 

     That's when her heart started racing. 'Yong mga mata nila hindi bumibitaw sa titigan na yun. Mira is genuine about her question. Hindi kasi talaga alam nito paano napadpad si Mathara doon. It's quite far from the organization.

    Mira gave her a questioning look, so Mathara looked at her groceries. Nagets naman agad ito ni Mira.

     "I understand, groceries." She had the answer to her question, shrugging her shoulders. "Course," she remarked. Then she casually walked past them showing no interest. She seems like she doesn't care about them at all.

     "Hindi mo kami isusumbong kay dad?" Mathara can't help but ask. Nakakapagtaka lang kasi. Baka naman she's just acting as if she doesn't care. 


     Mira halted. Napabuntong hininga ito sabay harap ulit sa kanila. Sina Ronin at Mathara nakalingon sa kanya. 

     "I'm here for the money. Wala akong paki sa mga bagay na di kasama sa mission ko. Well, kung may malaking patong ka sa ulo, baka isumbong nga kita," she stated with full honesty. 

     Sana nga ay hindi patungan ng malaking halaga ang ulo ni Mathara.

     "Ano bang mission mo?" she inquired, intrigued.

     "I'm a spy. Kailangan kong bantayan ang kilos ng assassin na pinadala ng ama mo para patayin si Arriety," she answered without a hint of hesitation. Straight to the point.

     "Bakit niya ipapapatay si Arriety? Ano bang nagawa niya?" Nagkibit balikat si Mira. She doesn't know either. 

    Mathara felt a worry, for her sister, something she hadn't experienced before. Dati rati naman ay di niya ito tinuring na kadugo si Arriety, kundi isang kompetensiya sa puso ng ama. It's like they are competing on who would make Mathias prouder.


     Dahil sa natahimik ang dalawang panig ay umalis na si Mira. May binili lang itong isang pakete ng sigarilyo at isang malaking softdrink.

     'Yong mga mata ni Mathara nakatingin pa nga kay Mira hanggang sa nakaalis ito. Doon pa gumaan ang loob niya. Ronin slid his hand to hers. Mainit ang mga palad nito na nagtanggal ng mostly ng pag-aalala niya.

     But the worry is still there. 


     "Wag kang mag-alala aalis agad tayo pag nagsumbong yun," he assured. Nagpatuloy sila sa pag-iikot sa bawat mga aisle. 

     "Si Arriety," she brought the topic, again. "Nanganganib siya."

     He hushed her softly giving her a soft smile.

     Ronin somehow felt weird about Mathara's family. Toxic is an understatement. Somehow, gusto niyang ilayo at bigyan ng ibang buhay ang nobya. 

      He somehow forgot about his goal. Parang napalitan ito ng bago. It's to be with this girl he loves. A different life, away from pain, anger and revenge.

     Ronin is busy staring at his girlfriend. He can't wait to settle with her. Yes, isang araw pa silang magkasintahan pero parang gusto na niya itong pakasalan.

     "Sh*t! Why are you so beautiful?" he asked out of the blue, cussing. Napakunot ang noo ni Mathara sabay tawa ng kaunti. Their hands are still intertwined. Nagkahiwalay lang ang mga yun nang nasa counter na sila.

     Sinara na ni Ronin ang pinto ng sasakyan, matapos ipasok lahat ng groceries. Pinaharurot niya agad ang sasakyan at napahinto sa isang bank. "Bababa muna ako saglit," sabi nito kay Mathara. She just gave him a nod. 

     Mabilis nitong tinanggal ang seatbelt at binuksan ang pinto para lumabas. Halos patakbo ang pagpasok niya sa bank. Wala namang masyadong tao kaya pinapasok lang siya agad ng guard.

     He is ready to withdraw his secret savings for a new life. Tinabi niya sana yun para sa paghahanap ng hustisya sa pamilya but it ended up ayaw na niya. Bibigyan na niya ng katahimikan ang sarili.


     Tatanggapin na niyang aksidente lang iyon.

     Nagwithdraw lang siya ng amount na goods para sa bagong buhay nila ni Mathara. May malaking amount pa siyang naiwan. 

     Ronin is rich, he is a billionaire. Hindi lang halata. 

     Pagkawala ng lolo niya siya ang tumayo sa pwesto nito bilang tagasunod. He owned that fastfood restaurant. Siya ang nagpalago nito, dahilan bakit nagkaroon ito ng maraming branch sa buong bansa. 

     He wanted to be in the employee's shoe kaya siya namasukan bilang server ng isa sa mga branches niya. It is to hide his identity too. He hates being surrounded by fake friends and gold-diggers. 

     Nakauwi na sila ng bahay. They are in the kitchen prepping some ingredients. First time nilang magluto ng magkasama. It was fun. Mas mabilis ang prepping kasi andiyan na si Ronin para magslice ng mga kung anu-ano. They are both wearing a white apron. Para bang sasalang sa Master Chef. 


     He watched Mathara sweat and get serious about cooking. Tagapunas lang siya ng pawis nito at tagapaypay. Hindi naman siya naging clingy baka mairita pa ito sa kanya, may ginagawa 'yong tao.

     Taga-taste test din siya. They are cooking his favorite food at the moment. Yep, adobo. 

     "How was it?" Mathara asked. Ronin gave her a naughty smile.

     "Mas masarap parin 'yong halik mo," he answered. Umikot ang eyeballs ng dalaga sabay tulak nung mukha ni Ronin palayo sa kanya. Ang landi pala nitong lalaking to.

     Mathara started cleaning. Hindi na kinaya ni Ronin, he hugged her from the back.

     "Sana ganito nalang tayo lagi, no?" sabi nito. "Doing normal things in a normal day, masaya, tahimik."

     Tumigil muna si Mathara sa pagpupunas nung countertop. She also wanted a normal life. Ayaw na niya sa nakaraan niya. She wanted a better and different future. Syempre with Ronin. 

     Binaon ni Ronin ang mukha sa balikat ng dalaga. "I want a life with you."

     "Ako din, Ronin. Ako din."



     Mira closed her car's window matapos pagmasdan ang bahay ni Ronin mula sa labas. Oo, sinundan niya ang dalawa. Just in case she needed to find them, she has to know their location. She is selfish, yes but this is all for her late husband. 

      Umalis na siya sa lugar na yun para bumalik naman sa location ni Lucas. Good news, nahanap na nito si Arriety. Ano kayang unang gagawin ni Lucas? 

     Mira was surprised nang makitang magkalapit ang dalawa. May itinanim siyang gps detector sa sasakyan ni Lucas kaya alam niya saan ito nagpupunta. Now she watches habang naglalakad si Lucas papalapit sa maliit na shop na yun ni Arriety. 

     Yes, nagtatrabaho bilang baker si Arriety sa sarili niyang small business. She sells cakes and cupcakes. 

     "Hi? May by dozen ba kayo ng cupcakes?" Lucas awkwardly reached to her. Napakamot pa ito ng batok. He didn't know, Arriety is this beautiful. 

     Tinuro ni Arriety ang signage sa may harap, nakasulat pala lahat doon ang prices. Nahiya si Lucas. 

     Mira scoffed. "This won't turn out the way Mathias thought," she commented sabay lagok nung dalang softdrink.


TakahashiKazumi2024

𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝟎𝟏: 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐨𝐟 𝐃𝐢𝐫𝐭 (𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon