CHAPTER FIFTEEN.

801 14 2
                                    

CHAPTER 15.

WE ARE HEADING STRAIGHT TO MY HOUSE. Dala-dala niya ang aming mga gagamitin habang di maialis ang kanyang tingin sa aking mata. Kanina ko pa nararamdaman ang mga tingin niyang kakaiba. Mga tingin niyang may hinihintay. Seryoso, malungkot at di maipinta. Kahit na sa bintana ako nakaharap ramdam ko. Nadadama ko ang mga sulyap niya sa akin. Magkatabi kami sa bus. Pero parang biglang nagkaron ng ilangan sa aming dalawa matapos ang mga pangyayari kanina.

Humarap ako sakanya. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit natatameme ako kapag humaharap sakanya. Natatakot ako na makita niya at malaman niya ang mga weakness ko. Natatakot ako na baka gamitin niya yun laban sa akin. Inilapit ko ang mukha ko sakanya. "Ang gwapo ko nuh?" Ngumiti ako. Ngiting may pangiinis. Para di niya mahalatang naiilang ako. Naiilang akong lumapit sakanya. Binubulong ng utak ko na napahiya ako. At siya ang nakita, nakakaalam ng kahinaan ko.

"Hss.. ang lakas din naman ng loob mo magsabi niyan." At sakanya pa talaga nanggaling ang mga salitang yan? Sino naman ang gwapo sa paningin niya? Huh? Si Socrates? Psh! Kahit siya nalang yata ang natitirang lalaki dito sa mundo wala naman yatang babaeng mangangahas na magpa-rape sakanya. Si Nepumoceno lang.

"Bakit ka tingin ng tingin sa akin?" I love how her face turn red. Tumayo na ako ng huminto ang bus. Eto na ang aming estasyon. Kailangan na naming bumaba.

Natagalan si Nepumoceno sa pagsagot. Nakababa na kami at ilang hakbang nalang ay papasok na kami sa gate ng bahay.

"Nung umiiyak ka.." Natigilan ako sa sinabi niya. Bigla akong kinabahan at namula.

"Maamo ang mukha mo kanina. Parang isang batang inosente ang mga mata mo. Cute ka kapag umiiyak." Hindi na ako makapagsalita. Tanging tunog ng mga sapatos naming tumatapak sa lupa ang aking naririnig. I feel terribly odd.

Ano bang reaksyon ang nararapat kong ipakita sakanya? Bakit ba biglang bumaliktad ang mundo ko? Napatigil ako sandali at humarap sakanya.

"Forget about it." Nagsimula na akong maglakad. Hindi na ako humaharap sakanya. Ang alam ko lang ay natutuliro ang utak ko. Bakit ba kailangan niya pang sabihin yan?

"Please be good to me. Susundin naman kita eh. Wag mo na akong sungitan. Gusto ko ulit makita yung mabait na parte mo." Tinakpan ko ang magkabila kong tenga pero malinaw ko paring narinig ang bawat salitang kanyang sinabi.

"Stop it! Nepumoceno, tama na. Nandito tayo para gawin ang isang importanteng bagay hindi para pagusapan ang ugali ko." Inaamin ko. Inililihis ko ang aking sarili sa usapan. Ayokong mapagusapan at ayokong pagusapan. Hindi gusto ng tenga ko na marinig ang mga sinasabi niya tungkol sa akin.

"O-okay." Pinaupo ko siya sa couch habang tinitext si Bolt na wag lumabas ng kwarto dahil nandito si Nepumoceno. Thank God at wala na si Asha. Masyado siyang pampagulo sa bahay na ito. At ayoko namang intrigahin ako ni Nepumoceno kapag nakita niya si Bolt.

"You want something?" Umiling siya at lumipat sa sahig. Mas gusto niya talagang humilata sa sahig kaysa umupo sa kumpurtableng upuan.

"Good! Now let's start." Umupo ako sa harap niya at hinelera ang mga mukha ng characters sa table.

"Ano to? Ang daring naman!" Eh shunga pala to eh. Adult comics nga diba? Facing her with a wryly smile.

"DEFINE ADULT?" Nakacrossarms ako habang nakatingin ng masama sakanya. Wag mo akong subukan ngayon. Gustong-gusto ko na talagang sumabog at baka di mo kayanin ang pagkamaldito ko.

"Matanda?" Nagaalangan niyang sagot habang nilalaro ang lapis sakanyang kamay. Gaga talaga! Sabi ko define hindi itranslate sa tagalog.

"Bubu!! Kapag adult comics puros kalibugan kaya normal lang na seducing ang katawan ng babae at mabato ang katawan ng lalaki." The heck! Isa pa! Freaking hell. Sakanya lang talaga ako nainis ng ganito. Kung wala lang talaga akong kailangan sayo matagal na kitang ipinatapon sa ibang school.

Blinded (One and Only You)Onde histórias criam vida. Descubra agora