CHAPTER FOUR.

1.3K 22 0
                                    

CHAPTER 4.

NASA LABAS NA AKO NG AMING GATE. Nakatayo at parang nanlalata na ang aking katawan. Naglakad ako papunta sa likod bahay. Kung saan naroon ang pool. Ang gate sa likod bahay ay di-susi at ang susing iyon ay na kay Mama. Nakapagpagawa naman ako ng duplicate. Tig-isa kami ni Bolt. Pumasok ako sa loob at sinarado ang gate. Wala si Mama. Wala akong dapat alalahanin. Walang magagalit dahil sa paguwi ko ng alanganin sa oras.

Naupo ako sa isang bench malapit sa pool. Hinugot ko ang aking phone at binasa ang ilang mga texts. Ang isa ay text ni Bolt. "Don't drink too much." Pinapaalalahan ako lagi ni kambal. Lalo na ng mga bagay na ikapapahamak ko. Mabait naman siyang kapatid. Yun nga lang may pagkabaliw. Dinial ko ang number ni Bolt at tinawagan. Natagalan bago niya ito sagutin. Mukang nageenjoy talaga siya.

"Thun?" Paos pa rin ang kanyang boses.

"Bolt, nasa bahay na ako. Kakauwi ko lang. Anong oras ka uuwi?" Hawak ko ang aking noong nananakit habang kausap ko si Bolt sa cellular.

"Nasa front gate na ako." Binaba ko agad ang phone at naglakad papuntang front gate.

Pagewang-gewang akong maglakad. Ngayon ata tumalab ang mga alak na aking nainom. Nahihilo na naman ako at sobrang init ng aking pakiramdam. Parang akong pinapaso ng apoy. Kaya hinubad ko ang aking polo shirt at sinabit ito sa aking kanang balikat.

Binuksan ko ang gate. Banggag na Bolt ang sumalubong sa akin. Pumasok siya sa loob at sinarado ang gate. Init na init siya at nanlalata ang katawan.

"What happen?" Sinampay niya ang kanyang kanang braso sa aking leeg at nagtwo thumbs up.

"Haha! Gaya ng ineexpect ko." Pasan ko ang bigat ng kanyang katawan. Nakasabit siya sa akin habang paakyat kami sa aming kwarto. Nanlalambot at parang tamad na tamad kaming naglalakad. Binuksan niya ang pinto at patuloy kaming naglakad papasok. Sa pagpasok ay tinanggal niya ang kanyang kamay na nakasabit sa aking leeg at pahagis na hiniga ang kanyang katawan. Sa kanyang paghiga napansin kong bukas ang zipper ng kanyang pants.

"Simula ba kanina bukas ang zipper mo?" Natatawa kong tanong sakanya.

"Really?" Kinapa niya agad ito.

"Ow crap! I forgot to wear my undies." Napatayo siya at alalang-alala. Napaupo naman ako sa sahig sa sobrang tawa. Sabi ko na nga ba! Laging wala sa katinuan ang lalaking to.

"Naiwan mo?" Natatawa kong tanong sakanya.

"Naiwan ko sa apartment nang babae. Tsk! Tsk!" Haha! "Dahil siguro sa kalasingan naisuot ko agad ang aking pants ng wala manlang underwear." Dagdag pa ni Bolt. Parang nahiya siya sakanyang nagawa. Kinakamot ang kanyang ulo at malalalim ang kanyang pagbuntong hininga. Natatawa ako habang pinapanood siya. Mabuti nalang hindi nagHi si Mayor sa kanyang bukas na zipper. Kung mangyari. Mas lalong nakakahiya!

Tumayo na rin ako at nahiga. Napansin ko ang sticky note na nakadikit sa wall na malapit sa aking hinihigaan.

"Sleep well. - love, Mama." Hnm.. sa lahat ng mga sticky notes na dinikit niya. Ito ang pinakagusto ko. Tumayo na ako at dumiretso sa shower. Magpapalabas lang ako ng init ng aking katawan. Parang nagliliyab kasi ang aking pakiramdam. Malamig ang tubig. Nakakaginhawa ng pakiramdam. Habang nararamdaman kong dumadaloy ang tubig sa aking katawan. Naalala ko tuloy ang mga babaeng nakahawak na sa akin. Marami-rami na rin pala. Siguro tama na muna. Pahinga muna sa mga kababaihan. Gusto ko naman ng simpleng buhay. Yung bago. Buhay na walang nakakakilala sa akin kung sino at ano na ang aking mga nagawa. Napasok sa isipan ko ang babaeng nakatapak ng aking paa. Simple lang siya at mahahalatang walang alam sa mundong kanyang pinasukan. Sayang siya kung magagalaw lang ng mga lalaking naghahanap ng aliw. Maganda naman siya. Kulang lang sa ayos. May panama naman siya, kulang lang sa kakikayan.

Blinded (One and Only You)Where stories live. Discover now