CHAPTER TWO.

4K 32 1
                                    

CHAPTER 2

SEVERAL MONTHS AGO.

ITS EXACTLY 3 PM. Sa ganitong oras ay matatagalan na ang bus bago dumating. Kung may dumating man ay puno na at walang ibang choice kundi ang maghintay pa sa susunod na bus.

Nakaupo ako sa isang green waiting shed. Halos kalahating oras nang naghihintay sa parating na bus. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang naghihintay. May katamaran akong taglay, walang patience at walang pakielam sa ibang tao. Mas gugustuhin ko pang maglakad at mapagod kaysa tumunganga. Wala naman ako makukuha sa pagtunganga. Tanging alikabok at dumi ng kalsada ang makukuha ko. Kung hindi lang talaga malayo ang aming bahay sa school lalakarin ko ito. Kaso baka kasi abutin ako ng siyam-siyam kapag naglakad ako.

May babaeng umupo sa dulo ng waiting shed. Ang school uniform niya ay pamilyar sa akin. Parang uniform ata ito ng bagong school na pinasukan ko. Bagay sakanya ang kulay blue na longsleeves. Parang gatas ang kanyang balat at kasing kinis ng aming tiles sa bahay. Simple lamang siya kung titignan. Nakatali ang buhok na hanggang bewang niya at yakap-yakap ang kanyang plain red na bagpack. Nginitian niya ako nang napansin niyang nakatingin ako sakanya. Pero imbis na ngumiti ako, sinimangutan ko siya at tumingin sa ibang direksyon.

"Huh? Ang sungit!" May katamtamang lakas para marinig ko ang kanyang sinabi. Hindi kaya nagpaparinig siya? Eh ano naman? Ang ayoko sa lahat ay ang nginingitian ako ng mga taong di ko kilala. Ayokong tinitignan nila ako. Ayoko nang pinagmamasdan nila ang bawat galaw ko. Naaaburido ako. Naaalibadbaran ako!

Narinig ko ang busina ng parating na bus. Kaya tumayo na ako at pumwesto sa bungad ng shed. Sinigurado kong sa pwesto ko sasakto ang pintuan ng bus. Napansin kong tumayo na rin ang babae. Pumwesto siya sa aking kanan at may kalayuan. Nang huminto ang bus, ang pintuan nito'y bumanda sa aming gitna. Bago pa man magbukas ang pintuan ay nagmadali na agad akong hawakan ang magkabilang kanto ng pinto para siguradong mauuna akong makapasok. Anong pakielam ko sakanya? Nauna akong naghintay sa shed kaya dapat lang na mauna akong makasakay.

Sumakay agad ako at naghanap ng upuan. Tamang-tama! May nagiisang upuan sa pumangalawa sa likuran. Nakangiti akong umupo habang ang babaeng kasunod ko ay nakatayo at nakatingin sa direksyon ko. Aba! Anung gusto niyang gawin ko? Manigas ka diyan!!

Pumikit ako at nagtulog-tulugan. Kinukonsensya ako ng babaeng ito sa pamamagitan ng tingin. Akala naman niya effective? Good luck!

Biglang huminto ang bus matapos ang limang minuto, humampas ang katawan ko kaya nauntog ako sa sandalan ng nasa unahan ko.

"Tae! Aray!Psh!" Ang sakit! Parang bumakat ata yung upuan sa mukha ko. Ang sakit! Habang hinihilot ko ang aking noo, napapansin ko parang natatawa ang babaeng nasa harapan ko. Ang babae kanina sa waiting shed. Hmp! Sige tawa lang. Masamid ka sana sa laway mo.

Bumukas ang pintuan ng bus. Pumasok ang isang matandang may hawak ng bayong. Nasa mid 50's na marahil ang matanda. Hirap na maglakad at parang mabigat pa ang kanyang dala. Naglakad ang matanda papunta sa kinauupuan ko at inilagay ang kanyang bayong sa gilid ng aking kinauupuan.

"Toy, paupo naman." Napatigil ako sa paghilot ng aking ulo at tumingala para siguraduhin kung ako ba ang kausap ng matanda. Totoy? aish!!

"Ako ho?" Nagnod ang matanda. Ako talaga? Psh! Sa dinami-dami ng tao dito sa bus ako talaga? Tae yan oh! Ang ganda-ganda ng upo ko eh! Pesteng buhay yan!

"Sige na iho. Paupuin mo na si nanay." Biglang nagsalita ang babaeng katabi ko sa upuan. May hawak siyang isang sanggol at nakataas ang kanyang damit. Pinapagatas niya ang bata sa harap ko!! Kadiring nilalang! Sa public bus pa hah.

Wala na akong nagawa. Tumayo na ako at humawak sa nakasabit na hawakan sa bus. Kamuntikan pa akong matumba dahil sa biglaang pagandar ng bus. Bwiset!

Blinded (One and Only You)Where stories live. Discover now