CHAPTER EIGHTEEN.

736 9 2
                                    

CHAPTER 18.

ANONG GINAGAWA NI NEPUMOCENO DITO? Wearing her smart outfit. She looks so nice today. Nakataas ang isang kilay na parang takang-takang nakatingin sa akin. Ito palang yata ang unang beses na nagmukha siyang tao. Simple lamang ang damit niya pero nagmukha siyang presentable. Walang make up o kung anu mang kaekekan sa katawan. I like the way she dress today. She looks so lovely.

"Anong meron? Bakit ka bumisita?" Nakatingin siya sa bathrobe na aking suot. Mula ulo patungo sa aking paa ang kanyang tingin. Winasiwas ang kanyang kamay sa bandang leeg na parang init na init. Tagaktak ang pawis pero hindi maitatangging blooming siya. Mukhang may magandang nangyari sakanya ngayong araw.

"Sabi mo kahapon, tatapusin natin ngayon ang chapter 1 at 2." Shit! Oo nga pala. Naisuklay ko sa aking buhok ang kamay kong namamawis dahil sa kaba. Kabang hindi ko maintindihan kung para saan at bakit. Si Nepumoceno lang naman ang nasa harapan ko.

Oo maganda siya. Ano naman ngayon? Hirit ng medulla oblangata ko. Maybe because you like her? Hirit naman ng puso kong kinakabahan at di alam ang gagawin.

Shut the fuck up!Kilala ko ang sarili ko. Maganda siya. Oo. Siguro. Pero hanggang doon lang yun. I dont like her. Yung mapupula niya lang na labi.

"P-pasok ka." Breathe out. Holy hell! Dapat may isa sakanila na kailangan nang umalis ngayon. Nepumoceno? No. Not her. May importante kaming gagawin. Not pleasure but business. How about Asha? Hindi pa kami tapos!

Bakit hindi mo pauwiin si Asha. At tapusin ang naputol na gawain niyo ni Nepumoceno. Not business but pleasure. I shook my head. Damn! My subconcious mind, trying to hit me again. Ayokong gawin yun kay Nepumoceno. Hindi ko kaya.

H-hindi sa hindi ko kaya. Hindi ko lang talaga siya gusto.

"Hintayin mo nalang ako diyan." Tinuro ko ang hagdan papuntang living room.

"San?" Psh! Maganda nga siya ngayon pero hindi maitatangging tanga pa rin siya.

Hinugot ko ang kanan niyang kamay at hinala papasok ng living room. Nararamdaman ko ang malalambot niyang kamay- Ahh! I shouldnt be holder her hand.

"Pumasok ka na nga." Naitulak ko siya papasok ng living room. Sumunod naman ako sakanya at pinaupo ko siya sa bench. All the furnitures in this room were made up of narra. Even the edges of the window. The frames of the paintings and the stand of the television set.

"Sit! Magbibihis lang ako." Tumango siya pero hindi nagawang umupo. Pinagmasdan niya ang isang painting na gawa ng isang local artist. Ngumiti siya at hinawakan ang salamin ng painting. As if she can feel the roughness of the painting. Napapansin kong nahuhulog na ang loob niya sa painting. Nagniningning ang kanyang mata.

She's beautiful. My subconcious!

Yes! The painting. Pinagpipilitan ko sa sarili kong YUNG PAINTING ANG MAGANDA!

No! Nepumoceno. My heart starts to beat. Damn! I dont love her. Just liking her.

"Huh? You like her? Sino?" Napatingin si Nepumoceno sa akin. Nasabi ko ba yun ng malakas?

"Yung painting." I smirked. Makaalis na nga muna. Mamaya kung ano na naman masabi ko.

Promise! Wala akong nararamdaman kay Nepumoceno bukod sa lust. Yeah, yeah!

Nagmadali akong tumungo sa kwarto. Nang pumasok ako'y naabutan kong nakapulupot sa hubad na katawan ni Asha ang aking kumot. Nakatungo at parang malalim ang iniisip.

Para siyang anghel na maraming problemang pinagdadaanan. Ang kulang nalang ay ang dalawang pakpak at handa na ulit siyang lumipad sa langit.

Nang naupo ako sa tabi niya'y kumorte ng ngiti ang kanyang mapupulang labi. Dahan-dahang lumapat ang kanyang kamay sa aking braso at hinagupit ang labi ko ng isang matamis na halik. Nakapikit siya habang ginagawa ito. Hindi ko naman magawang ipikit ang aking mata dahil sa gulat. Dapat na siyang umalis. Pero naunahan niya ako kaya di ko na nagawa pang sabihin. Natigilan ang aking katawan sa ginawa niyang pagpatong sa aking magkabilang hita na hindi manlang naaalis ang lapat ng labi niya sa akin.

Blinded (One and Only You)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن