CHAPTER FORTY-TWO.

615 3 0
                                    

CHAPTER 42.

AKALA KO TAPOS NA. Akala ko, huling iyak na ni Nepumoceno. Kanina, habang hinahagkan ko si Nepumoceno, nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Pagkalungkot, awa, sakit at pighati. Tinulungan ko siyang umiyak ng umiyak dahil akala ko tapos na. Wala na siyang luha pang ibabagsak. Yun pala ay mas marami pa. Maraming-marami pa.

Hindi ko rin kasi inaasahang magiging malungkot ang araw na ito. Hindi ko naman akalain na may mawawala palang tao na kakilala ko.

"Si-si- ... si, ano- si Socrates." Naabutan namin ang classroom na nagkakagulo dahil sa isang balita. Balita patungkol kay Socrates. Isang hingal na hingal na lalaki ang dumating bago pa man kami makaupo sa aming silya. Parang siyang hinabol ng sampung leon. Dahil mapapansing naliligo na siya sa pawis at ang kanyang ekspresyon ay takot na takot.

"Anong nangyari?" Nang magtanong ang iba pa naming kamag-aral ay napahawak na sa aking kamay si Nepumoceno ng mahigpit. Nangangatog siya at para bang natatakot sakanyang maririnig.

"Socrates.." Huminga muna ang lalaki at naupo sa bakanteng upuan sa may harap saka nagpatuloy sa pagkukwento. "Nakatulala kasi siya kanina habang naglalakad. Parang may problema. Malalim yung iniisip. Naka-... Nakakunot pa nga ang kanyang noo." Napalunok ang nagkukwento habang nagpupunas ng pawis. May tumutulong tubig pa nga galing sakanyang buhok.

"Tapos?" Pangungulit ng kanyang katabi. Habang si Nepumoceno naman ay titig na titig sa nagkukwento. Nakikinig sa bawat salitang sinasabi nito.

"Kinamusta ko pa nga. Hindi naman siya sumagot kaya minabuti ko nang mauna. Mga ilang hakbang palang ako palayo sakanya nang bigla siyang tumawid. Nakatulala siya habang tumatawid kaya hindi niya narinig ang saway kong 'Bawal tumawid Socrates!'" Napatulala na rin ako at pinakinggan maigi ang sinasabi ng lalaki sa unahan.

"Malapit na dito sa school ang daan na yun. Kaso nung tumawid siya ay nakasalubong niya ang mahabang patok na dyip." Nagsilapitan pa lalo ang mga katabi ng lalaki at mukhang sa ekspresyon palang ng kanilang mukha ay alam na nila ang katapusan ng kwento.

"Nakaiwas siya sa patok na dyip dahil nagising ang utak niya sa malakas na busina nito. Ang kaso ay napatakbo siya paabante kaya nahagip siya ng dyip na pabalik ang daan. Nakaladkad siya ng dyip na ito. Nahatak ang katawan niya at sumabit sa gulong ang kanyang damit. Habang nagpipigil ang dyip sa pagpapatakbo ay nakakaladkad na ang kanyang kalamnan. Kitang-kita ng mga mata ko kung paano siya pinatay ng driver. Kitang-kita ko kung paano tumagas ang dugo sa daan at mahati ang kanyang katawan na parang isang clay." Humigpit pa lalo ang hawak sa akin ni Nepumoceno. Nakatulala siya habang may tumutulong luha sa kanyang pisngi. Kinilabutan naman ako. Biglaan akong nakaramdam ng lamig at isa-isa nang tumayo ang balahibo ko dahil sa takot at pagkagulat.

"Shit!" Sigaw ng mga estudyanteng nakarinig sakanyang kwento. Halos isumpa na nila ang dyip na kumaladkad kay Sorates.

Napayakap naman si Nepumoceno at nagngangawa sa aking braso. Walang katapusan na kanyang iyak dahil siguro sa gulat at sakit na kanyang nararamdaman.

"Thun, bakit ganun?" Bulong niya habang siya ay umiiyak. Ang mga kamag-aral naman namin ay nagtakbuhan palabas ng classroom para siguro tignan ang kaganapan sa labas ng eskwelahan.

"Damn it!" Bulong ko naman habang kinikilabutan. Kami nalang ni Nepumoceno ang natira sa loob ng classroom. Ang iba ay nagsilayasan na at nakiusyoso sa mga pangyayari sa labas.

"Sige lang. Iiyak mo." Bilin ko kay Nepumoceno habang nanggigigil itong nakayakap sa akin.

Nepumoceno. I know its hard. Harder than I thought. Pero kailangan mong magpalakas. Hindi maisasalba ng luha ang buhay ni Socrates.

Ang araw na iyon ay naging malungkot para sa buong paaralan. Halos lahat ng nakakakilala kay Socrates na isang artists, pambato sa pagwapuhan at presidente ng Architectural Club ay nakabusangot. Lalo na si Nepumoceno. Nang malaman namin "Dead on arrival" ang lalaki.

"Kasalanan ko ito, Thun." Nakatingin lang ako sakanyang habang umiiyak na naman. Hindi niya pinapansin ang pagkain na nasa kanyang harapan. Mas gusto niya pang magmukmok at umiyak. Hindi ba siya natutuyuan ng luha sa mata?

"Kung pinansin ko lang sana siya kaninang umaga." Bulong niya habang tulala at umiiyak.

"Please, stop crying." Hinawakan ko ang kanyang kamay. Pero hindi niya ako pinansin. Tulala lang siya at parang walang pakielam sa lahat ng taong nakapaligid sakanya. Iisang tao lang naiisip niya. Si Socrates.

"Lightning.." May babaeng lumapit sa mesang aming pinagkakainan at may ipinatong na notebook.

"Pinabibigay yan ng Mama ni Socrates sayo. Nakalagay daw kasi diyan ang pangalan mo." Napalingon si Lightning at kinuha agad ang notebook.

"S-sige. Mauna na ako." Tumango lang ako at nagpasalamat sa babae. Nang tumingin naman ako kay Nepumoceno'y yakap-yakap na niya ang notebook.

"Lightning..." Lumipat ako malapit sakanya at hinagod ang likod niya. Pulang-pula na ang kanyang mata. Sa palagay ko'y wala na itong luha na mailalabas.

"Socrates.." Pinatong niya ang notebook sa mesa at para itong kinakausap.

Binuksan niya ang notebook at tumambad sa amin ang pangalan ni Nepumoceno.

"For Lightning V. Nepumoceno..."

Hindi na niya tinignan pa ng matagal ang unang pahina. Inilipat na niya ito sa pangalawang pahinang may mahabang sulat kamay.

    Light,

    Im sorry. Im very very sorry. I dont expect this hard day to come. Ngayon, araw ng huwebes. Ang gabi kung kailan mo ako pinakawalan. Masakit pala. Mahapdi. Kasi minahal na rin naman kita. Ikaw na laging tumutulong sa akin. Ikaw na isang dakilang girlfriend. Yes, Light. You are.

Baka kapag nabasa mo ito, panahon na kung saan hindi na tayo pupwede. Hindi na tayo pupwedeng magkita at magkasama.

Lightning, sana mapatawad mo pa ako. Sana... Mabura lahat ng sakit na nararamdaman mo. Alam kong lagpas daliri na ang atraso ko. At madadagdagan pa yata iyon sa paglipas ng mga araw...

Magpakatatag ka hah. Lakasan mo ang loob mo. Huwag ka na ulit magpadala sa emosyon mo. Light, isa kang napakabuting babae. Nagsisisi nga ako kung bakit ginamit pa kita. Sana pala, ikaw nalang ang minahal ko.

Bakit nga ba ako nagaabalang magsulat ng pagkahaba-habang mensahe para sayo? Eh alam ko namang hindi mo mababasa ito. Pero sana kahit ganun.. ang mga salita na nakasulat dito ay lumipad papunta sa puso mo.

Lightning, Thank you and Im sorry. Hindi totoong wala akong pakielam sayo... Dahil minahal kita.. Minahal kita..

Malinaw kong nabasa ang mensaheng nakasaad sa notebook. Maganda ang kanyang handwritten na gaya ng isang sulat kamay ng babae. Sinsero ang bawat salita at alam kong totoo ito.

"Socrates, Damn it." Bulong ni Nepumoceno.

Halos mapilas na niya ang pangalawang pahina. Sa galit, sakit at lungkot na kanyang nadarama.

Muli niyang inilipat ang pahina. Sa mga kasunod na pahina ay nakasulat ang mga nangyari sa araw-araw na buhay ni Socrates.. habang kasama niya si Nepumoceno.

"Sayang.." Bulong niya.

Napapikit na lang ako at huminga ng malalim. "Sayang?" Salitang sayang.. ay para sa pagsisisi. Ang pagsisisi ay laging nasa huli.

Pero kahit kailan ay hindi na maibabalik ang nakaraan. Kahit pa iyakan at pagsisihan.

-END OF CHAPTER FORTY-TWO.-

Blinded (One and Only You)Where stories live. Discover now