CHAPTER THIRTY-SIX.

568 3 0
                                    

CHAPTER 36.

PARANG TANGA TALAGA tong si Nepumoceno. Kanina pa upo-tayo. Ikot ng ikot. Nakakahilo na. Kanina pa siya eh. Halos lahat ng sofa dito sa sala ay naikutan na niya.

"HOY! MAUPO KA NGA!" Nagulat naman siya sa aking pagsigaw. Napalingon siya sa aking direksyon.

"Kinakabahan ako Thunder. Parang sasabog na ang buong pagkatao ko." Hindi ko maintindihan kung bakit siya kinakabahan. Si Mama lang naman ang kakausapin namin eh. Kasama pa nga si Mama sa pagpapanggap. Kaya wala siyang dapat ipagalala.

"Maupo ka nga. Kakaladkadin kita papunta dito at itatali. Para kang tanga. Si Mama lang naman ang makakausap natin. Tyaka alam niya ang lahat." Natauhan siya sa aking sinabi at nagisip sandali. Napatingin siya sa ceiling.

"Alam niya?" Kinumpirma pa niya sa akin.

"Oo. Alam niya ang totoo." Tsk! Ang akala niya siguro, magpapanggap kami sa harap ni Mama. Boba nga talaga! Sana lang ay makatulong siya sa akin at di paganahin ang katangahan niya.

"Oh? Buti naman." Parang nakahinga siya ng maluwag at nagawa nang umupo sa aking tabi.

"Oh, pasensya na kung natagalan ako." Biglang pumasok si Mama kaya nagulat ang aking katabi. Napatayo siya at nginitian si Mama. Hinatak ko naman siya agad paupo. Hindi naman niya kailangang gawin yun. Hindi naman niya kailangang magpa-impress eh.

"Para kang tanga. Umayos ka nga." Bulong ko sakanyang kaliwang tenga.

"Kinakabahan pa rin kasi ako." Bakit? Jusko naman tong babaitang ito.

"Thunder, tumawag ka kanina. Tama ba ang narinig ko sa telepono?" Pagtatanong ni Mama habang paupo sa sofang nasa aming harapan. Nakikita ko sakanyang mukha ang pagaalangan.

"Yes Ma. Si Nepu-Lightning ang naisip kong magpanggap. Tutal naman nai-announce ko na ito nung birthday ko." Kitang-kita kong lumunok si Nepumoceno. Kinakabahan pa rin ba siya?

"Hija, tapatin mo nga ako." Nanlaki ang mata ni Nepumoceno nang kausapin siya ni Mama. Parang gulat na gulat pa din siya sa mga nangyayari sa paligid.

"Desidido ka ba talagang magpanggap?" Tumango naman agad ang aking katabi at ngumiti.

"Oh baka naman buntis ka na talaga kaya pumayag ka na ring magpanggap." Nagulat ako sa tanong ni Mama. Grabe naman yang tanong ni Mama. Ano ba sa tingin niya? May nangyari na sa amin?

"Hindi po. Pero isang buwan na akong hindi dinadatnan." Mas lalo akong nagulat sa sagot ni Nepumoceno. Sumama tuloy ang tingin sa akin ni Mama.

Nahawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Nepumoceno. Ang gaga-gaga niya. Bakit kailangan niyang ibroadcast na delayed siya. Anong paki ni Mama doon?

"Thunder, may nangyari na ba sa inyo?" Jusmiyo! Que horror putragis santisima! Sabi na nga ba at iyon ang iisipin ni Mama.

"Ma, wala po...pong nangyari sa amin." Napalunok tuloy ako sa pamatay na tingin ni Mama. Tinataga ako ng mga mata niya.

"Talaga?" Muling tanong ni Mama. Tumango naman ako agad.

"Mabuti na yung malinaw ang lahat. Mamaya, totoo na palang may anak kayo." Mga naiisip nitong nanay ko eh nuh. Jusko! Kaya nga siya ang kinuha ko, dahil alam kong hinding-hindi namin magugustuhan ang isat-isa.

"Ma, kaya nga diba kailangan namin ng baby na gaganap bilang anak namin." Sumimangot naman si Mama at tumayo.

"Oh, bueno. Disisyon niyo yan eh. May magagawa pa ba ako? Malalaki na kayo at may sariling desisyon. Pero, Thunder, papayag akong magampon, kung IKAW ang magaalaga." WHAT!?

Blinded (One and Only You)Where stories live. Discover now