CHAPTER THIRTY-ONE

659 4 0
                                    

CHAPTER 31.

MALIWANAG NA SINAG NG ARAW ang gumising sa akin. Pasok ang araw sa bagong bintanang kinumpuni ko. Malayang nakakapasok ang init nito, ang liwanag na nakakapagpagising.

Ramdam ko na naman ang hita ni Nepumoceno. Nakapatong na naman sa aking balakang. Ang katawan namin ay nakabalot ng kumot. Pero mayroon din kaming damit. Mayroon akong shirt at shorts. Gayundin si Nepumoceno. Hindi kaya binihisan niya ako kagabi?

Nang iusog ko ang kanyang nakapatong na hita ay napalitan naman ito ng kanyang kamay. Mahigpit na nakakapit sa aking braso.

"Thun-thun?" Nagulat ako ng bigla siya nagsalita.

"Oh?" Hindi ko magawang tumayo kaya umikot nalang ako at humarap sakanya.

"Kagabi..." Kagabi? Ibabalik niya ba ang memorya ng nangyari kagabi?

"Kagabi, nangako ka sa akin na tuturuan mo ako. Pero nung pumasok ako sa kwarto ay tulog ka na." Eh? Tulog? Sabay pa nga kaming naligo at natulog ng nakahubo eh. Makakalimutin.

"Niloloko mo naman ako eh. Sabay pa nga tayo natulog kagabi." Kumunot ang kanyang noo. Para bang nalilito siya sa aking mga sinasabi.

"Hindi ah. Sabi mo pa nga kagabi, tapusin ko muna ang gawaing bahay. Pinagtooth brush mo pa nga ako." Ahh? Nakakalito naman. Eh kagabi sa pagkakaalam ko ay nangyari ang dapat mangyari.

"Tinuruan kita." Pagpipilit ko.

"Hindi. Tulog ka na nang pumasok ako ng kwarto. Umuungot ka pa nga eh." Hah? Ibig sabihin! Panaginip lang ang lahat? Lahat-lahat!

"Pucha!" Napatayo ako ng biglaan. Di ko lubos maisip na panaginip lang ang lahat. Bakit parang ako lang yata ang mukhang tanga? Ba't ganun? Akala ko pa naman nakaisa na ako. Lugi pa pala! The heck!

"Panaginip lang pala yun." Napahawak ako sa aking noo. Tinitignan ang tanawin sa labas mula sa bintana.

"Anong panaginip?" Tanong ni Nepumoceno. Napatakip naman ako ng bibig. Shit! Ayoko ngang magkwento sakanya. Mahirap na. Mamaya kung ano pa ang isipin ng babaeng ito.

"Ahh-wala.. nanaginip lang ako kagabi na-na hinahabol ni Socrates ng itak. Dahil sa akin ka raw nagpaturo." Humarap ako sakanya para tignan ang kanyang reaksyon. Napaupo naman siya at parang malungkot.

"Bakit?" Pagosyoso ko. Ngayon, napapansin ko kapag tinatanong ko ang tungkol kay Socrates, lumulungkot ang kanyang mukha. Di tulad dati na nakangiti pa siyang nagkukwento.

"Tapatin mo nga ako," Naupo ako sakanyang tabi. "May nararamdaman ka pa ba kay Socrates?" Hinawakan ko ang kanyang mukha at iniharap ito sa akin.

"Thun-thun?" Nagaalangan siyang magkwento sa akin. Para bang nahihiya siya o natatakot.

"Sige, makikinig ako." Inunan ko ang kanyang hita at hindi inalis ang aking paningin sakanyang mukha.

Huminga muna siya ng malalim at saka nagsalita. "Noon, High school pa lang ako, Kinikilig ako kapag nakikita ko si Socrates. Kung nasaan siya, nandoon din ako. Kaya tuwang-tuwa ako nang ligawan niya ako. Akala ko talaga magiging kumpleto na ang buhay ko. Akala ko natagpuan ko na ang lalaking para sa akin." Malungkot siya habang nagkukwento. Nakatingin lang sa bintana habang pinaglalaruan ang aking buhok.

"I told you. Admiration lang yun." Pakikiepal ko sa kanyang kwento.

"Sana nga nakinig nalang ako sayo dati pa. Hindi ko rin alam kung gusto niya ako eh. Madalas kasi, kapag kasama ko siya, si ate Asha ang napagkukwentuhan. Ang pakikitungo ko kay Asha. Ang pamilya niya." May gusto si Socrates kay Asha? Sa tingin ko ay ginamit lang ni Socrates si Nepumoceno para makilala pa ng lubos si Asha. Kawawang babae.

"Ang tanga-tanga mo talaga. Nepumoceno, kung wala ka na palang nararamdaman sakanya bakit ka pa nagpapaturong--" Napahinto ako. Hindi ko alam kung tama bang pagusapan ito ngayon. Akala ko talaga totoo yun.

"Akala ko babalik yung nararamdaman ko kapag ginawa namin yun." Kumunot ang aking noo. Umupo ako ng maayos at nagmadaling kinaltukan at matigas niyang ulo. Baka sakaling tumalino siya.

"Ang bubu-bubu mo!" Sigaw ko. Kinakamot naman niya ang parteng kinaltukan ko.

"Oo na! Bobo na tanga pa!" Humawak ako sa magkabila niyang balikat at niyugyog ang kanyang katawan.

"Magising ka nga hah! Lightning Nepumoceno, makinig ka sa akin minsan lang. Kung di mo siya gusto, hiwalayan mo. Huwag kang magpatali sakanya. Pareho lang kayong mahihirapan." Hinawakan niya ang aking kamay.

"Tama na! Nahihilo na ako." Sigaw niya. Yan ang mga nangyayari sa mga babaeng di marunong magintay. Akala kasi nila Love ang pupuno sa mga pagkukulang ng pamilya nila. Hindi nila iniisip na mas masasaktan sila. Love is to patience. Patience equals right one.

"Mas masaya ang buhay single. Tandaan mo yan. Nagagawa mo ang lahat ng bagay kapag single ka. No pain." Nagulat ako ng bigla siyang yumakap sa akin at bumulong. "Tulungan mo akong makipagbreak." Naitulak ko siya.

"A-y-o-k-o! Mamaya isipin pa niya na ako ang dahilan kung bakit kayo nagbreak. Ayokong nangingielam-" Natigilan ako ng biglaang nagalarm ang relo na nakapatong sa side table. Alas-otso na pala. At kinakailangan na naming kumilos para pumasok.

"Tara na. Kain na tayo." Hinatak ko siya patayo. Nakanguso naman si Nepumoceno.

"Dali na. Tulungan mo ako." Pakikiusap niya habang kinakaladkad ko siya papuntang dining area.

"Di ko boyfriend si Socrates. Syota mo yun. Kaya ikaw dapat ang magsabe." Inupo ko siya sa upuan at naglakad na ako papunta sa kitchen.

"Dish for today. Hmm... Ham and bacon." Nakangiti kong kinukuha ang mga ingredients habang ang kasama ko naman ay problemado.

"Bahala na nga." Ungot niya. Bahala ka din diyan Nepumoceno. Papasok-pasok ka sa isang relasyon tapos hindi mo naman kayang panindigan. Wala ka pa talagang alam sa buhay. Hindi mo muna kasi iniisip ang mga bagay bago mo pasukan. Life is unfair. Ikaw bilang tao, ikaw ang magbabalanse ng buhay mo. You dont have to break the rules. Just follow the instructions and guide yourself. I, once become a moron. Pero natuto na ako. Mahirap nang bumalik sa pagiging tanga.

After eating and taking a bath, nagmadali na kaming lumabas ng bahay. Nagtext sa akin si Bolt. Nagiintay na raw siya sa labas ng aming campus at may kasama daw siyang ikatutuwa ko.

Sa tingin ko, si Mama iyon. Siguro papauwiin na niya ako.

"Good morning Lightning." Bati ni Bolt kay Nepumoceno. Ngumiti naman ito kaya pareho kaming natawa ni Bolt. Ngiting pilit at naiilang.

"Oh, sino pala yung kasama mo?" Tanong ko habang iniikot-ikot ko ang aking paningin. Ngumiti naman si Bolt.

"Malapit na siya." Hinatak ako ni Bolt matapos niyang magsalita. Isang yakap ang natanggap ko. Nakakamiss talaga ang mga kwento ng kambal ko. Ang mga kalokohan namin maging ang asaran.

"Kambal namiss kita." Bulong niya.

"Pera muna bago yakap." Biro ko sakanya. Wala na kasi talaga akong pera eh. Kailangang-kailangan na ng bulsa ko.

"Wag kang magalala. May ibabalita ako sayo mamaya." Napangiti naman ako at mas lalo pang hinigpitan ang yakap kay Bolt.

"Oh andito na siya." Kumalas ako sa pagkakayakap at lumingon sa direksyon kung saan nakatitig si Bolt.

"Mama." Ngiti kong bigkas. Lumabas si Mama sa kotseng kakaparada lang. Gamit niya ang aking Audi. Ang pinakamamahal kong Audi.

Sabi na nga ba eh. Bati na kami ng nanay ko.

"May isa pa." Bulong ni Bolt. May isa pa ngang lumabas mula sa sasakyan. Babae, parang gatas ang kulay ng balat nito. May kahabaan ang diretso nitong buhok.

"Magic.." Si Magic ang kasama ni Mama. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito? Kinukutuban ako ng masama. Hindi na maganda ito. Mukhang may panibago akong problema.

-END OF CHAPTER THIRTY-ONE-

Blinded (One and Only You)Where stories live. Discover now