CHAPTER THIRTY-FOUR.

578 2 0
                                    

CHAPTER 34.

KINALADKAD ako ni Nepumoceno papunta sa garden ng aming campus. Bawat lakad ay katumbas ng matinding pagiyak. Hikbi at bigat ng pakiramdam ang tiyak na nararamdaman niya kaya nagawa ko siyang pigilan sa muling paglakad at niyakap ko ang nanlalambot na niyang katawan.

"Shhss..stop crying. Please stop crying." Naalala ko tuloy ang araw na tumatakbo din ako palayo sa bahay. Ang araw kung saan gusto kong kumawala sa nararamdaman kong sakit. Gusto ko lang tumakbo ng tumakbo noon. Parang sirang Dvd tape ang mga memorya sa aking isipan. Paulit-ulit kong nakikita mula sa aking utak ang kahayupan ni Magic. Ang kalokohan niya noon.

Ilang beses pa nga akong nadapa ng mga oras na iyon. Pero pilit akong tumatayo. Hindi ko pinapansin ang sugat na aking tinatamo. Ang iniintindi ko lang ay ang sakit ng aking damdamin. Si Nepumoceno ang nagpapaalala ng katangahan ko dati. Sakanya ko nakikita ang sarili ko.

Mga panahong wala pa akong kaalam-alam sa pag-ibig. Ang alam ko lang ay mahal ko siya, si Magic. Pero nang natuto ako'y nalaman ko na kapag nagmahal ka pala, dapat itatak mo rin sa utak mong balang-araw ay masasaktan ka din. Not all things are forever. Sweetness, love and trust will be erased soon when one of you realizes that your not happy and contented.

Commitment, a word that defines loyalty. Trustworthy. Yes, these are the factors of love. Kapag nagkulang lang ng kahit isa? Ang lahat ay madadamay at mawawala. I really learned my lessons well. Sana ganun din si Nepumoceno. May natutunan sana siya. May sumiksik sana sa utak niya kahit katiting manlang. Para sa susunod ay di na siya tanga.

"Magtigil ka nga. Iyak ka ng iyak eh! Panget ka na nga mas lalo ka pang pumangit." Pinandilatan ko na siya ng mata this time para tumigil na siya sa pagiyak. Basa na ang uniform ko. Tapos ginusot pa ng Ex niya. Tsk! Nga naman oh!! Pareho kayong mukhang tanga. Madrama masyado. Jusmiyo. Parang ikamamatay nila ang paghihiwalay. Ang paghihiwalay ay resulta ng di' magandang pagpaplano ng buhay. Masyadong atat sa pag-ibig. Para kasing mauubusan eh. Hindi nalang magintay na sila ang lapitan.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Bolt noon, 'Wag kang lalapit sa pag-ibig. Magmumukha kang tanga sa huli. Hayaan mong ang tadhana ang maglapit sa inyong dalawa. Nang sa ganun ay di ka umasa at wala ring masasaktan.'

"Halo-halo yung nararamdaman ko Thunder. Sakit, dahil minahal ko na siya eh. Kahit alam ko namang hindi niya ako mahal nang buong puso. Pero masaya din ako. Natapos na ang pagkakatali ko mula sakanya." Nginitian ko siya sabay batok. Kaya nawala ang ngiti sakanyang labi.

"Gaga ka kasi. Alam mo, kapag nagmahal ka wag mong ibibigay lahat. Binigay mo na nga yung kanan, pati kaliwa? Magtira ka naman ng kaunti para sa sarili mo. H'wag buong puso. Kalakalahati lang. Buti nalang di' mo inofer yang virginity mo." Tinulak niya ako ng mahina sabay yakap ulit sa akin. Nako! Kunwari pa siya oh. Tsansing lang talaga ang ginagawa nito eh.

"Salamat ah." Bulong niya habang nakayakap sa aking katawan. Sinandal niya ang kanyang ulo sa aking dibdib kaya ipinulupot ko ang aking kamay sakanyang katawan.

"Eh pano ba yan! Natulongan kita. Ako naman ang tulungan mo." Nagulat yata siya kaya napatingala at tinignan ang aking mukha ng seryoso.

"Ano namang tulong? Tandaan mo pwede pa rin akong humindi dahil AKO ang amo mo." Pinangalandakan talaga niya sa akin ang salitang 'ako!' Oo na! Alam kong ikaw ang amo ko. Hindi mo na kailangan pang isupalpal sa mukha ko.

"Natatandaan mo pa ba yung sinabi ko sa party kaninang umaga? Tungkol sa girlfriend-Lightning thingy?" Tumango naman siya agad.

"Ahh--Ikaw talaga ang tinutukoy kong Lightning." Nagbago ang ekspresyon ni gaga. Nagulat at parang bwisit na bwisit.

"Walangya ka! Sabi na nga ba eh." Pinaghahampas niya ang aking dibdib gamit ang mabigat niyang kamay. Halos matanggal na ang aking baga sa walang katapusang hampas. Ang bilis kasi niyang maniwala eh. Ang dali-daling lokohin.

Blinded (One and Only You)Where stories live. Discover now