CHAPTER NINE.

779 9 2
                                    

CHAPTER 9.

NAGULANTANG AKO SA BABAENG NASA HARAPAN KO. Nabigla ako nang may pumasok na babae sa comfort room ng lalaki. Naudlot tuloy at nazip ko agad ang pants ko. Maging siya ay nagulat at napatakip ng mata. Nabato sakanyang kinatatayuan. Mabuti nalang at ako lang ang tao dito kung hindi mapapahiya talaga siya.

"Ano miss? Tatayo ka nalang diyan forever." Parang ako pa yung nahiya sa ginawa niya. Nang tinanggal niya ang kamay sakanyang mata. Napansin kong namutla siya. Ahh!! Sabi na nga ba. Siya si Bus girl. Yung babaeng lagi kong nakakasabay sa bus. Maging sa comfort room ba kailangan sabay kami? PUPWEDE BA!!!

"S-sorry talaga. Di ko napansin. Akala ko girls room." Psshh... Akala. Laging maling akala. Kaya napapahamak lagi eh. Kasi di naninigurado.

"Miss, san ka naman nakakita ng girls room na may nakatayong umiihi, aber?" At aba hah. Nagawa niya pang makipagdaldalan sa akin dito sa loob. Pwes, kung stalker siya at gusto niya ko.. Di ko siya type.

Hinatak ko siya palabas ng Comfort Room at sinarhan ko siya ng pinto. Mahirap na. Baka pumasok ulit. Humarap ako sa salamin at laking gulat ko nang nasa likod ko ulit siya.

"ANO?" Nasigawan ko na siya this time. Nakatunganga kasi siya at pinagmamasdan ang mukha ko sa salamin. Paano nakapasok to?

"Nakalimutan ko kasi yung bag ko." Inisnob ko lang siya at lumabas na ng toilet room. Nang nakaramdam ako ng may sumusunod sa akin napahinto ako kaya nauntog siya sa likod ko. Unti-unti akong humarap sakanya ng may pagkabwisit na mukha.

"What do you want?" Sabi na eh. Si bus girl na naman. Ano bang kailangan nitong gagang stalker na to? Kapag tumalon siguro ako sa building susunod to. Dapat finlash ko na siya sa toilet eh.

"Pauwi ka na?" Hindi ako sumagot. Nagcrossed arms lang ako at tinitigan siya ng masama. Buti nalang pinauwi ko na si Nepomuceno. Kung hindi, pareho nilang ginugulo ang landas ko ngayon. Badtrip na badtrip na nga ako kay Nepomuceno kanina sumunod naman ang impaktang to. Kung ano-ano kasing kundisyones ang hinihiling nung babaeng yun. Ang sarap nila pagbuhulin ni Socrates. Langaw at tae nagsama. Bagay talaga!

"Bakit? Pagsinabi ko bang uuwi na ko tatumbling ka?" Yang mga titig na yan. Alam ko yan. Hindi man siya nagsasalita nararamdaman ko naman ang mga sinasabi ng utak niya. OO Na!! Sinalo ko na lahat ng kawalangyaan at kasungitan.

"Sabay tayo." Yumuko siya at nahihiyang humarap sa akin. Paawa? Luma na yan eh. Ilan na ba nakagawa niyan sakin? Wala namang pumasa. Mga babae talaga. Hindi ba niya naiisip na mali ang ginagawa niya? Dapat lalaki ang unang gumagawa ng move. Hindi dapat babae ang nanliligaw. Kahit na patay na patay ka pa sa lalaking yun dapat wala ka pa ring gagawin. Huwag kang papansin. Hindi ba sila nahihiya sa ginagawa nila? Hindi purket mahal mo ang isang tao, papakamatay ka na para sakanya.

"Eh pagsinabi kong ayoko? Kakain ka nang bubog?" Tinalikuran ko siya at nagpatuloy lang sa paglalakad. Nararamdaman ko na namang sumusunod siya. Pero binayaan ko lang siya. Mamatay siya sa kakasunod. Ano bang trip niya? Hindi ba't sinabi ko na sakanyang katawan lang ang habol ko sa babae. Tyaka di ko siya type noh.

Teka! Hindi kaya ibibigay na niya ang birtud niya sa akin?

Napahinto ako sa paglalakad at humarap sakanya. Parang nagulat naman siya sa paghinto ko kaya napaatras siya. lumingon-lingon muna ako. Nasa bus stop kasi kami. Mamaya may dumating na bus maiwanan ako eh. Nakakapagod kayang umupo at magintay.

"Anong kailangan mo sa akin? Hindi ba't sinabihan na kita?" Pagkatapos kong magsalita, eentra na sana siya ng naunahan ko.

"May gusto ka sakin no?" Tumingin siya ng diretso sa akin at nagnod. Sabi na. Hinding-hindi nagkakamali ang mga pakiramdam ko. Nararamdaman ko na to eh. Una palang alam ko na..

Blinded (One and Only You)Where stories live. Discover now