CHAPTER ELEVEN.

835 12 1
                                    

CHAPTER 11.

SINABAYAN KAMI NI BOLT SA PAGKAIN. Isang pahabang mesa na kaming tatlo lamang ang kumakain. Si Asha na nasa aking kanan at si Bolt na nasa harapan ko at panay ang titig kay Asha. Sa bawat subo ng pagkain ay napapansin ko ang kanyang mga ngiti. Malamang, iniisip niya kung ano ang mga ginawa namin kani-kanina lang. Ang mga ngiting yan? Ngiting nakita ko na dati. At hinding-hindi ko makakalimutan yan dahil sa mga ngiting yan nagsimula ang aming away noon.

Habang kumakain ay ramdam ko ang kalikutan ng paa nilang dalawa. Paniguradong gumagawa na ng hakbang ang utak ni Bolt kung papaano mapapasakanya ang babaeng nasa tabi ko.

"Akala ko ba ayaw mo ng second hand?" Tinapakan ko ang paa nilang dalawa na magkapatong. Kinikiliti ni Bolt gamit ang kanyang daliri sa paa ang makinis na talampakan ni Asha.Naiinis ako dahil sa ginagawa nila 'y patuloy ang pagyanig ng mesang aming pinagkakainan. Akala mo'y mayroong lindol sa loob ng dining area. Panay ang yabog ng mesa. Hagikgikan ng hagikgikan ang dalawa. Anong akala nila? Silang dalawa lang ang tao dito sa loob ng bahay? At sa harapan ko pa talaga!

"Depende. Kung mukha pa rin naman itong brand new. Bakit hindi?" Tinamaan siya ng matindi sa tanong kong iyun. Ang lalaking ito talaga. Matinik! Gagawin ang lahat makuha lang ang inaasam. Humawak ako sa legs ni Asha para mapigilan ang paglalaro nilang dalawa. Tinapik ko ito para ipaalalang kumakain kami at di kami naglalaro. Malanding nilalang. Bigla tuloy akong natauhan ng biglang may mga memoryang nagbalik sa aking isipan.

Naalala ko dati. Dalawang taon na ang nakalilipas. Yun ang mga panahong buhay pa si Dad. Nasa abroad siya noon kasama ni Mama. Kaming dalawa lang ni Bolt ang naiwan sa bahay. Mayroon pa kami noong mga kasambahay at dalawang driver na wala namang ginawa kundi ang manood ng DVD at magsiesta. Nasanay na ako sa ganung set up , bata pa lang ako iniiwan na kaming dalawa ni Bolt.Si Bolt naman ay may pagkaabno pa noong mga panahong iyon. May pagkaselfish at greedy pa siya. Hindi pa ganito ang ugali ko noon. Tahimik lang ako at mahilig makiramdam sa paligid. Hindi masungit pero tipid magsalita.

Dahil sa isang bagay nagkaroon ng pagbabago sa amin dalawa ni Bolt. Ito ang naging dahilan ng pagiging close namin ni Bolt. Hindi ko naman pupwedeng sabihing kasalanan. Di din naman isang pagkakamali. Siguro nga, nagkataon lamang. At dahil sa pagkakataong yun. Natuto ako.

May isang babae akong gustong-gusto noon. Si Magic. Anak ng business partner ni Dad. Fiance ko si Magic, pero walang label ang aming relasyon. Ang sabi niya sa akin ay gusto niya ako. Pero ayaw niya muna ng commitment. Nangako naman akong magiintay nang tamang oras. Ang sabi niya'y tutupad siya huwag lang ngayon.

Kababata namin si Magic. Alam niya ang pinagkaiba namin ni Bolt. Mas kilala niya pa nga ako kay Bolt. She loves to pay me a visit. Kada dadalaw siya ay di maaalis ang ngiti sakanyang labi. Kulang ang salitang maganda para idescribe siya. Pinakamaganda, matalino, pero ang kulang sakanya ay ang confidence. May mga bagay siyang natatakot gawin. Mahiyain, pero madalas makagawa ng pagkakamali.

Araw ng martes noon, summer, galing ako sa chain store dahil nga birthday ni Bolt. Naisip ko siyang bilihan ng sweets. Pero isang basang sisiw na Magic ang tumambad sa akin pagkapasok ko ng bahay.

"Bakit ka basang-basa?" Namumutla siya habang nakatingin sa akin. Tumutulo ang kanyang buhok at basa ang suot niyang pantaas.

"Shower." Tipid niyang sagot at naglakad ng nakatungo palayo sa akin. Nakakapagtaka. Ngayon lang yata siya nagshower dito? Sobrang init ba at nakiligo siya?

Napailing ako. Paakyat na sana ako sa itaas patunggong kwarto nang napansin kong lumabas si Bolt ng shower room nang may hawak na twalya at half naked. Nakaboard shorts at pinupunasan niya ang kanyang tumutulong buhok. Mas lalo akong nagtaka. Hindi ba't doon din galing si Magic? Bakit doon nagshower si Bolt? Mayroon naman sa kwarto. Bakit... ?

Blinded (One and Only You)Where stories live. Discover now