CHAPTER THIRTY-EIGHT

563 6 0
                                    

CHAPTER 38.

TUMUNGO KAMI SA SALA. Muli na namang nahagip ng aking mata ang mukha ni Magic. Napapansin ko ang kanyang pilit na ngiti. Ngiting tinatago ang kanyang totoong nararamdaman.

Dapat lang yan sakanya. Maramdaman niya ang lahat ng sakit na naranasan ko sakanya noon. Tama lang na siya naman ang pahirapan ko.

"Hija, dito ka nga maupo sa tabi ko. Magusap tayong dalawa." Pagtawag ni Mama kay Nepumoceno. Naistress yata si Mama sa maling impormasyon na kanyang narinig. Kasi naman eh. Kanina ko pa sinasabi ang katotohanan ayaw niyang maniwala.

"Tita, hindi po talaga ako buntis. Mali lang po kayo ng rinig." Nakangiting sabi ni Nepumoceno.

Natatawa naman si Bolt habang naupo sa tabi ko. Sa aking harap nakaupo si Mama at sa harap naman ni Bolt si Lightning. Ginamit namin ang parisukat na mesa kaya ang nasa dulo ay si Magic.

"Hija, patuloy mo pa rin bang idedeny?" Napahinto sa pagsubo ng pagkain si Nepumoceno at napalingon kay Mama.

"Tita, wala po talaga." Natawa naman si Mama at napahawak sa balikat ni Nepumoceno.

"Hindi ba't ang sabi ko sayo, Mama na din ang itawag mo sa akin." May sinabi ba si Mama?  Parang wala naman.

"Tita-ah--Mama.." Napahinto si Nepumoceno ng nagsalita si Mama.

"Kamusta na pala ang panganay ninyo?" Panganay?

"Ma-" Sinipa ako ng biglaan ni Bolt at ngnitian. Ah alam ko na ang ibig sabihin ni Mama. Ang panganay na tinutukoy niya ay ang aampunin namin.

"Ma.. ayos naman po. Nasa magulang siya ni Light sa ngayon para daw makapagfocus muna kami sa pagaaral." Nginitian ko si Nepumoceno habang nagsasalita at pilit na pinapaintindi sakanya ang nais kong sabihin.

Tumugon naman siya sa aking ngiti at ngumiti rin. Mukhang nakuha ng gaga ang aming pinaguusapan. Mukhang naiwan niya ang kanyang katangahan sa bahay.

"May anak ka na pala Thunder." Nabigla ako ng magsalita si Magic. Napalingon kaming lahat sakanya na may hindi maipaliwanag na reaksyon.

"Ah.. Oo Magic." Kung may choice lang ako.. hinding-hindi ko siya kakausapin. Pero bahagi ito ng pagpapanggap. Ang kakarampot kong sagot sakanya ay mukhang bitin. Nakatitig lang siya sa akin at nagaantay pa ng aking sasabihin.

"Ilang taon na?" Napalingon ako kay Mama at kay Nepumoceno. Nagaalangan akong sumagot dahil hindi ko talaga alam kung anong isasagot ko.

Habang nagdadalawang isip ako'y kapansin-pansin ang pagkunot ng noo ni Nepumoceno habang nagbabasa ng texts.

"Thunder, kailangan na nating umuwi. Si Dad--" Natigilan ako nang biglang nagsalita si Nepumoceno. Bigla siyang naging aligaga kaya naman lumungkot ang mukha ni Mama. Si Magic naman ay nawala ang ngiti sa labi.

"Hija, uuwi na kayo kaagad?" Napatayo si Mama at parang gusto kaming pigilan sa pagalis. Si Bolt at Magic naman ay nagkatinginan.

"Thunder, hatid ko na kayo." Bumusangot ang mukha ng aking kakambal ng ngitian siya ni Magic. She hates Magic. Nararamdaman ko iyon.

"Im sorry talaga Tit-Mama. Si Dad po kasi nasa bahay." Pilit na ngumiti nalang si Mama at nakipagbeso kay Nepumoceno. Matapos ang beso ay yumakap pa si Mama, inayos na nga niya ang magulong buhok ni Lightning. She likes Lightning, nararamdaman ko iyon. Dahil hindi naman niya ginawa ito kay Magic noon. Maging sa ngayon nga ay hindi. Naguusap lang sila sandali ni Magic. Kapag nagkasawaan ay magpapaalam na sa isat-isa. Hindi tulad ni Nepumoceno na napapangiti si Mama sa mga kwentong kagagahan.

"Ingat hija." Tumango naman si Nepumoceno.

"Thunder," Napalingon ako kay Mama sa biglaan niyang paghatak sa akin at biglang binulungan.

Blinded (One and Only You)Where stories live. Discover now